CHAPTER 22

810 17 2
                                    


"Yiehh sabay silang pumasok" nandito nanaman si Ecka, ang Bruhang chismosa, nakwento ko na yung mga nangyari this past few days kaya naman ang gaga kilig na kilig

Pero syempre kinuwento ko habang tulog ang aking munting Froggy

Wala namang ibang ginawa ang girlaloo na yan sa klase kundi ang matulog, kung hindi yan tulog nagcecell phone kung hindi naman nagcecell phone wala sya sa classroom kasi nag ditch ng class

Ang bait bait ng Froggy ko no?

"Quiet ka lang Ecka, secret lang muna, baka maging awkward kami! diko keri!" Pabulong kong sabi sa kanya

Kanina pa kaya ako binubugbog ng bruhang ito dahil sa kilig

"Mickei(Mik-key) yieeehhh ano gusto mo ba yun na combi hihihi" psh kalokohan talaga itong bruhang ito

"Corny" nakangiti kong sabi, sabay nagsulat sa notebook

"Corny daw eh pinupuno mo na ata yung notebook mo ng Mickei eh, psh somebody's inlovvveeee"

"Hoy tumahimik ka! Magising mamaya si Froggy ko!"

Bakit diko napigilan na ngumiti? Hayy ganito pala ang feeling ng may crush

May Crush naman ako na mga hombre dati pero hindi ganito kasaya yung feeling

"Mickei? Who the hell is that?" Omo omg omg, gising na si sleeping beauty wahhhh hawak nya ngayon yung notebook ko na may vandal na 'MICKEI'

"Ah eh-"

"Lunch break, comeback before 1:30" save again hahaha, ang bait talaga ng earth sa akin

"Tara lunch?" Aya ko nalang sa dalawang girlaloo

~Meanwhile at Cafeteria~

"Hey, can we sit in? Jam packed na kasi ang cafeteria, wala na kaming upuan ng kambal ko" and here they goes again

Ang dalawang hombre na pangit na mukhang shokoy na obsess sa Froggy ko,

Mag tra-training na talaga ako ng taekwondo o boxing para majombag ko itong dalawang shokoy

Di pa nga kami nag sasalita naupo na sila, nagtanong pa sila eh no?

"Hi Keith, sorry nga pala sa nagawa ko dati, may saltik lang ako nun" sarap talagang imudmod ang feslak ng Gian na to sa putik! Tumingin naman sa kanya si Keith sabay lingon sa amin ni Ecka

"What's saltik?" Pfft hahaha, halatang nagtataka yung mukha nya, galing ba itong girlaloo sa ibang bansa? Oo nga pala sa States sya dati Pfft

"Parang wala sa katinuan, baliw ganun" sagot naman ni Ecka na nagpipigil ng tawa, tumango naman si Keith at tumingin ulit kay Gian

"No need to say sorry. You're a saltik and will always be"

"Pfft hahaha" napatakip nalang ako ng mukha nung tumawa ako, eh kasi naman baliw daw si Gian

"By the way, Villamil have you read the story about an obsess man? That man will never stop until he gets what he want, wanna know the title of the story" ang creepy talaga ni Cyan, halatang obsess na obsess kay Froggy ko, wahh tumataas ang balahibo ko

"I know that story, the title is Cyan The obsess crazy Jerk right?" Omo Froggy naman eh! Huhuhu ang creepy ng atmosphere dito wahhhh

Tinignan ko si Cyan na ang higpit ng hawak sa kutsara nya habang nakangiti kay Froggy, creepy

"What a beautiful bitch" wahhhh creepy huhuhu, jombagin kita Cyan eh wahh pigilan nyo ako

"What an insane jerky man" omo tumigil ka na Froggy, alam kong hindi ka nya magagalaw kasi maraming tao pero wag mo na syang patulan huhuhu

"Ahh guys gusto nyo ba ng soft drinks? Libre ko" napalingon ako kay Gian na halatang kinakabahan na din, parang dina-divert nya yung topic

"Ahh, gusto ko, kayo ba guys?" Nakisama na din ako sana effective

"Me too" nakaramdam ata si Froggy, nakahinga ako ng maluwag, tumango naman si Cyan at Ecka

"Tol, samahan mo naman ako na bumili, diko kayang hawakan yung lima eh" tumango naman si Cyan at sabay sumunod kay Gian

"What the? may away ba kayo ni Cyan, Keith?" Tanong ni Ecka, lumingon naman si Froggy kay Ecka

"Obviously" tipid nya lang na sagot, tumango tango naman si Ecka

"Stay away from Cyan he's a total jerk" dagdag nya kaya tumango kami ni Ecka

Oh here they come again, the hombre ugly twins, nilapag nila yung drinks

"Ahh, mauna na kami, may gagawin pa kami, ingat guys, Keith i-ingat" psh oo nalang Gian oo nalang

"Well then, Villamil see you around" creepy omg

Sa totoo lang pag si Gian ang nagsasalita hindi ako masyadong kinakabahan pero pag si Cyan naman tumataas talaga ang balahibo ko

Anong talagang meron sa dalawang yun?

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now