CHAPTER 25: Official

146 9 0
                                    

CHAPTER 25

JACE

Stay calm Jace, maybe they are just talking about something important, wag kang mag-isip ng mga negative, tama! Paniguradong si Frio ang una niyang hinanap dahil may sasabihin lang siya, hindi ako matitiis niyang si Molley, lalapit din yan sa akin.



Nakatingin lang ako sa kanila ng di manlang nila namamalayan, bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan habang magkausap sila, tssss. mas masaya pa rin si Molley pag ako ang kasama niya.



Hindi ko manlang napansin ang mga taong nasa paligid ko, pagkatapos kong i-greet si Grandma Melina kanina ay dumiretso nako dito sa upuan at nanatili nalang ako dito sa posisyon ko habang matalim ang titig sa dalawang 'magkaibigan'. Magkaibigan lang ba talaga? Aaahhh! Erase! Malamang magkaibigan lang sila ano bang iniisip mo Jace.



"Lil' brother is there something wrong?" ani kuya.


"Nothing." I answered.



"I see." napatango tango siya.


Binalingan ko siya ng tingin.


"What?" He asked.


"Tsss."


"Look brother, kung nagseselos ka sa dalawang yan bakit hindi mo sila lapitan? alam mo naman sa sarili mong may karapatan ka kasi girlfriend mo si Molley." Ani niya.


"I know, pero siguro may pinag-uusapan lang sila na para lang sa kanilang 'dalawa' diba? they also need privacy." I said.


"Okay, sabi mo eh."


Nanatili pa rin ako nakatingin sa kanila ng mapansin kong nagpalakpakan na ang mga tao, hindi ko namalayang nasa stage na pala si Grandma Melina, siyempre nakisabay rin ako.


Nakatutok na ang buong atensyon ko sa mga taong isa isang nagbibigay ng message kay Grandma, hanggang sa umakyat na ang taong inaasahan kong mag speech sa harap ng maraming tao.


"Hi Grandma, Happy 70th Birthday! First of all gusto kong magpasalamat sa inyo, thankyou Grandma kasi pinaramdam niyo sa amin na mahal na mahal mo talaga kami, salamat rin kasi napaka protective mong Lola, remember Grandma? Di ba sabi mo sa akin kapag nahanap ko na ang the one ko ay ipakilala ko siya sa inyo, Grandma, I already found him na." sabi ni Molley habang nakangiti.


Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung kinakabahan ako or kikiligin ba ko, panigurado ako ang tinutukoy niya, napangiti ako kahit hindi nakabaling sa akin ang atensyon niya.


"Unang kita ko palang sa kanya alam kong may spark na, Alam kong siya na, at kaya ko sinasabi sa inyo to dahil sinasagot ko na siya, Ladies and Gentlemen, I want all of you to meet my boyfriend, Mr. Frio Loyzaga."

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon