CHAPTER 18: True Feelings

143 13 5
                                    

CHAPTER 18

"Jace ano bang ginagawa mo?!" Sabi ni Molley at tinulak ako palayo.



Pinuntahan naman niya si Frio at inalalayan ito.



"Frio pumasok ka muna sa bahay, kakausapin ko lang si Jace."




"Ayoko! Gagantihan ko yang ga–"



"Frio sige na." Pagpupumilit ni Molley.





Habang naglalakad paalis si Frio ay di niya tinanggal sa akin ang matalim niyang titig, tssss akala niya naman natatakot ako sa kanya...



"Jace ba't mo naman sinaktan si Frio?!" Galit niyang tanong.



"Molley anong sabi ko sayo? Di ba sabi kong iwasan mo na siya! Alam mo bang kanina pa ko nakatingin sa bintana habang nagpipicnic kayo sa garden! Tangina Molley niloloko mo ba ko?!" Galit rin na tanong ko



"Panong niloloko Jace? Hindi kita niloloko, yun na ang huling bonding ko kay Frio tapos sinira mo pa!" Naiiyak niyang sabi.



"Nakakainis lang kasi! Sa mismong monthsary pa natin, dapat ako yung kasama mo hindi si Frio!" Frustrated kong sabi.



Natahimik siya.



"Oh bat ka natahimik? Nakokonsensya ka na ba?!" tanong ko sa kanya.



"Monthsary? M-Monthsary na natin?" Napapantastikuhan niyang tanong.



"Oo monthsary na natin! Kahit deal lang ang lahat siyempre may monthsary pa rin tayo."




Dumilim bigla ang ekspresyon ng mukha niya.



"Wala akong pake sa monthsary na yan, tutal deal lang naman ang lahat." sabi niya at naglakad palayo.







MOLLEY

Nakakainis! Kung kanina nakokonsensya ako kasi di ko alam na monthsary namin, ngayon naman nabibwisit ako. Bakit kasi kaylangan na lahat na lang ng sabihin niya may salitang 'kesyo deal' bwiset! Hindi ba niya alam na nakakainis pakinggan?! Teka nga. Bakit ba ko naiinis, eh totoo naman na deal lang ang lahat tssss, ay basta naiinis ako!



"Molley! Bumalik ka rito." Sigaw niya sakin



"Bumalik your face gago!" Sabi ko at naglakad palayo.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon