CHAPTER 37

709 13 3
                                    


Senior ball part 1

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng bahay nila Ecka, dito kasi nag ayos yung dalawang girlaloo

Excited na akong makita syang naka gown waahh hihihi

“Ang tagal naman nila” napalingon ako kay Gian na kasama ko ngayon na nag hihintay, mukha syang shokoy sa suot nyang gray suit, tsss. Pero ano kayang mafifeel nya pag nalaman nya na itong suot ko date nya ang pumili at nagbayad? pfft

“Maghintay ka nalang, they are worth waiting for” sagot ko naman, hihihi, dapat talaga ang mga lalake, marunong maghintay

“Jericho, diba sabi mo hindi kayo ganun kayaman? Yung outfit mo kasi ngayon worth 100,000 and up” hihihi ganun talaga pag may froggy ka na mayaman

Napalingon kami sa gate ng magbukas yun

Wahhhh is this for real? Omo omg wahhhh

Dugdug dugdug dugdug

“Pfft, akala ko ba tayo ang magkadate MJ? Pero bakit magkapair kayo ng suot ni Keith?”

*Gulp* dugdug dugdug dugdug dugdug

Nakablack na gown si Froggy, ang ganda nya, kahit light make up lang ang ginamit nya stand out parin ang ganda ni Froggy ko

Mukha syang Prinsesa, No hindi lang sya mukhang Prinsesa, mukha syang anghel na nakaitim pfft

“Bakit ang unfair? Kami yung magkadate tapos parang kayo naman? Pareho pa kayo ng kulay ng damit” napalingon ako kay Gian nakangiti sya, a bitter smile

“This is awkward” napatingin ako kay Ecka na nagpipigil na ng tawa

Nilingon ko ulit si Froggy na hindi makatingin sa amin ng diretso, nakatitig lang ako sa kanya, bakit ganito? Bakit pag tinitignan ko sya parang bumabagal ng mundo ko? Bakit gusto kong hawakan ang mga kamay nya?

“Pfft, am I that pretty Mendez that you can’t take your eyes of me?” nahiya akong nag iwas ng tingin, sino ba naman kasi ang hindi magagandahan sa isang katulad nya,

“Y-you l-look b-beautiful” nahihiya kong sabi, shit ang lakas ng tibok ng puso ko

”Ahh guys, kaninong Kotse? Hehe, baka kasi nakalimutan nyo na may ball pa tayong pupuntahan?” buti nalang talaga meron si Ecka para magdivert ng topic

“Mine, there it is” napalunok ako ng makita ko ang sasakyan, paano ba naman kasi, naalala ko nanaman ung kiniss ko si froggy sa cheeks omy huhuhu

Binuksan ko yung pinto sa may passenger seat, pumasok si Ecka dun, nasa backseat naman sila Gian at Froggy habang ako yung ginawa nilang driver huhuhu, gusto ko din makatabi si Froggy eh, ang swerte naman ni Gian

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa Venue, ang daming tao nakakakaba naman huhuhu

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas, napalingon ako kay Froggy, parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko ng makita kong magkahawak kamay sila ni Gian, shit ang sakit

Nagulat nalang ako ng hawakan ni Ecka ang braso ko at tinapik ang balikat ko, buti nalang talaga may best friend akong katulad nya

“Nag usap ba kayo ni Keith sa susuutin nyo? Yieeh grabe kayo ah” bulong sakin ni Ecka habang sinusundot ang kagiliran ko

“Sa totoo lang, sya ang pumili at bumili nitong suot ko besy” aray huhuhu kinurot nya ako sa tagiliran ko huhuhu

”OMG MJ!! Bumabawi si Keith sayo dahil sa pagtake down nya ng offer mo, omg omg wahhhh, hindi man kayo ang magkapartner ngayong ball, mukhang kayo naman ang tunay na mag pair wahhh talaga omg!” napangiti ako, hihihi kenekeleg eke sa sinabi ni Ecka

“Ecka, lumabas din kami kahapon, parang date nga eh hihihi” nagulat ako ng pinag aalog ako ni Ecka, note pinag titinginan kami ng mga taong naglalakad din papunta sa Venue huhuhu

