CHAPTER 21: Goodbye

135 14 2
                                    


CHAPTER 21

"Sir Jace."

Binaba ko ang binabasa kong libro at lumingon kay Manang.



"Yes Manang?"



"Sir Jace may naghahanap po sa inyong babae sa labas, gusto daw po kayong makausap."


Kaagad akong bumaba sa pag-aakalang si Molley ang babaeng tinutukoy ni Manang, hindi ko na pinakinggan ang sunod na sinabi ni Manang dahil nagmamadali ako, minsan na nga lang pumunta si Molley sa bahay hindi pa in-entertain at pinaupo ni Manang sa sala, nakakahiya tuloy. Eh ang sabi ko lang naman wag siyang magpapasok ng ibang babae basta hindi si Molley. Hindi mawala ang ngiti ko bago ko buksan ang pintuan.


"Sabi ko na nga ba Molley namimiss mo n–"


Naglaho ang ngiti ko at di ko natuloy ang sasabihin ko ng marealize na hindi pala si Molley ang nasa harapan ko, kundi ang di ko inaasahang tao.


"Hi Jace." Malambing niyang sabi.



"S-Samantha?"


"Yes, ako nga." Then she kissed me.


"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong.


"I want to talk to you, gusto kong pag-usapan yung tungkol sa atin Jace." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.



Hinawi ko ito.


"Wala ng tayo Sam kaya wala na ring dapat tayong pag-usapan, umalis ka na." Malamig kong sabi.


She laughed.


"Why? Kasi may Molley kana? hmmmmm, alam ko namang isa lang din siya sa mga pampalipas oras mo, right Jace?" she smirked.


HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon