CHAPTER 15: Frio vs Jace

133 19 0
                                    

CHAPTER 15

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano haharapin si Jace ngayon, like wth. Bakit siya mag-seselos? Di ba nga deal lang ang lahat, naguguluhan na talaga ako.



Papasok na sana ako sa classroom ng mapansin kong nagtitilian ang mga classmates kong babae, wala pa ang teacher namin kaya siguro sila nag iingay, isinawalang bahala ko nalang ang tilian na naririnig ko, didiretso na sana ako ng upuan ko ng may tumawag sa akin galing sa likuran ko.


"Molley!"


Nilingon ko ang taong nag mamay-ari ng boses na iyon, walang iba kundi si Frio.



"Frio."



Nanlaki ang mata ko ng makitang may dala siyang bulaklak at chocolates, kaya pala nagtitilian ang mga classmate kong babae.




"Frio, para kanino yan?" Tanong ko.




"Para sayo Molley." Sabi niya at ibinigay sa akin ang bulaklak at chocolates. "Hinatid ko lang yan dito, kung kailangan mo ako andyan lang ako sa kabilang room, mauuna na 'ko. Btw goodmorning Molley." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi sa harap ng kaklase ko.



Mas lalong lumakas ang hiyawan at tilian, aalis na sana si Frio ng makita niyang nakatayo si Jace sa gilid.



"Umagang umaga ligawan ang inaatupag, nandito kayo sa skwelahan para mag-aral tsss." Sabi niya habang seryosong nakatingin kay Frio.



"Buhay namin to, kaya wala kang pakialam." Sabi naman ni Frio.



"Gusto ko lang ipaalala sayong girlfriend ko si Molley, G-I-R-L-F-R-I-E-N-D. Kaya dapat marunong kang dumistansiya, anlakas naman ng loob mong pormahan siya." Galit na sabi ni Jace.



"Hindi mo siya totoong girlfriend, kaya wag kang umasta na may karapatan ka." Pabulong na sabi ni Frio kay Jace.


Para nagkakainitan na ah.



 Buti na lang wala sila sa room kaya hindi naririnig ng mga classmates ko ang nangyayari, hanggang ngayon kasi ay hindi pa sinasabi ni Jace na kami na in public, kahit pretend lang naman.



Humarang agad ako sa kanilang dalawa.



"Kayong dalawa puro kayo away, ikaw Jace pumunta ka na sa loob ng classroom baka makita ka pa ng teacher natin na nakikipag away." Galit kong sabi. "Ikaw naman Frio pumunta kana sa room niyo, salamat dito ah naappreciate ko yung 'effort' mo." Pinagdiinan ko talagang sabihin ang salitan effort para marinig ni Jace.



"Mamaya nalang Molley." sabi niya at tuluyang umalis.



Pumasok na ko sa classroom, sakto namang dumating ang teacher namin, naramdaman kong tumabi sa gilid ko si Sireh.



"Ikaw ha, hindi mo sinasabing may pogi ka palang manliligaw, andami tuloy na iinggit sayo ngayon." Natatawa niyang sabi.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon