CHAPTER 44

700 18 3
                                    

GROUP: https://www.facebook.com/groups/2125279810878551/

My Facebook Profile: https://www.facebook.com/rizielfaith.bulauan

MJ's Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaeljericho.mendez

Keith's Facebook Profile: https://www.facebook.com/izzy.bulauan

LOVE YOU READERS



Napatayo ako nang makita ko si Froggy na pumasok sa bahay, tatlong oras din akong naghintay wahhh akala ko talaga di na sya uuwi

"Keith, k-kumain ka na?" Hindi nya ako pinansin at dumeretso sya sa kusina kaya sinundan ko sya, kanina pa ako kinakabahan, pakiramdam ko narinig nya yung usapan namin ni Kuya Kevin

"Ahh, Keith, a-akala ko ba may sasabihin ka sakin? A-ano pala yun?" Humarap sya sa akin, di ko maintindihan ang nararamdaman ko nung oras na yun

Kaba, takot, at lungkot

"I just want to say thank you, that's it" nakahinga ako ng maluwag ng sumagot sya ng kalmado

"Ga-galit ka ba sakin?"

"No, why would I?"

Bakit ganun? Bakit parang hindi si Froggy ang kaharap ko, bakit parang ibang tao sya? Bakit ang lamig ng boses nya? Bakit?

"Keith-"

"I want to rest" tinalikuran nya ako, bakit ang sakit? Nagbuntong hininga ako

"Kanina ka pa ba nandun kanina? Narinig mo ba?" Alam kong may mali, alam kong galit sya

"Wala akong narinig, the first thing I saw ay yung umiiyak ka"

Sinungaling, alam kong may mali bakit di nya pa sabihin sa akin?

"Ahh sige, magpahinga ka na den" hindi na sya sumagot at nagpatuloy lang na naglakad papunta sa kwarto nya,

Nagpunta na rin ako sa kwarto ko, bakit pakiramdam ko may iba? Ano bang nangyayari, kung narinig man nya yun, hindi ba dapat sinaktan nya na ako? Hindi ba't dapat sinabi nya na?

~~~~~

"Oh bakit ganyan ang itsura nyo nag away ba kayo?" Yan agad ang bungad ni Ecka sa amin, sabay kaming pumasok ni Froggy, pareho rin kasi kaming tahimik

"Anyare sa inyong dalawa bakit antahimik nyo?" Tanong sa amin ni Ecka, nakatayo sya sa harapan namin, halatang nag aalala yung mukha nya

"Wala lang talaga ako sa mood" sagot ko, simula nung gabing nag usap kami ng Kuya nya biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Froggy

Naging sobrang cold sya. Kaya kahit nasa isang bubong kami ng buong weekend ang awkward talaga

Naiiyak ako kasi ganun sya pero pinipigilan ko lang

"Keith ikaw okay ka lang? Bakit parang iba naman ata ang templa mo?" Tanong din ni Ecka kay Froggy, tumingin naman sya dito

"Don't mind me, hmm I'm just thinking a way out, I guess?" Ano bang pinagsasabi ng girlaloo na to?

Iiwanan nya ba kami? May plano ba syang umalis? Bakit ang sakit? Bakit pakiramdam ko mawawasak ang puso ko? Ganito ba talaga pag nagmamahal ka?

Pero sa kabilang banda, mas okay na sigurong iwan nya kami siguradong ligtas sya, hindi sya magagalaw ni Cyan

Pero ang sakit sakit parin kung iisipin ko, minsan na nga lang ako magmahal sa isang babae iiwan din pala ako,

"Keith pwede bang mag usap tayo?" Tinignan ako ni Keith na nagtataka at tumango din kalaunan, tinignan ko muna si Ecka yung tumango sya hinila ko na si Froggy palabas

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now