“OMG! Hindi kaya may gusto din sayo si Keith?! Waaahhh grabe yieeehhh” sinapok ko si Ecka ng wala sa oras

“Imposibleng mangyari yun dahil alam kong kaibigan lang ang tingin nya sa akin” wahhh naiiyak ako huhuhu

~~~

Naupo kami sa table na may four chairs, katabi ko si Ecka, magkatabi naman si Gian at Froggy, tapos kaharap ko si Froggy

Sana ako nalang yung date nya, sobra na kasi akong nasasaktan ngayon eh huhuhu

“Ladies and Gentlemen welcome to blah blah blah” hindi na ako nakinig sa sinasabi ng teacher sa harap, nakatuon lang ako sa taong nasa harapan ko

Napagandang binibini na kumukumpleto ng araw ko, pinag titinginan din sya ng lahat, kahit kasi simpleng gown lang at make up, stand out parin ang ganda nya

OMG, is that the transferee?”

“Sa tingin mo sinong date nya sa dalawa?”

“Baka si Gian, sya yung katabi eh”

“I think it’s Michael, terno kaya sila ng suot”

“Bagay silang dalawa yieehhh”

“Mas bagay kaya sila ni Gian”

Nakakaimbyerna yung bulungan sa likod ko buti naman sana kung hindi ko naririnig

“Are you ready for the first Dance? Get your partner and go to the dance floor ENJOOOYYYY” sa ganitong pagkakataon, yung date ang may may ari ng first dance, huhuhu

“May I?” Kahit masakit tinignan ko parin kung paano ngumiti at pumayag si Froggy sa alok ni Gian, nakakaselos huhuhu

“Kung hindi ka naman kasi totorpe torpe, di ka nasasaktan ng ganyan” napalingon ako kay Ecka na ang sama sama ng tingin sa akin, huhuhu kasalanan to ni Daddy! Sa kanya ko siguro namana itong katorpehan ko

“Ecka, gusto mong sumayaw?” ngumiti naman si Ecka kaya hinila ko sya papuntang dance floor

Imbes na slow dance ang ginagawa namin ni Ecka, nag hihiphop kami, hihihi ito yung trip naming tuwing ball kaya lagi kaming center of attraction,

“Nakakahiya na tayo, tama na, slow dance nalang” nahihiya kong sabi, pati na kasi si Froggy nagsalubong na yung kilay habang pinapanood kami, natawa naman si Ecka kaya nag slow dance kami

“Alam mo MJ, nararamdaman ko din yang nararamdaman mo” napatingin ako kay Ecka

“nasasaktan din ako ngayon habang nakikita yung taong gusto ko na isinasayaw ang gusto nyang babae” huwattt? May crush si Ecka? Amazing

“Sino naman” tanong ko habang pinupunasan yung luha nya na tumulo na sa kanyang mata, sweet ko no? hihihi

“Si Gian” HUWATTT AMAZING!

Bumalik na kami sa upuan namin after ng ilang kanta, min dalawa kaming nag hiphop hihihi

Pero di ko parin maiwasang malungkot lalo na at nakita kong ang daming nag aya kay Froggy na sumayaw huhuhu

“What’s with that Face, are you okay?” napalingon ako kay Keith, huhuhu

“Yayain mo na bilis!” bulong sa akin ni Ecka kaya huminga ako ng malalim, at tumayo wahh kinakabahan ako huhuhu

“May I have the pleasure to dance with you, Keith?” wahhh eto kinakabahan ako

“Ofcourse you may, MICHAEL”

Humagad! Tinawag nya ako sa pers nameko, not with my aplyedo pero sa pers name ko

Ganito pala ang feeling wahhhhh

Kinuha ko ang kamay nya omy ang lambot hihihi, nakakahiya ang lamig pa man din ng kamay ko dahil sa kaba

“Guys, before you go to that dance floor picture taking muna tayo” thank you Ecka, hihihi

Pagkatapos ng picture taking, hinila ko na sya papuntang dance floor

It is my pleasure to dance with someone who I love and treasure the most

It is my Pleasure Keizel Keith Villamil

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon