Chapter 29: Samantha's plan

122 5 2
                                    

CHAPTER 29

Kumatok ako sa pintuan ng mansyon namin, hindi ko na pinasunod si Jace dahil paniguradong mas lalo lang silang magtataka, baka isipin pa nilang two timer ako dahil boyfriend ko si Frio samantalang si Jace ang kasama ko.



Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang gulat na gulat na mukha ni ate, nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.


"Jusko Mar! san ka ba nagpupupunta?! Pinag-alala mo kami!" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at dali daling pumasok sa bahay.



"Mommy! Grandma! Mowen! Molley is here!" sigaw ni ate.


Sunod sunod namang nagsilabasan ang mga pamilyar na mukha, nakita kong galing sa kusina si Grandma samantalang nasa taas naman galing si Mommy at galing naman sa sala si Mowen.




"Jusko maryosep! santisima! ikaw bata ka san ka ba nagsusuot at bakit hindi ka umuwi ng bahay?!" sigaw ni grandma.


Napapikit nalang ako, at pilit pinapakalma ang sarili ko, Molley hindi mo pwedeng sabihin sa kanila ang totoo.



Minulat ko ang mga mata ko at pilit silang nginitian.



Magsasalita na sana ako ng biglang dumapo ang palad ni mommy sa pisngi ko, di ko inexpect yon. Mangangamatis na talaga ang mukha ko neto.



"Ang lakas ng loob mong hindi umuwi ng bahay! at ang kapal naman ng mukha mong hindi magpaalam sa amin! gusto mo ba kaming patayin sa pag-aalala?!" galit na tugon ni mommy.


Napayuko ako.



"Alexandra! Kumalma ka! wag mong saktan ang apo ko!" ani Grandma.



"Natulog po ako kena Sireh k-kasi po m-may group project ka-"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal na naman ako ni mommy, takte strike 2 na.



"At kelan pa kita tinuruang magsinungaling Molley?! yan ba ang natutunan mo sa pagsama sa Frio na yon?! tinawagan namin si Sireh! ang sabi niya hindi ka niya kasama! pinapainit mo ang ulo ko Roussinne!" sigaw niya.



"Mommy, umakyat ka nalang po muna sa kwarto, kami nalang po ni ate ang kakausap kay ate Mar." mahinang sabi ni Mowen habang hinahagod ang likod ko.



"Kausapin niyo yang kapatid niyo, ikaw naman Mollyanna subukan mong kunsintihin ang kasinungalingan niyang kapatid mo at pati ikaw ay malilintikan sa akin!" ani mommy at tuluyang umalis.



Ngayon ko lang nakitang ganon kagalit si Mommy kaya nashock ako.



"Shhhh, tahan na ate Mar, mahal ka ni mommy, nag-aalala lang yun sayo." Ani Mowen.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon