CHAPTER 43

603 10 0
                                    

"Michael, halika dito" lumapit ako kay Kuya Kevin, hayy ano naman kayang pag uusapan namin? Kinakabahan ako

"Kuya, pinapatawag nyo daw ako?" Tumango naman si Kuya at ngumiti sa akin

"Alam mo bang thankful ako sayo, because of you, Keith change a lot" nakangiti na sambit ni Kuya kaya napangiti din ako, hihihi

"That laughter and smile, seven years na nawala yun sa mga labi nya, malaki ang utang ko sayo Michael" wahhh kenekeleg teley eke

"Wala po yun Kuya, masaya din ako na nabalik ulit yung ngiti nya" masaya kong sabi kay Kuya, wahhh hihihi

"Mahal mo talaga ang kapatid ko?" Wahh bakit naman ganun agad ang tanong huhuhu, nakakatense naman

"O-opo K-Kuya mahal na mahal" sagot ko naman, wahhh grabe si Kuya Kevin huhuhu, natawa naman si Kuya kaya napalingon ako sa kanya

"Pfft, boto ako sayo para sa kapatid ko" wahhh hihihi boto sa akin ang Kuya ni Froggy wahh

"Talaga po?! Salamat po" pwede bang sumigaw? O tumili? Sobrang kenekeleg eke!

"Sana nga lang, mutual ang feelings nyo" bigla akong natahimik, sana nga mutual huhuhu

"By the way how was the twin?" Tanong sa akin ni Kuya Kevin, huminga ako ng malalim bago nagsalita

"Si Gian pala po ay isang alliance, sya yung inutusan ni Keith na bantayan ako sa kambal nya" paninimula ko, ngumiti naman si Kuya

"Pfft I knew about that, sinabi sa akin ni Gian mismo, sinabi nya nga rin sa akin na gusto nya daw si Keith eh, nakakatuwa talaga ang mga bata ngayon, bakit ba sa akin kayo umaamin Kuya nya lang ako" natatawang nyang sabi, wahhh pati pala si Gian nag sabi na may gusto sya kay kay Keith huhuhu

"Talaga po? Eh sino pong mas gusto nyo sa amin?" Huhuhu

"Pfft hahaha, sinabi ko nang boto ako sayo diba? Ikaw naman hahaha" oo nga pala wahhh nakakahiya

"So-sorry po, naniniguro lang hehe" napakamot ako ng ulo ng biglang tumawa ng malakas si Kuya Kevin wahh

"How's that psycho pervert?" Wahh sasabihin ko ba na lagi nyang tinethreaten ang buhay ko?

"O-okay lang naman po" baka kasi sabihin nya kay Froggy diko alam gagawin ko huhuhu

"Sabi ni Gian, tinethreaten nya daw ang buhay mo, totoo ba yun?" Wahhh ang daldal naman ni Gian huhuhu

"O-opo, pero wag po kayong mag alala, okay lang ako, lagi naman pong meron si Gian para iligtas ako eh" wahh huhuhu

"Masama to, pag nalaman to ni Keith siguradong may mangyayaring hindi maganda" nakahawak si Kuya sa baba nya na para bang nag iisip,

"Ahh, Kuya, wag nalang po natin banggitin kay Keith na tinethreaten po ako ni Cyan, okay lang naman" Kuya Kevin please pumayag ka huhuhu

"Hindi ko naman sasabihin sa kanya, pero delikado ang buhay mo Michael, paano nalang yung gawin nya talaga tapos wala si Gian, o si Keith?"

"Pero baka po iwan ako ni Keith kung sakali mang malaman nya, alam ko pong mas iisipin nya ang safety ko kaya siguradong iiwan nya po ako, hindi ko po yun kaya Kuya, please po, wag po muna nating banggitin" wahhh Kuya nagmamakaawa ako huhuhu

"Michael, buhay mo ang nakataya dito, mas maganda kung layuan mo na muna si Kei-"

"No! Hindi po pwede! Mahal ko si Keith kaya naman dapat lagi akong nandyan para sa kanya, kailangan nya ako, hindi ako lalayo kaya wag nyo rin po syang ilayo sa akin, Kuya nagmamakaawa po ako, wag po" tumulo na yung luha ko, ayaw kong mawala si Keith sa akin, kung papatayin man ako ni Cyan, mas pipiliin ko pa yun, alam kong martir ako pero yun ang gusto ko,

Gusto kong makasama ang prinsesa ko kahit buhay ko man ang kapalit

"K-Keith, kanina ka pa dyan?" Shit

"No, I just came, by the way, is Mendez crying?" Pinunasan ko nalang yung luha ko at tumingin kay Keith, at umiling

"Ahh hindi nalagyan lang ng alikabok yung mata ko" tinaasan ako ni Froggy ng kilay, bakit ganun yung mata nya? Bakit parang galit sya?

"Anong pinaguusapan nyo? Bakit parang napaka seryoso naman ata?" Napalunok ako ng laway, parang sarcastic ang pagkakasabi nya nun,

Narinig nya kaya?

"Ahh, wala tinatanong ko lang kung kamusta ka dito kay Michael, by the way bakit ka nandito?" Medyo nagiging tense na din yung boses ni Kuya Kevin

"I just want to talk to you, Kevin. I have something urgent to tell you" bakit feel ko, hindi si Froggy itong kaharap ko? Bakit parang mas naging cold pa sya kaysa dati?

"Ahh halika na dito, mas okay siguro kung nandito si Mi-"

"No, privately, I want to talk to you privately" nakakatakot yung boses ni Froggy. Napaka lamig

"Ahh sige po Kuya, una na po ako" tumayo ako at lumapit ako kay Froggy

"Hihinta-"

"Mauna ka na" napaatras ako, ito yung unang pagkakataon na narinig ko sya na ganun sa akin,

Yung way ng pakikipag usap nya sa akin ay ang way ng pakikipag usap nya kay Cyan

"Per-"

"I want you to get out of my sight, right at this moment" napalunok ako ng laway, tumikhim din ako kasi parang tutulo na yung luha ko

Tumango naman ako at umalis na sa harapan nya

Bakit sya biglang naging ganun? Narinig nya ba? Shit naman kung kailan plano ko ng sabihin sa kanya ang totoo

Saka pa nagkaganito

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now