CHAPTER 45

635 14 1
                                    

One Week Later

"Ano ba MJ, itigil mo na nga yan! Hanggang kailan ka ba ganyan! Magpapakalunod ka nalang ba sa alak!" Diko pinansin si Ecka na kanina pa dada ng dada dito sa Bar,

Hindi naman sya yung nasaktan, hindi sya yung sinabihang wala lang sya sa taong pinakamahalaga sa kanya,

"Isang linggo na MJ, one week ka ng di pumapasok, one week ka nang Wala sa sarili mo!" Ininom ko ang laman ng isa pang bote at tumingin sa kanya

"Kasalanan mo ito eh! Kung hindi ka sana nagpumilit na maging lalake ako walang ganito! Hindi ako masasaktan ng ganito, kasalanan mo lahat ng ito Ericka! This is all your fault!"

Napaatras sya sa sinabi ko, nakita ko rin na namumuo na ang luha nya, tss, totoo naman eh

"Bakit mo ba binabaling sa akin lahat ng sisi! Oo na! Ako na! Ako na ang may kasalanan ng lahat! Masaya ka na? Ako na ang masama! Ako na ang inisip lang naman ang best friend kong malapit ng mabuko ng tatay nya! Malapit nang madisappoint sa kanya ang pamilya nya! Kaya ako na!" Sigaw nya sa akin pero diko sya pinansin at nagpatuloy sa pag inom ng alak

"Hanggang kailan ka ba ganyan MJ?! Lahat na kami nag aalala sayo-"

"Alam mo ba ang feeling na magmahal pero hindi minahal pabalik?! Alam mo ba yung feeling na iniwan sa ere?! Alam mo ba yung feeling na halos mag makaawa ka na, wag ka lang iwan tapos iniwan ka parin?! Alam mo ba?! Mahal ko sya! Pero iniwan nya ako! Iniwan nya tayo! Alam mo kahit buhay ko ang kapalit makasama ko lang sya, ayos na yun, makita ko lang syang tumawa at ngumiti, sobrang saya ko na! Pero ngayon! Wala na sya! Ano ah?! Naranasan mo ba lahat ng yun?! Kung hindi umalis ka na sa harapan ko!"

Umiiyak syang umalis, hindi ko na sya hinabol, anong magagawa ng pag habol ko? Tss

"Hoy bata, hindi ba't masyado ka naman atang harsh sa kaibigan mo?" Nilapitan ako ng mukhang adik pero diko sya pinansin

"Alam mo bata, ibigay mo nalang sa amin wallet mo, mahal mo pa naman buhay mo diba?"

Tss, Buti naman sana kung mahal ko pa, nilingon ko nalang yung mga mukhang adik, sarap jombagin ng mga mukha nila

"Aba't matigas ka ah" napangisi ako nung kinuwelyohan ako nung adik, ang pangit nya rin sa malapitan

"Alam mo Tandang pangit, kung ako sayo, hindi na ako mag aadik, pumapanget ka oh pfft"

Tinamaan na ata ako ng alak, naramdaman ko ang malakas na kamao na dumapo sa mukha ko

Napasalampak na rin ako sa sahig, hayy nako madumi nanaman ang damit ko,

"Itayo nyo nga yang maangas na yan" utos nung pangit na adik sa mga kasamahan nya, naramdaman ko ang pag papatayo sa akin, mahigpit din ang pag kakahawak nila sa kamay ko

"Hoy bata, hindi mo ba ako nakikilala? Alam mo bang pwede kong pasabugin ang bungo mo ngayon?" Napadura nalang ako kasi nalalasahan ko na yung dugo sa bunganga ko. Wahhh ang sakit

"Pasabugin mo na, wala akong pakeelam! Bilis, tsk" ngumisi naman yung pangit na adik at nilabas ako sa bar,

Nasa likod ata kami ng bar, wala ring ibang tao kundi ako at yung mga adik

"Bata, di ka ba takot mamatay?" Tinignan ko naman ng Mariin ang pangit nyang mukha

"Hindi, dahil matagal na talaga akong patay" sagot ko sabay ang pag ngisi, tinutok nya sa noo ko ang baril ma hawak nya, hayy katapusan ko na ata

Nagulat ako ng bitawan ako ng mga adik, tapos yung boss nila na pangit nakahandusay na sa lupa, waw magic

Diko inasahan nang may humila sa akin palabas ng lugar na yun. Naka hood sya kaya diko makita yung mukha nya

"Hoy! Sino ka ba?! Nandun na eh! Ipuputok nalang yung baril! Bakit ka ba nangingielam hah!" Inis kong sigaw sa kanya, binitawan ko rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko

"Gusto mo ba talagang mamatay? Kung oo, bumalik ka dun! Wala ba talagang kwenta yang buhay mo? Kung oo, tumalon ka sa building! Iniwan ka lang nag kakaganyan ka na?! Hindi mo manlang ba inisip ang mga kaibigan mo?! Pamilya mo?! Future mo?! Isang tao lang ang nawala sayo pero kung umasta ka parang nawala na sayo ang lahat! Siguro nga mahal mo ang taong yun pero hindi pa ba sapat na hindi ka nya mahal para makalimutan mo sya?! Ang tanga mo din ano?! Maraming nag mamahal sayo pamilya mo! Kaibigan mo! Iniwan ka ng isang tao pero hindi yun sapat para magkaganyan ka! Letse"

Dahil sa sobrang kalasingan ko hindi ko maaninag ang mukha nya, pati boses nya di ko rin makilala, pero parang bigla akong nagising sa sinabi nya

Nandyan pa si Ecka, si Daddy mga medyo close ko sa school, si fafang driver at si Mickei

Pagkalingon ko ulit sa kanya, wala na sya, diko manlang sya nakilala tss

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now