CHAPTER 16: Hurt

154 17 0
                                    

CHAPTER 16


Sabay sabay kaming naglalakad nila Frio at Sireh sa corridor ng bigla akong kinalabit ni Sireh.



"Gurl, mukhang kanina ka pa hinihintay ni fafa Jace oh. Pano ba yan, mauna na kami ni fafa Frio." Sabi niya at hinawakan ang kamay ni Frio.



Hinawi naman ito ni Frio.




"Sasama ako sayo Molley, baka anong gawin niyang lalake na yan na masama sayo." Nag-aalalang sabi ni Frio.




"Don't worry Frio, hindi ko hahayaang saktan niya ko, bumalik na kayo dun, I can handle myself." Sabi ko at binigyan siya ng simpleng ngiti.



Mukhang yun lang ang hinihintay niyang sabihin ko kaya naman umalis na silang dalawa ni Sireh.



Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatayo si Jace, matalim ang titig niya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa bulsa ng pantalon niya, lumapit ako sa kanya.



"What do you want Jace?" Tanong ko.



"Come with me." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


"Jace may klase pa tayo, baka ma-cuttinga–"



Lumingon siya sa akin at hinarap ako.





"Bakit ka ba nag-kakaganyan? Dahil ba sa Frio na yon? Damn it! Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa'kin." Seryoso niyang sabi at muli akong hinatak.




Hindi nako nakipag talo pa at hinayaan na lang siyang hatakin ang kamay ko, dinala niya ko sa parking lot at isinakay sa kotse niya.




"Where are we going?" tanong ko. (Dora's house! charot!)



"Sa bahay." Malamig niyang sabi.




Alam ko na agad ang gusto niyang mangyari, hindi ko na kailangang magtanong dahil alam kong matagal na niyang pinagplanuhan to.


Nakarating kami ng ligtas sa bahay nila, tanging mga katulong lang ang nandito, nakita nilang pumasok si Jace at binati nila ito. Wala man lang silang pake kung may kasamang ibang tao si Jace, ni hindi man lang nila ko tinapunan ng tingin at bumalik sila sa sari-sarili nilang trabaho.
Dumiretso kami sa kwarto ni Jace at ni-lock niya yon. Hinawi ko pasarado ang kurtina sa kwarto niya at sinimulang hubarin ang blouse ko. Nakita kong nagulat siya sa ginagawa ko.



"What the fuck are you doing?" Nagtatakang tanong ni Jace.



"Isn't it obvious? I'm taking off my clothes." Pagtataray ko.



"Hindi ko sinabing mag-hubad ka." Galit niya tugon.




"Are you kidding me? Eh ano palang gagawin natin dito? Mag babahay-bahayan? Mag tatagu-taguan?" Pilosopo kong tanong.




"Hindi sa ganun Molle–"




"Alam kong ito lang ang gusto mo! Gusto mo kong maging girlfriend para lang dahil dito! am I right Jace? tama ako diba!" Sigaw ko sa kanya.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon