CHAPTER 48

746 13 1
                                    

No! Hindi pwede to! Wag si Ericka

Napaluha nalang ako nung makita ko na sinabunutan sya Nung mga lalakeng yun ang sasama talaga nila

"A-Aray please po Tama na pakawalan nyo na kami" pagmamakaawa ni Ecka kaso tumawa lang si Cyan

"Walang hiya ka Montenegro, wag mo silang hahawakan!" Hindi pwede to, hindi dapat sya pumunta dito, masyadong delikado

"Hayy oo na, hindi ko sila hahawakan basta pumunta ka lang dito, kung saan nagsimula ang lahat wag kang magdadala ng kahit sino, pag malaman ko na may dinala ko sabog ang ulo ng mga kaibigan mo"

Napapikit nalang ako, please Froggy wag ka nang pumunta,

Naiintindihan ko na ang lahat ngayon, alam ko na kung bakit mas pinili mo akong saktan,

Ayaw mo sanang humantong dito ang lahat, kaso hindi naging successful ang plano mo

Sa sobrang sama ni Cyan, gagawin nya ang lahat

Hindi totoong umalis ka, dahil nandito ka lang, hindi totoong wala lang ako sayo dahil sobrang mahalaga kami sayo

Ang tanga ko naman, naging selfish ako, sarili ko lang na feeling iniisip ko

Hindi panaginip ang lahat, ikaw din yung nagligtas sa akin sa bar

Laging pakiramdam kong may nakamasid sa akin sa tuwing mag isa ako, ngayon ko lang napagtanto na ikaw yun

~~~~~

Napasinghap ako nang marinig na may humintong kotse sa labas, napakagat nalang ako sa labi para pigilan ang nararamdaman ko nung pumasok ang isang babae na nakakatakot ang aura, masyadong malamig ang titig, pero kita mo parin ang ganda nya kahit ganun sya

Namiss ko sya, pero bakit sa ganitong sitwasyon pa kami nagkita muli? Napalingon sya sa akin at nagsalubong yung kilay nya nung nakita nya ang mukha ko na may pasa

"SINABING WAG NYO SILANG GALAWIN! SINO ANG MAY GAWA NYAN SA KANYA!" galit na galit sya habang ang higpit ng hawak nya sa baril, tumawa naman yung mga adik sa loob

"Ako may problema-BANG-" nagulat ako ng bigla nyang binaril ang lalakeng yun, wala kang makikita sa mata nya kundi galit habang tinitignan ang lalakeng nakahandusay na ngayon

Napaluha ako ng mapagtanto kong hanggang ngayon ayaw nya parin na nasasaktan ako ng ibang tao

"Woah easy Villamil, masyado ka namang mainit" napalingon sya kay Cyan, lahat ng lalake dito tinutukan sya ng baril pero hindi mo makakakitaan ng takot ang mata nya

"Hindi ka marunong sumunod sa usapan Montenegro, sinabing wag mo silang hahawakan diba?!" Ramdam mo ang bawat diin sa mga salitang sinasabi nya

"Villamil, now is the time to choose between those two choices, kung hindi ka pipili buhay ng dalawang yan ang kapalit" napalingon si Froggy sa gawi ko, kaya umiling ako, please wag kang pumili

"Sa tingin mo ba nakikipag biruan ako Villamil?" Nakakapangilabot na boses ni Cyan, nagulat ako ng tutukan kami ni Ecka ng baril ng mga lalake

"Ibaba nyo yang baril nyo!" May diin parin ang boses ni Froggy pero tumawa lang si Cyan at tinutukan ako ng baril, nagulat ako ng iputok nya yun

"SHIT! A-ARAY!" napaluha ako ng maramdaman ang sakit sa braso ko, dumadaloy din ang dugo mula rito, shit ang sakit

"F*CK YOU! BAKIT MO GINAWA YUN!" rinig kong sigaw ni Froggy tumawa nanaman si Cyan habang ako sobrang sakit na ng braso, hindi ko naman napigilan ang pagdurugo dahil nakatali ako

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako Villamil? Kaya ko syang patayin sa harapan mo! Kaya pumili ka na!" Itinutok ulit sa akin ni Cyan yung baril kaya napapikit ako, pagbukas ko ng mga mata ko ay nakatingin sa akin si Froggy na halata ang pag aalala sa mata

"Oo na! Pero pwede bang lapitan ko muna sya? Lalagyan ko lang ng pressure yung braso nya baka maubusan sya ng dugo, please let me do it after that pipili na ako, b-baka may mangyaring masama sa kanya" nagulat ako na tumingin kay Froggy, umiiyak ba sya? Bakit? Hindi ba hindi sya umiiyak? Pero b-bakit?

"Wow look what we have here! Is Keizel Keith Villamil is crying?! Pleading?! Totoo palang may himala! Villamils never cries and plead for lives!" Napaluha ako habang tinitignan si Froggy na nakayuko habang mahigpit parin na nakahawak sa baril nya, pwedeng pwede nya ng patayin si Cyan kaso kami ang iniisip nya, mas maraming nakatutok sa amin, napaka selfless nya

"Pero sige, lapitan mo na sya, ito naman na ang huling pabor na ibibigay ko sayo, tanda ng pinagsamahan" napabitaw sya sa baril nya at nagmamadali na nilapitan ako

"Keith, hindi mo kailangan na gawin to, please diko kakayanin na makita kang pumili sa mga yun" umiiyak kong sabi pero umiling lang sya at tinignan ako, may kinuha syang panyo sa bulsa nya at itinali yung tama sa may braso ko

"Diko kayang makita kang saktan nya Michael, mas hindi ko yun matatanggap, so please let me the one to bear the pains, please, just be strong" mas lalong tumulo yung mga luha ko habang  nakatingin sa kanya

"Diko kaya Keith, please naman all this time ikaw ang pumoprotekta sa akin, kahit ngayon lang wag mo namang gawin to please" hindi tumitigil ang mga mata ko sa pag luha

Pinunasan naman nya ang mga luhang dumadaloy sa mata ko at nginitian ako kahit tumutulo na rin ang mga luha nya. Shit ganito pala kasakit ang makita syang umiiyak

"I'm sorry but I can't do that, Listen to me, hindi kita iniwan, lagi akong nakatingin sayo mula sa malayo, lagi kitang binabantayan, the truth is this is all planned, pero hindi umayon sa plano ang lahat kaya sasagutin ko na ang tanong mo sa akin with honesty" tinignan ko sya sa mga mata nya habang sinasabi yun

"Tinanong mo sa akin kung ano ka para sa akin, Michael, you are worth fighting and dying for" mas lalong tumulo ang luha ko, pinunasan nya nanaman ang pisngi ko at muli akong nginitian

"Please Keith wag mong namang gawin to, nagmamakaawa ako sayo hindi ko kaya" parang dinurog yung puso ko nung tumayo sya at muling lumapit kay Cyan

"Just kill me, and please let them go, that's my choice"

Hindi, hindi pwede to, no please Keith bawiin mo ang sinabi mo!

"Keith please" nilingon ako ni Froggy at ngumiti ulit and she said the words na pinaka gusto kong marinig

"I love you too" hindi ko na napigilan yung sarili kong humagulgol, she loves me

"This is the time I've been waiting for"  nakita ko ang ngising gumuhit sa labi ni Cyan

Hindi ko kayang makita to, please sabihin nyong panaginip lang ito

Panaginip lang na nakikita kong isasakripisyo ng prinsesa ko ang sarili nya para sa akin, para sa amin

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now