CHAPTER 24: Reality

150 7 0
                                    

CHAPTER 24

Days went fast at naging okay na si Mommy kaya naman ay noong isang araw pa kaming nakalabas ng hospital. Ngayon na ang birthday ni Grandma, mamaya pang 6:00 PM mag s-start ang party at alas otso palang ng umaga ngayon, kaya naman ay tumutulong muna kami nila Mowen at ate sa mga organizer na mag decorate ng surroundings.



"Ate stop muna tayo, I'm so tired na." Pagrereklamo ni Mowen.



"Ano ka ba Mowen! Andami mong reklamo! Are you a gay!?" Naiiritang sabi ni ate.


"Of course not! Sadyang nakakapagod lang kasi talaga, tsaka di ko namang ugaling magdecorate, kadiri."



"Anong kadiri don? Ikaw talaga ang arte mo eh bakla ka talaga." Pangangasar ko.


"Ha-Ha so funny! Matutuluyan talaga akong maging bakla neto kung ipagpapatuloy niyong turuan ako ng mga decorate nitong churva thingy." Ani Mowen.



"At kelan ka pa natutong niyang mga beki word na iyan?" Singit ni mommy na di man lang namin namalayan na nasa likuran pala namin.



"Trip ko lang mommy." Sabi ni Mowen.



"Nako Mowen ha! Pag nagkataong bakla ka perpek combination na kayong mga anak ko."



"Pano mo nasabi ma?" naguguluhang sabi ni ate.



"Sus Mollyanna nagkukunwari ka pa! Akala mo naman hindi ko nahahalatang may pagka-pusong lalake ka."



"Tomboy na 'di na virgin." Singit ko.



Agad naman akong binatukan ni ate at pinanlisikan ng mata.



"Anong di na virgin Mar? Hindi kana virgin Mollyanna?!" Galit na sabi ni mommy.




Nataranta naman kami agad ni ate.



"Ako di na virgin?! Ha! Birhen pa ko oy!" Proud na sabi ni ate.




Kung alam mo lang ma, tsss.




"Nako Mollyanna ha! Umayos ka! Oh siya! Maiwan ko muna kayo dito at pupuntahan ko lang ang lola niyo sa kwarto niya, ipagpatuloy niyo ang pagtulong sa pagdedecorate, at ikaw naman Mowen! Minsan ka na ngalang maging masipag kaya tumulong kana." Ani Mommy at tuluyang lumisan.



"Narinig mo yon Mowen? Kaya tigilan mo na ang pag iinarte dahil binata ka na, hindi ka na sanggol na sumususo sa nanay." Sabi ni ate habang inaayos ang flower vase sa lamesa.




Kung sila ang saya saya ngayon, kabaliktaran naman yon ng nararamdaman ko ngayon, feeling ko ang sama sama ko ng tao dahil sa planong gagawin ko mamaya, pero teka nga. Bakit ba ko nakokonsensya? Eh yung kumag nga na lalaking yun hindi man lang nakonsensya sa panloloko niya sa akin, tignan mo nga hindi man lang maisipang tumawag simula ng umalis kami sa hospital pakitang tao talaga ang ugok.



"Anong meron sa mukhang yan Mar?" Nagtatakang tanong ni ate.



"Wala, pwedeng ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo ate? Kahit kelan pakialamera ka talaga."



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon