CHAPTER 9: Dinner (spg slight)

206 21 1
                                    

A/N: So dito na mag-start ang kalbaryo ko😂hindi po ako magaling gumawa ng BS kase pers taym ko lang gumawa ng story, kung hindi lang dahil kay C.C at Rainbowcoloredmind hindi ko malalaman yang mga yan bwahahahaha.


CHAPTER 9


Lumipas ang mga araw at saturday na, hindi naging madali sa akin ang pagpasok ko nitong mga nakaraang araw lalo na't lagi akong kinukilit at dinidistorbo ni Jace, nandito ako sa harap ng salamin habang sinusuklay ang mahaba at bagsak kong buhok. Kinakabahan nako dahil ngayon araw ko makikilala ang pamilya ni Jace, alam na ni grandma ang tungkol sa amin ni Jace, pero siyempre hindi ko sinabing deal lang ang lahat, sinabi kong niligawan ako ni Jace at agad ko siyang sinagot. Nung malaman ni mommy yun ay tuwang tuwa siya, mabilis silang nagkasundo ni Jace, si Ate? ewan ko kung may alam siya about dito, hanggang ngayon kase hindi pa rin kami okay. Busy pa rin ako sa pag-aayos ng sarili ko ng makarinig ako ng katok galing sa pinto ng kwarto ko.



"Bukas yan." Sabi ko.




Nakita ko sa repleksiyon ng salamin na pumasok sa pinto si Mommy.



"Ang ganda ganda naman ng anak ko." Sabi niya.



"Alam mo naman ma na sayo ako nagmana." Pabiro kong sabi.




"Dalaga kana anak, may poging boyfriend ka na nga eh, alam kong iingatan ka niya. Pero sana wag mo ring pabayaan ang sarili mo."



"Oo naman po mommy."



"Oh siya, bilisan mo na diyan at nandun na sa baba si Jace, yung paalala ko ha, wag muna isusuko ang bataan."




Namula ako.



"Mommy naman!"


Tumawa lang siya at tuluyan ng umalis.





JACE

Nandito ako sa sala ng bahay nila Molley at hinihintay siya bumaba, sa totoo lang naiinip nako kase ang tagal tagal niyang kumilos, dinaig pa niya yung alaga naming pagong na si Lowkey.



"Jace!"




Napalingon ako sa taong tumawag sa akin, pababa na siya ng hagdan at nakasuot siya ng color blue na dress na bumagay sa maputing balat niya, naramdaman kong unti unting nabubuhay si junior, shit. Para bang nagslow motion ang paligid habang papalit siya sa akin, bakas sa mukha niya ang pakairita sa damit na suot niya, hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon ng mukha niya.



"Hoy bakit moko tinatawananan?! Mukha ba kong clown?!"



Mukha kang prinsesa Molley..



"Oo! Ang panget ng mukha mo." Pabiro kong sabi.



"Edi sige wag na nating itu-"



"Uy joke lang! Eto naman hindi mabiro, halika na pumunta na tayo sa bahay babe." Sabi ko sabay kindat.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon