CHAPTER 25

817 13 0
                                    


"Mickei, pasok muna kami ni Mimi, wag gagawa ng kalokohan sa bahay" ang cute talaga ng ana- este pusa namin ni Froggy hihihi

"Stop talking to Mickei, let's go" bakit nagmamadali itong Froggy na to? Hayy

"Keith, anong meron ba't ka nagmamadali?" Tanong ko sa kanya pero di nya ako sinagot, okay masanay ka na Michael Jericho

"Keith!" Si Froggy naman eh huhuhu

"Tss stop whining let's go" hinila nya na ako palabas ng bahay okay sya na ang excited pumasok

"Now go to school, I have something urgent to do" huwattt? Di nanaman sya papasok? Ayaw ko syang mamiss ehh psh

"Saan ka naman pupunta?" Inis kong tanong, tinaasan nya ako ng kilay

"Mafia matters, so go" tumakbo na sya palayo sakin, wala manlang 'ingat ka ah' psh sya na ang excited sa matter na yun

Wait?! Mafia matters diba? Omg! Hindi kaya delikado ang buhay ng Froggy ko? Wahhh

"Oyy Jericho! Papasok ka na?" Napalingon ako sa nagtawag sa akin, kung sinuswerte ka nga naman anong ginagawa ng shokoy na pangit na hombre dito sa may harap ng bahay

"Ahh oo" kahit siguro karibal ko tong mokong na to, sigurado naman na mas mabait sya kumpara sa Cyan na yun

"Sabay na tayo" anong meron sa hombre na to? Bakit nakikisabay sya sa akin?

May plano ba sya na patayin ako tapos liligawan nya si Froggy habang ako nag i-slide sa rainbow? Huhuhu I cannot!

"Pfft, wag kang mailang, wala akong gagawin na masama sayo" nahalata nya siguro yung reaksyon ko, stop me baka majombag ko ng wala sa oras to

"Tss tara na den" habang naglalakad kami diko maiwasang magtaka kung bakit nandun sya kanina

Plano ka pa sanang habulin si Froggy para naman malaman kong ligtas sya kung sakali

"Nasaan pala si Keith?" Sabi ko na nga ba eh! Si Froggy ang hanap nitong pangit na to!

"Ahh nasa bahay, binabantayan si Mickei" ako na ang liar psh

"Mickei? Sino yun?" Talaga bang gustong alamin ng hombre na to ang buhay ng Mimi ko?!

"Anak namin" nakita ko ang pag laki ng mata nya at paglingon sa akin wahaha ano ka ngayon?!

"A-anak?! Wala pa ngang two months na nag transfer sya anak?!" Pfft hahaha

"It's a cat" pabuntong hininga kong sagot, tumawa naman ang pangit tsk

"You do really like Keith, alam nya ba?" Jombag ba gusto ng pangit na to? Tss

"Hindi pa, naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon" seryoso kong sagot, ngumisi lang ang loko! Mukha namang shokoy! Ahhh maimbyerna ako

"Kailan? Pag huli na ang lahat? Wag kang masyadong magpahuli. Baka pagsisihan mo" tss oo na mukhang shokoy ang feslak mo ang sarap imudmod sa putik!

"May gusto ka din sa kanya diba?" Wag kang aamin sa akin who you ka, Sige ka!

"Yeah and I'm willing to fight for her, sige na una na ako may practice pa kami sa basketball" diko namalayan na nasa harap na pala ako ng school

Anong meron sa Gian na yun? Sinamahan nya akong pumasok?

~~~~~

"Nasaan ang Froggy mo?" Pagkapasok ko Yun na agad ang bungad ni Ecka,

"May pupuntahan daw eh" sagot ko naman

Tinignan nya ako ng nakakaloko kaya inikutan ko sya ng mata

"Ahh wala din daw si Cyan ngayon" huwattt? Magkasama ba ang dalawang yun? Paano kung may gawin yung pangit na yun sa Froggy ko? Mabyuda ako huhuhu

Byuda agad? Pfft ako na ang OA, kaya nya naman ang sarili nya yun

~~~~

Whole day na hindi pumasok si Froggy, whole day din akong walang gana, nakakamiss din pala ang girlaloo na yun, hayyy

"Jericho! Uuwi ka na?" Ano bang problema nitong Gian na to! Wahhh

"Obviously" nakakainis huhuhu

"Ahh sabay na tayo" huwattt? Ano naman kayang plano ng hombre na to? Sinabayan nya akong pumasok pati pag uwi sasabayan nya ako? Tsss

"Do whatever you want" huhuhu miss ko na talaga si Froggy

"Pfft ginagaya mo ba si Keith?" Tinignan ko sya ng masama, ginagaya ko ba si Keith? Masama bang mag English?!

"Tss ang daldal mo" omo oo nga! Huhuhu sa sobrang miss ko na sya nagagaya ko pati ang mga pananalita nya huhuhu

Sinabayan ako ni Gian hanggang sa gate ng bahay, ang ingay nya kaya tss feel ko nga nagiging body guard ko sya eh

Teka bat ang daming sasakyan naman ata dito?

Hayaan na nga, baka pinark lang, binuksan ko naman yung gate, antahimik wala pa siguro si Froggy huhuhu

Wala kong gana na binuksan yung pinto

-BANG-

OMG! huhuhu ano yun! Bakit may gustong bumaril sa akin? Buti nalang nakailag ako agad pero wahhh talaga huhuhu wahhhh

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now