CHAPTER 1

3.3K 69 3
                                    


Year 2008

"Bes, you know what? May transferee daw from Jerson Dormitory High"

Hindi ko nalang pinansin ang best friend kong si Ericka at nagpatuloy nalang ako sa panunood ng basketball.

Ang hot nila mga besy! Omg I feel like I am in heaven!

"Hoy nakikinig ka ba sa sinasabi ko MICHAEL JERICHO MENDEZ!" Tsk and there she goes again.

"Wag mo nga akong tatawagin sa whole name ko, nakakadirdir you know! I'm Miss Michaela Jericha like duh!" Sigaw ko sa kanya, ang ganda kong prinsesa tapos tatawagin ako sa mala macho kong full name?

Ewww No!

"Eh hindi ka naman kasi nakikinig sa sinasabi ko!" Sigaw na naman nito kasabay ang pag pout, eww ang laswa tignan!

"Not interested! According to news BABAE daw sya so it's a no! I'm not going to pindot pindot the golden buzzer so back off!" Alam ko na naman ang plano ng babaeng to.

She wants me to become a macho papa, pero nevah! Like duh walang makakapigil sa akin, I'm a beautiful princess in a what the ehem a Prince Macho body.

"Hey it's time to man up! Ganito nalang ba tayo forever? Magkukunwari kang boy sa harap ng tao, what if totohanan mo na? And for all I know, you're just being in denial, you're not gay, you're bisexual!"

"Sarey but no, I can't really imagine having a relationship with a girlaloo, like duh mas maganda pa ata ako sa transferee na yan, itaga mo sa bato ni darna!" Maarte kong sabi, ni roll nya naman ang kanyang bibilugin na mata at tumingin ng seryoso sa akin, like she's planning something evil.

"And what if ibuko kita? I'm going to tell your dad and to this whole school na hindi ka straight na lalake! Na isa kang girlaloo at ang type mo ay ang mga macho papa sa basketball court!"

What?! Oh no! Di pwede to! Paano na ang mamanahin ko? Ang dangal ko? Ang puri ko? Ang mamanahin ng mga kapatid ko sa Daddy ko? At saka nevah in my life na inimagine ko na jojombagin ako ni pader nang napakalakas sabay sasabihing

"WALA AKONG ANAK NA BAKLA!!" omg kaiyak mga bessy!

"Traydor ka! Huhuhu" sigaw ko sa bestfriend ko na tawa na nang tawa ngayon. Look how evil she is?

"Just try it, malay mo si miss transferee na pala ang one and only mo, hindi ba?"

"Eww eww eww kadiri don't ever mention one and only nakakasuka!" I shouted in frustration, nagtinginan naman ang mga taong nanonood din sa court kaya napa hawak ako sa maganda kong face.

Expose nanaman ang beauty ng bida nyo te!

Nagulat ako ng biglang tumayo si Ecka with matching ngisi pa yan, omg I'm hating this.

"Saan ka pupuntang-"

"Sa dad mo, I'm going to tell him the truth sama ka?" oh nose! no this can't be papatayin ako ni pudrabels!

Relax Michaella Jericha, inhale exhale inhale exhale

"Oo na! Papayag na ako!" omg cross fingers

"Saan sa pagsabi sa dad mo ng totoo?" She asked, not to mention na naka cross arms pa yan at nakangisi ng maloko, papatayin nya ata ang munti nyong Prinsesa!

"Papayag na ako sa gusto mong mangyari! Am going to try to be a Prince huhuhuhu!"

"Good! Let me show you the picture of your princess" sabi naman nito at umupo nanaman sa tabi ko, oh noes sana hindi chaka! huhuhu but wait-

"Correction! FROG! Not a princess but a frog!" sigaw ko nanaman sa kanya

"A frog?" Tanong nito na nakataas ang isang kilay, taray!

"Yes! Haven't heard of it? The princess and the FROG!-poink- ARAY! Isusumbong kita sa Gabriella binubully mo ang isang prinsesa!" binatukan ba naman kasi ang mala queen kong batok, like duh!

"Isumbong nalang kaya kita sa Daddy mo?"

"Nagbibiro lang ako anu ba? hehe, show me the picture of mah Princess" ewww I cannot

"Her name is Keizel Keith Villamil, senior din sya, she's from Jerson Dormitory High School" Tinignan ko yung picture and omg! mala Korean ang beauty, ang ganda nya! pero like duh! mas pretty parin ako pag ako naging babae! Taray!

"Hey! Michael Jericho, are you blushing right now? right at this moment?" oh noes no way! hinawakan ko ang maganda kong feslak at umiling iling, no this can't be

"Joke! Hahaha!" Tinignan ko ng masama si Ecka

"Tigilan mo ako sa mga trip mo Ecka! Sabunutan kita want mo?" Tumawa nanaman sya at pinakita ulit ang picture sa akin.

"And kaklase natin sya! bongga!"

OMG is this for real? no no no! huhuhu, diko ata kakayanin mga bessy! Superman itakas mo ako sa babaeng baliw na ito!!!

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now