CHAPTER 27: Obsessed

135 9 2
                                    

CHAPTER 27


Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, puting kisame, puting dingding, puting silid, nasa langit na ba ko?


Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip ko ang isang lalakeng natutulog sa gilid ng kama ko, Si Frio.



"F-Frio." mahinang tawag ko.



Agad naman siyang nagising at pumunta agad sa direksyon ko, niyakap niya ko.



"Thank God you're awake! You make me worried baby." Ani niya.


"Anong nangyari? Anong oras nakong tulog?"



"5 hours ka ng tulog, Diba dapat ako ang magtanong niyan? What happen baby? Bakit ka inatake ng hika?"


Unti unting nag sink in sa utak ko ang nangyari, kung bakit ako inatake ng hika at kung ano ang natuklasan ko kanina, napabalikwas ako ng bangon, at pilit tinanggal ang oxygen na nakalagay sa bibig ko.



"Anong ginagawa mo Molley? Itigil mo yan, sa ka pupunta?" Natatarantang tanong ni Frio.



Tuluyan na kong tumayo, bago ako tuluyang lumabas ng pinto ay muli akong nagsalita.



"Aayusin ang gusot na sinimulan ko." Sabi ko.



Nakalabas na sana ako ng bigla ako hablutin ni Frio at yakapin.



"Molley anong ibig sabihin ng sinabi mo? Hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi pa nga tayo nakakaabot ng buwan eh." malungkot niyang sabi.


"Frio, pag pinaabot ko pa to ng buwan, taon, mas masasaktan ka lang, mahal kita, dati. Pero Frio nahuli ka na, k-kase.."



Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.



"Molley akin ka lang, pangako, gagawin ko ang lahat wag mo lang ako iwan." pagmamakaawa niya.


"Pero F-Frio.."


"Hindi! Akin ka lang Molley! Akin kalang!" sigaw niya sa akin.



Napaurong ako ng bahagya dahil sa lakas ng sigaw niya, ibang Frio ang nakakausap ko ngayon.



"Molley sorry hindi ko sinasadyang sigawan ka, mahal na mahal kita Molley, hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya. Matagal na kitang pinangarap. Naiisip ko na ang buhay natin kapag naging mag-asawa na tayo, hindi pwedeng sirain lang ni Jace ang lahat." Frustrated niyang sabi.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon