CHAPTER 13: Regret

157 20 0
                                    

Chapter 13

Simula ng bumalik ako sa room ay nawala na ako sa mood, sino kaya ang matutuwa 'di ba? Akala mo absent yung boyfriend mo yun pala nag-cutting para makipag kiss sa ibang babae. Alangang magtayo pa 'ko ng banner sa harapan nila habang nakalagay "GO JACE GO JACE! ITULOY MO PA!" Gustong gusto ko umiyak kanina pero dahil feeling strong ako di ako umiyak, tsaka lalake lang yun tsk!



Nagpaalam na ang last teacher namin at narinig ko ng tumunog ang bell. Salamat naman at uwian na. Nauna ng lumabas ang mga kaklase kong madaling madali makita ang mga jowa nila, mga malalandi! sorry na bitter ako eh.



"Molley di ka pa ba uuwi? Tayo nalang dalawa ang nandito sa classroom, di ka ba natatakot?" Tanong ni Sireh.





"Bat naman ako matatakot Sy? Multo lang yan hindi ka naman kakainin niyan." Sabi ko.





"Oh siya uuwi nako, hinahanap na kase ako samin eh, may dinner daw nag magaganap tsss. Sabay nalang tayo nextime ah! Babyeee!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.




Palabas na sana ako ng classroom ng makita kong papasok si Jace sa loob, napaurong ako at nagpanggap na normal lang ang lahat.




"Oh Jace! Andyan ka pala! Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong sabi.




Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin habang papalapit na siya ng papalapit, napaurong na naman ako.



"J-Jace?" Nakangiti ko pa ring sabi.





"Molley." tuluyan na siyang nakalapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko.



Tinitigan niya kong mabuti, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, hahalikan sana niya ko pero iniwas ko ang mukha ko.





"Jace uuwi nako, may kailangan ka ba?" Tanong ko.





"I'm so sorry Molley." Sabi niya.




Para bang lahat ng sakit naramdaman ko ulit, lahat ng galit ko bumalik.





"Sorry? Para saan Jace? Para kanina? Haha wala yun, wag kang mag sorry na para bang nagsisisi kang nakipag halikan ka sa iba." sabi ko.




"Molley sorry kung nasakta–"



"Eh ano bang pake mo kung nasaktan mo ko o hindi? Deal lang naman ang lahat diba? Girlfriend mo lang naman ako pag kailangan mo 'ko." Seryoso kong sabi.



"Molley hindi sa gan–"



"Ayoko ng makipag-talo Jace, gusto kong umuwi kaya pwede ba? wag mo muna ako kulitin ngayon."



Naglakad ako palayo pero alam kong nakasunod pa rin siya sa akin, nang malapit na ako sa exit ng school napansin kong nandun ang mga kaibigan ni Jace pati si Ate Mollyanna, ng makita nila ako ay tinaas nila ang karatulang may naka sulat na "I'M SO SORRY MOLLEY" at may inabot sila sa akin na isang boquet ng roses at malaking teddy bear. Para bang lahat ng galit ko ay naglaho dahil sa effort ni Jace, nilingon ko siya, nakita kong nagulat din siya. Ano yun nagulat siya sa sariling surprise niya?



"Jace, ikaw ba ang gumawa nito para sa akin?" Masaya kong tanong. "Alam mo, sobra kong na appreciate ang effort mo, pinapatawa–"



"No way! Hindi ako ang gumawa niyan! Hindi ko ugaling mag effort!" Nandidiri niyang sabi.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon