CHAPTER 20: Broke

135 14 2
                                    

CHAPTER 20

Hanggang ngayon ay nacu-curious pa rin ako kung ano yung sinabi ni ate at Mowen na may kausap na babae si Jace, ayokong magselos dahil wala naman akong karapatan, pero hindi ko maiwasan. Totoo kay ng sinabi ni ate at Mowen? Napagpasyahan kong bumaba, kasi sabi nga nila "To see is to believe."



Dali dali akong bumaba para tingnan kung sino nga ang kausap ni Jace, nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng hinarang ako ni mommy.





"Oh anak bakit parang nagmamadali ka? May date ka ba?" Tanong niya.





"Wala mommy 'no, ahhmmm may titingnan lang ako sa labas ma." Palusot ko.




"Nako mamaya na yan nak, kumain ka muna nitong binake kong cookies." Sabi niya at inalok ang dala niyang cookies.




"Later na ma, nagmamadali kasi ako, promise ako ang uubos niyan mamaya." Sabi ko at tumakbo palabas.




Sa totoo lang at hindi sa panglalait, hindi talaga masarap mag-bake si mommy ng cookies, pero dahil nagmamadali ako hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko para lang malagpasan si mommy, masyado kasing chikadora eh...





Palabas na sana ako ng pinto ng mapansin kong may kausap ngang babae si Jace, nasa gilid sila ng sasakyan at para bang seryoso talaga ang pinag-uusapan nila, nakatalikod sa direksyon ko si Jace at nakaharap sa akin ang kausap niyang babae, hindi ako mapansin nito dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Jace, tama nga ang sinabi ni Mowen, maganda at sexy. Kulang na lang lumabas yung pwet niya sa iksi ng suot niya, tsss.




Nagtago ako sa garden namin at kunwari ay nakatambay lang, sa totoo lang gusto ko lang talaga makinig sa usapan nila, ayokong maging chismosa dahil hindi kami tinuruan ng mama kong makinig sa usapan ng iba dahil privacy daw nila iyon, pero di ko maiwasan.




"Baby, what's wrong? Ayaw mo na ba sa akin? Parang dati araw araw mo pang pinagsasawaan ang katawan ko." Sabi ng babaeng kausap ni Jace habang hinihimas himas ang dibdib niya.







Malandi Alert! Baby pala ah.





"Fuck! You shut up Sam!" Sabi ni Jace na parang frustrated.





"Hmmmm Jace, yung sinabi ko sayo tandaan mo okay?" Sabi ng babae.





May sasabihin pa sana siyang iba pero mas minabuti niyang ibulong ito kay Jace, nagulat ako ng bigla itong lumingon sa direction ko, nilipat ko agad ang tingin ko sa halaman.




"Goodbye baby, Iloveyou." sabi ng babae at walang seremonyang sinakop ang labi ni Jace.


Napayuko ako, naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko kasabay ng pag-andar ng kotse ng walanghiyang higad na makati na pokpok na babaeng yon.




Lumingon ulit ako sa direksyon ni Jace, nandoon pa rin siya, nakatayo, para bang isang teenager na naranasan ang first kiss niya. Pinunasan ko ang luha ko at agad na lumapit sa kanya. Nag pretend ako na kunwari hindi ko narinig ang pinag-usapan nila at kakalabas ko lang.





"Huy Jace andyan ka pala!" Sabi ko at bahagyang ngumiti.





Nakita ko ang gulat at kaba sa ekspresyon ni Jace, wag ka ng magulat Jace kanina pa ko nandito.





"M-Molley, k-kanina ka p-pa ba d-diyan?" nauutal niyang sabi.





"Actually kakarating ko lang, bakit?" Pakunwaring tanong ko.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon