CHAPTER 17: Trouble

165 18 3
                                    

CHAPTER 17

"Molley!" Tawag ni Frio sa akin habang papalapit sa direksyon ko.



"Frio anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ni Jace." Nag-aalala kong tanong.



"Molley sinundan kita, nag-aalala kasi ako eh, baka may gawing masam-"



"Who the f*ck is that Molley?!" Galit na sigaw ni Jace.



Narinig ko ang mga yabag ni Jace papunta sa direksyon ko, mas lalo akong kinabahan.



"Frio umuwi kana please baka saktan ka ni Jace, ayokong mapahamak ka, pakiusap Frio." Pagmamakaawa ko sa kanya.




"Hindi Molley, haharapin ko siya. Ipaglalaban kita, mahal na mahal kita Molley." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko.




"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na sigaw ni Jace habang may hawak na baril.




"Nandito ako para agawin sayo ang dapat na akin, nandito ako para ipaglaban si Molley." Seryosong tugon ni Frio.




Nakita kong tinaas ni Jace ang baril na hawak niya.




"J-Jace kung anong mang pinaplano mo wag mong ituloy, pakiusap." Naiiyak kong sabi.





Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko at kasabay nun ang putok ng baril na narinig ko.








Napabalikwas ako ng bangon, pawis na pawis ako. Tiningnan ko ang oras at alas tres na ng madaling araw, kinuha ko ang cellphone ko at bumaba para pumunta sa kusina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig ng maramdaman kong nag-vivibrate ang cellphone ko.




Frio calling
0936670****

"Hello Frio? Napatawag ka?" Nagtataka kong tanong.




"Still awake?" Tanong niya.



"Nagising lang, ang sama kasi ng panaginip ko." Sabi ko.




"Same, nagising rin ako sa masamang panaginip." Narinig ko siyang napabuntong hininga.




Parehas kaming natahimik.




"Gusto mong pumunta ako diyan? Magdadala ako ng pagkain, tapos sabay na lang tayo pumasok sa school." Sabi niya.




Napaisip ako, sinabihan ako ni Jace na iwasan si Frio, madaling araw pa naman, panigurado tulog pa yon, hindi niya malalamang pupunta si Frio.





"Sige, mag-text ka kung malapit ka na." Sabi ko at binaba ang tawag.




Nagbihis muna ako ng damit at inayos ang sarili, maya maya ay nakarinig ako ng busina galing sa labas, dali dali akong bumaba.



"Hi" sabi ko.




"Hello." Natatawang sabi ni Frio.




"Halika, doon tayo sa garden." anyaya ko sa kanya.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon