CHAPTER 10: Mollyanna's Ex

185 19 0
                                    

CHAPTER 10

Matapos ng nangyari kahapon hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jace ngayon. Alam kong dissapointed siya sa akin dahil hindi natuloy yung gusto niyang mangyari, kaya naman nandito lang ako sa loob ng kwarto ko habang nanonood ng palabas sa laptop ko. Kanina pa niya ko chinachat at tinetext pero hindi ko ito pinapansin dahil nahihiya ako sa kanya, first time na may lalakeng nakakitang natagusan ako, nakakadiri..



Nakadapa pa rin ako dahil masakit ang puson ko, maya maya ay may narinig akong katok galing sa kwarto ko.




"Pasok." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa laptop.




Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpasok ni ate, pi-nause ko muna ang palabas na pinapanood ko at napalingon sa kanya, nagulat ako ng makita kong nagbago na ang kanyang buhok, ang dating hanggang bewang na blonde niyang buhok ay hanggang braso nalang.




"B-Bunso, sorry kung nasabihan kita ng ganon, nag-aalala lang naman ako sayo kase late ka ng nakauwi, sorry rin kase hindi kita nareplyan, na-lowbat kasi ang cellphone ko at iniwan ko lang at chinarge sa kwarto nung pag-uwi ko ng araw na yon. Alam mo namang di ka matiis ni ate, mahal na mahal kaya kita, sorry na.. Hindi ako sanay na walang kaasaran sa umaga eh." Naiiyak niyang sabi.





"Sorry rin ate kung napag-buhatan kita ng kamay, nadala lang ako sa emosyon. Badtrip kase ako nung araw na yon. Wag kang mag-alala bati na ulit tayo, iloveyou ate." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.





"Pwede mo bang i-comfort si ate?" malungkot niyang sabi.





"Oo naman ate, ano bang problema mo? Tsaka, bakit ka nagpagupit ng buhok?" Tanong ko.





"B-Bunso, g-gusto ko na kase dapat kalimutan ang e-ex ko na si K-Kean kaya pinagupitan ko ang buhok ko, sa tuwing naaalala ko kase na siya ang dahilan kung bakit ako nagpahaba ng buhok nasasaktan ako, kaso kasi kanina pag tapos kong mag-pagupit nakita ko siya, nasasaktan na naman ako bunso, kesa malapit nakong maka move-on tsaka ko pa siya nakita, bumalik na naman tuloy ang feelings ko sa kanya. Ang tanga talaga ng ate mo hahahaha." Sabi niya at humagulgol.





Hinagod ko lang ang likod niya habang tuloy tuloy pa rin siyang umiiyak.





"Alam mo ba ate na idol na idol kita kase napaka-strong mo, tapos dahil lang sa ex mo na yun ipapakita mo saking mahina ka? so pano ba yan ate? gusto mo maging ganyan rin ako? ate, kung nakaya mo ngang lampasan yung mga problemang naransan mo dati, eto pa kaya?" seryoso kong sabi.





"Tama ka bunso, dapat ngang maging strong si ate para sainyo." Nakangiti niyang sabi.




"Yan ang ate ko! Wag ka mag-alala ate, marami pang lalake sa mundo, hindi naman ikaw yung nawalan eh, kundi siya. Sinayang niya ang isang babaeng katulad mo, kasalanan niya na yon! Kaya huwag na huwag kang magiging tomboy! sayang kaya lahi natin!" galit kong sabi.





Tinawanan lang niya ulit ako at muling niyakap.






"Balita ko bunso boyfriend mo daw yung lalakeng nasa baba ah." Nakangising sabi ni ate.





"Nasa baba?" Nagtataka kong tanong.




"Oo, kanina pa nga siya du-"




Hindi ko na pinatapos si ate at tumakbo na agad ako papunta sa baba, nadatnan ko siyang kumakain ng cake kasama si mommy.



"Oh andyan na pala si Mar, oh siya maiwan ko muna kayo ng makapag-usap kayo ng maayos." paalam ni mommy.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon