CHAPTER 42

626 13 0
                                    

"Good morning" bati ko kay Froggy pagkalabas nya ng kwarto nya, ngumiti naman sya sa akin

"What's that smile, early in the morning?" Tanong nya naman, umiling naman ako at pumunta sa kusina

"Kain na" masaya kong sabi, good mood ako eh, kung ikaw ba nag open up yung mahal mo sayo wiiieeeehhh kasi first time kaya ni Froggy yun hihihi

"Tss, you always have the guts to smile, by the way, Kevin called a while ago, he wants to meet you" si Kuya Kevin? Bakit naman kaya huhuhu, baka nakita nya yung ginawa ko kagabi

"Bakit daw?" Sinasandukan ko ng pagkain si Froggy, bakit ba kasi? Prinsesa ko sya no! Kaya nga mga girls dapat katulad ko ang hanapin nyo, pero paano ba yan nag iisa lang ako sa mundo hihihi

"I don't know, he just said he wants to talk to you" tumango tango nalang ako

"Ahh, Keith, okay ka lang ba?" Tumingin sya sa akin, at kumunot yung noo nya

"Why? Is there something that I would have to worry about?" Hayyy nakalimutan nya na ba kagabi?

"Yung kinuwento mo sakin kagabi, gusto mo ba bisitahin natin sila?" Napahinto naman sa pagkain si Froggy at tumingin ng seryoso sakin

"Okay, I also want you to meet them" sagot nya naman kaya napangiti ako, wahhh hihihihi

~~~~

(4:30 pm)

"Hello po Mr. and Mrs. Villamil" bati ko sa dalawang puntod na magkatabi, nilingon ko si Froggy tahimik lang sya, hayyy nakakalungkot talaga yung nangyari sa kanya

"Keith, batiin mo naman mommy And daddy mo" lumapit naman sa akin si Froggy at binatukan ako, tignan nyo? Kahit sa harap ng parents nya sadista parin

"Psh as if they can hear me" seryoso nyang sabi kaya naman binatukan ko din sya, tinignan nya ako ng masama

"Alam mo naririnig ka parin nila, binabantayan parin nila ang mga kilos mo, kaya naman bumati ka na tapos ipakilala mo ako bilisss" nagbuntong hininga sya at humarap sa puntod ng parents nya

"Hi mom, hi Dad, this is Michael Mendez, my... Tsss" Pabitin di nya pa sinabi huhuhu, pwede lang naman may Dada, or my love huhuhu,

Oo nga pala wala palang kami

"Hello po Mom, este Tita and Tito, wag po kayong mag aalala babantayan ko po ng mabuti si Keith" hihihi pasikat talaga ako sa parents nya

"Psh, whatever" hayy napakontrabida talaga nitong girlaloo na to

"Ganyan po talaga kabastos yung anak nyo, hayaan nyo po tuturuan ko sya ng magandang asal" nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Froggy kaya natawa ako hihihi,

"Hey, stop talking to them, let's take a sit here" tinignan ko yung baba ng puno, nakaupo na si Froggy dun, medyo hapon na kaya naman hindi pa masyadong tirik ang araw

Umupo ako sa tabi nya, hayy sana ganito nalang kami lagi

"Keith, alam mo kung nasasaktan ka na pwede ka namang umiyak eh" hayy paano ba naman kasi, never pa atang umiyak ang girlaloo na ito,

"Tss, I never cry because i want to show to the world how tough I am" tinignan ko sya sabay pinitik sya sa noo, tinignan nya ako ng masama

"Hindi naman nakikita ang pagiging tough sa hindi pagpapakita ng totoong nararamdaman, alam mo kasi minsan kailangan mo ding mailabas ang sama ng loob mo, lahat ng hinanakit mo, at iiyak lahat lahat para naman kahit minsan gumaan ang loob mo" ngumiti sya sakin at napatingin sa taas,

"Pfft, you know what that are the words my Mommy always told to Daddy. My daddy can't cry to, but then he cries when he saw me in that situation and begs for my life" bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya, napaka tragic ng nangyari sa parents nya

Sana hindi yun mangyari sa amin,

"Pala eh! Edi sana umiyak ka, masaya kaya ang feeling ng nailalabas mo ang luha mo, mabigat sa una pero pagaan ng pagaan ang feeling hanggang sa okay ka na" tumingin naman sya sa akin at ngumiti, wahh ang ganda nya talaga pag nakangiti sya ng ganyan

"I'll reserve these tears for a special occasion" napakamot ako ng ulo wahhh

"Bakit hindi ka pa umiyak ngayon?" Gusto ko talagang makitang umiiyak sya huhuhu

"Tss, stop ruining the moment young man" natawa naman ako at dumantay sa balikat nya hihihi sabay niyakap sya

"Patulog muna ah, inaantok ako eh" di naman na sya nagsalita kaya pinikit ko nalang Ang mga mata ko, ang sarap ng feeling hihihi

~~~~~

Nagising ako ng good mood, ang ganda kaya ng panaginip ko, binisita daw namin yung parents ni Froggy tapos nakatulog ako habang nakadantay at nakayakap pa sa kanya wahhh hihihi

Ayaw ko pa ngang buksan ang mata ko eh, baka kasi makatulog pa ako tapos matutuloy yung panaginip ko

"Nawiwili ka na ata Mendez, mabigat ka kaya" wahhh binuksan ko ang mga mata ko, nandito talaga kami. Talagang nakadantay ako at nakayakap kay Froggy omg omg wahhh kenekeleg eke! Umayos naman ako ng upo at Humarap ako sa kanya

"Sorry, anong oras na pala?" Ngumiti sya sakin at tinignan ang wrist watch nya

"It's already 6pm" wahh gabi na pala huhuhu 4:30 palang kanina eh. Wait?!

"Diba sabi mo gusto akong makausap ni Kuya Kevin?!" Wahh nakalimutan ko

"Hell yeah, pfft" wahhh di nya manlang pinaalala, tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko

"Ahh, mauna na ako ah, ingat ka sa pag uwi, pupuntahan ko pa si Kuya Kevin" tumango naman sya, aalis na sana ako ng bigla nya akong tinawag

"Michael" sa totoo lang ang saya ng feeling pag tinatawag nya ako sa pers name ko hihihi, lumingon naman ako sa kanya

"At your service, bakit?" Tanong ko, ngumiti sya sa akin

"Come back early I have something to tell you later" wahh ano naman kaya yun? Hihihi

"Sige, may sasabihin din ako sayo mamaya" aamin na rin ako mamaya pag balik ko hihihi

"Alright then, take care" tumalikod na ako sa kanya, wahhh kinikilig ako hihihi

Kung di nya man tanggapin, I'll accept my defeat

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now