CHAPTER 27

778 17 0
                                    


Balik sa normal day nanaman hayyy, pumasok na si Froggy at yung pangit na hombre

Kanina pa ako hindi mapakali, eh kasi naman nakatingin lang sa akin ng masama yung hombre na shokoy huhuhu, parang lalapain ako ng buhay,

"Huy MJ, okay ka lang?" Lumingon ako kay Ecka tapos umiling wahhh kinikilabutan ako sa tingin ng shokoy na yun huhuhu

"Si Cyan kasi kanina pa nakatitig sa akin, ang creepy nya Besy" sagot ko, paano kung jombagin nya ako or worst barilin nya ako? Ayaw ko pang mamatay, diko pa naaamin kay Keith na gusto ko sya huhuhu

Sino nang nagbabantay sa kanila ni Mickei pag pinatay ako ng hombre na ito?

"Hayaan mo lang, wala naman syang pwedeng gawin sayo kasi nasa classroom tayo" bulong ni Ecka sa akin, huminga nalang ako ng malalim at binaling ang tingin ko sa Froggy ko na natutulog

"Don't mind him Mendez" huwaw gising pala itong girlaloo na ito may himala!

"Nakakapangilabot naman kasi yung titig nya Keith" sagot ko nalang, binuksan nya naman yung mata nya at nilingon si Cyan,

Nagtitigan silang dalawa, psh! Edi sila na ang matagal na nagtitigan, oo na sila na! Sige lang ipagpatuloy nyo pa! Tsss

"Keith, ano ba? Wag mo nga syang titigan! Baka maisip nya na type mo sya!" Inis kong sabi, lumingon naman sa akin si Froggy at tinaasan ako ng kilay

"Tss okay, let me sleep then" huwaw talaga itong girlaloo na ito tulog lang ata ang gustong gawin sa buhay!

~~~~~~
LUNCH

"Hi Jericho! Hi Ericka! Hi Keith" napalingon kaming lahat kay Gian na todo ngiti ngayon, himala di nya kasama yung creepy na shokoy

"Hi Gian, may problema ba?" Tanong naman ni Ecka, ngumiti naman sya sabay tabi sa amin FC lang? Tss

"Ah eh Keith, pwede bang dito ako maglunch?" Tsss ano ba tong hombre na ito eh, nakakainis

"Tss, do whatever you want" pinagpatuloy lang namin ang lunch time,

Pero ako di ako makakain ng mabuti kasi kaharap ko tong hombre na to, na todo titig kay Froggy ko

Di naman sya yung creepy tulad ni Cyan, talagang titig lang na normal sa Taong may CRUSH! jombagin ko to eh!

"Ah Keith, ma-may boyfriend ka na ba?" Langya tong mokong na to ah!

"Not interested with those stuff" nakita ko ang disappointment sa mukha ni Gian, pati ako nasaktan huhuhu

Paano ko den maaamin? Baka mabusted lang ako huhuhu

"Eh nainlove ka na ba?" Pati ako interesado sa isasagot ni Froggy kaya kahit kumakain ako eh nasa kanya ang atensyon ko

"Hmm, I don't know, I think hmm maybe? If my feelings are right he's my first love" nakangiti si Froggy habang sinasabi yun huhuhu. Nasaktan ako ng pangalawang beses huhuhu

"Sino naman sya?" Ako na yung nagtanong dun, please wag mong Sabihin ang pangalan ng hombre na yun baka majombag ko sya

"I told you it's complicated, a 'maybe' I'm not so sure yet, so I will not mention his name" tss oo nalang

"CR lang ako" paalam ko sa kanila,

Nakakaimbyerna talaga, dami kong karibal! Una si Cyan tapos si Gian ngayon naman yung first love nya?!

Edi siya na! Kung sino man yung hombre na yun sana mawala na sya sa mundong ibabaw! Ipakain sya sa mga lamang lupa tss

Nagulat nalang ako ng may nanghigit sa braso ko, sobrang sakit, huhuhu

Nilingon ko naman sya at sobra akong nangilabot sa tingin nya sakin, parang gusto nya akong patayin

"C-Cyan" omo am I going to die? Ngayon na? Di pa pwede!

"I can kill you right now, walang magtatanggol sayo, wala si Keith at wala ring tao dito" huhuhu

"Ano bang problema mo!" Ang higpit parin ng hawak nya sa braso ko parang mababali na ouch huhuhu

"Ikaw ang problema ko, masyado kang madikit kay Keith, akin lang sya! Narinig mo? Akin lang sya!"

"Wala ka pala eh! Sa tingin mo ba pag pinatay mo ako mapupunta sya sayo- ARAYYY-!" babaliin nya ba ang kamay ko? Huhuhu,

"Wag kang maangas, nasa bingit ka na ng kamatayan alam mo ba yun?"

"Eh ano naman ngayon-ARAYYY- BITAWAN MO ANG KAMAY KO! SHIT KA!" masakit, sobrang sakit,

Kung pwede lang mag makaawa sa taong ito na bitawan nya ako,

"Ano na? Wala ka palang binatbat eh, ano bang nakita sayo ni Keith at naging malapit kayo? Kung tutuusin mas mayaman ako sayo, mas matalino ako sayo at higit sa lahat mas kapani pakinabang pa ako sayo!" Shit Ang sakit, gusto ko ng umiyak sa sakit ng ginagawa nya sakin pero ayaw kong makita nyang mahina ako

Please lang sana may dumaan kahit isang tao lang

"BITAWAN MO AKO CYAN! LETSE KA!" sa pagsigaw ko nalang nabubuhos ang sakit ng pagkakahawak nya sa akin pero ginagawa ko din yun para may makarinig sa akin

"Ayaw kitang bitawan, kasi gusto kong putulin ang braso- SHIT SINO YUN!"

"Ayyy may tao pala- Cyan? Jericho? Teka bakit kayo nandito?" Dapat ba akong matuwa kasi nandito si Gian? Mukhang mas malalagot pa nga ata ako

"Gian, wag kang mangielam, umalis ka na" nanlalabo na ang paningin ko, namamanhid na yung braso ko shit

"Anong ginawa mo kay Jericho?" Binitawan ni Cyan ang braso ko kaya napaupo ako, shit naman ang malas ko, nanghihina ako

"Maswerte ka ngayon. Pero sa susunod na magkita pa tayo papatayin na kita, I'm Cyan Carlo Montenegro and what I want is what I get" nakita ko ang pag layo ng mga paa nya sa akin, at ang paglapit ng isang tao sa akin

"Siguradong malalagot tayo pag nakita ito ni Keith, tss pasensya na ah, medyo nalate ako di kita mahanap kanina eh" pinikit ko nalang Ang mga mata ko, I'm safe

Pero sino ka ba talaga Gian Carlo Montenegro?

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now