CHAPTER 14: Jealous

149 18 0
                                    

CHAPTER 14

"Molley" tawag sa akin ni Frio.



Nilingon ko siya at binigyan ng isang tipid na ngiti.




"Okay lang ako Frio, yung nangyari kanina, pagpasensyahan mo na si Jace." Sabi ko at nagpatuloy ng lakad.




"Sino ba talaga siya sa buhay mo Molley? Kasi panigurado kung ibang tao ang nakakita sa ating hinalikan kita sa daan hindi naman nila tayo pa-pakialaman eh." Sabi ni Frio.





Napahinto ako sa paglalakad at bahagyang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.




"Kaibigan ko lang siya Frio." Sabi ko.





"Molley 'di ba ang mag kaibigan hindi nag tatago ng sikreto sa isa't isa?" Sabi ni Frio.



Napabuntong hininga naman ako.




"Tama ka Frio boyfriend ko siya." Nakayuko kong sabi.





"Oh? Okay lang naman kahit may boyfriend ka ah, ba't kaylangan mong itago sa akin?" Malungkot na sabi niya.





"Frio, deal lang ang lahat, hindi ko talaga siya real boyfriend." Paliwanag ko.





"Molley, pano nangyari yu-"




"Mahabang storya Frio, ayoko ng pag-usapan yon."




"Sige Molley okay lang kahit di mo sabihin." Malungkot niyang sabi.



"Sige na nga, ikekwento ko sayo pero mangako kang di mo siya susugurin or aawayin." Sabi ko.



"Promise Molley!" Nakangiti niyang sabi.




Nakauwi na kami ng bahay, kasalukuyan kaming nandito sa terrace ng kwarto ko. Nagsimula na kong mag-kwento, Kinwento ko ang lahat lahat sa kanya, kung paano kami nagkakilala ni Jace at kung bakit kami nagkaroon ng ganong deal, normal lang sa una na magalit siya, pero kumalma rin siya.



"Alam mo Molley kahit totoong girlfriend ka pa niya or kahit deal lang ang relasyon niyo ipaglalaban pa rin kita." sabi niya at hinalikan ang kamay ko.




"Hindi ko maintindihan Frio, bakit mo ba ginagawa to?" Tanong ko sa kanya.




"Eto na ang tamang panahon Molley para magtapat ako sayo, mahal na kita, hindi bilang kaibigan kundi higit pa sa kaibigan, kaya kita sinundan dito dahil ayoko ng maging duwag, gusto ko ng panindigan ang pagmamahal ko sayo." seryoso niyang sabi sa akin.




"Frio, bat ngayon mo lang sinabi?"




"Bakit Molley? Wala namang hahadlang ah, kung wala naman talaga kayong relasyon ni Jace anong ikinababahala mo?" malungkot niyang tanong.




"Wala Frio." Sabi ko at binigyan siya ng yakap.




"Alam mo ba Molley na dito na rin ako mag-aaral kung saan ka nag aaral ngayon, gusto kong makasama ka Molley habang wala pang hadlang, gusto ko akin ka lang, diba nga forever and always tayo?" Sabi niya.




I nodded.



Hahalikan na sana niya ko ng makarinig kami ng malakas na kalabog sa bahay nila Jace, lumingon ako at nakita ko siya bintana ng kwarto niya habang nakatingin sa akin ng masama, agad naman niyang hinawi ang kurtina pasarado.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon