CHAPTER 47

680 11 0
                                    

"Ano bang kailangan nyo sa amin?"

Diko alam kung bakit bigla nalang nila kaming kinaladkad papunta sa isang Van, maraming lalake sa loob nitong sasakyan

"Nasaan si Keith?" Napailing ako, hanggang ngayon ba meron parin syang masamang plano kay Froggy?

"She's gone, umalis na sya, iniwan nya na kami!" Tinignan ako ng masama ni Cyan at tinutukan ako ng baril

"Sa tingin mo ba, talagang umalis sya? Hindi si Villamil ang tipo ng tao na iiwanan nya ang mga taong mahalaga sa kanya" bigla akong nainis, hayy

"Wala kaming halaga sa kanya, kaya kung pwede lang, pakawalan nyo na kami"

Hanggang ngayon nga masakit parin yung sinabi ni Froggy na wala lang ako sa kanya eh

"Aww, kawawa ka naman pala, pero there's no harm in trying naman diba? Kung totoo man na wala talaga kayong halaga sa kanya then no choice ako kundi patayin nalang kayo wala pala kayong kwenta eh"

Baliw sya

"Ano ba Cyan! Tumigil ka na nga, bakit ba ang sama sama mo! Kung gusto mong pumatay ako nalang wag mo ng idamay si Ericka dito!"

Okay lang sana, kaso meron dito si Ericka na kanina pa tahimik na umiiyak, alam kong natatakot na sya

"No! Marami na ring alam yang babaeng yan kaya pati sya kasama dito" ngumisi sya sa akin at tinignan si Ericka, nagulat ako ng hawakan nya ito sa pisngi

Dahil nakatali ako wala akong magawa, naman eh!

"Hoy! Pwede ba bitawan mo si Ericka! Hoy!" Sigaw ako ng sigaw dahil nakikita ko ang takot sa mata ni Ecka habang nakahawak si Cyan sa pisngi nya

"Maganda ka pala, ngayon ko lang napansin-"

"Hoy! Gago bitawan mo si Ericka! Wag mo syang idamay sa kabaliwan mo! Walang hiya ka!"

Nagulat ako ng biglang may sumuntok sa akin wahh

"Manahimik ka! Wag mong sinisigawan si Boss kung gusto mo pang mabuhay" tinitigan ko ng masama ang isang lalake dito sa loob, ang lakas ng loob na suntukin ako,

Kung di lang ako nakatali kanina ko pa pinagjojombag ang mga pangit nilang mukha

Huminto ang van sa isang abandonadong warehouse, medyo luma na,

Kinaladkad kami ni Ecka papasok at tinali sa tig isang poste, hayy ganito pala ang feeling ng makidnap

"Do you know the story behind this warehouse?" Napalingon ako kay Cyan na naglalaro ng baril sa kamay nya, may higit sampo na kalalakihan dito, halatang mga Mafia members kasi nakablack sila, men in black lang? Tss

"Seven years ago, 15 na katao ang natagpuang walang buhay dito. Sabi nila away daw sa kapangyarihan, natagpuang patay sila Kristofer Villamil, isang leader ng Mafia, si Katherine Villamil ang asawa nito, si Carlo Montenegro isang leader ng Mafia at sya ang tatay ko, oo pinatay sya ni Villamil! Diko alam kung paano nagawa ng bata yun pero pinatay nya ang daddy ko! Sa tingin mo ba kaya ko sya gustong makapasakin at mapatay dahil lang sa kapangyarihan?! Hindi dahil ang halimaw na babaeng yun ang pumatay sa Daddy ko!" Unti unti nang lumilinaw sa akin ang lahat, kaya naman pala pero

"Ginawa nya yun dahil sa kasamaan ng ama mo, pinatay ng tatay mo ang magulang nya sa harapan nya mismo! Binaboy ng ama mo ang mommy nya sa harapan nya! Sa tingin mo kung sayo nangyari yun?! Anong gagawin mo!"

Nakakainis talaga, Alam ko ang kwentong yun kaya wag syang mag malinis

"Tama ka, pinatay nga ng Daddy ko ang parents nya, pero hindi pa yun sapat, dapat mapasaakin sya, kung hindi dapat mapatay ko sya, ang mga taong tulad nya ang pinaka nakakatakot sa lahat dapat mapunta sya sa grupo ko o mawala sya sa mundo! Hindi mo alam ang tunay na kwento kaya manahimik ka!" nakangisi si Cyan habang sinasabi yun, nakakapangilabot. Nakakatakot

"Baliw ka! Walang mangyayari sa buhay mo kung ganyan ka! Alam mo dapat sayo ilibing ng buhay-ARGH"

Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng pumalo sa akin ng baseball bat, aba't masakit yun ah!

"Wag kang masyadong madaldal baka gusto mong ikaw ang maunang ilibing?"

Narinig kong tumawa lahat sila, nilingon ko si Ecka na kanina pa tahimik na umiiyak, langya naman oh pati babae dinadamay nila, tss

"Kunin nyo nga yung cellphone ng mokong na yan, papapuntahin ko na si Villamil dito. Baka namimiss nya na" tumawa nanaman sila at kinapkapan ako tss

"Di sya sasagot dahil wala na sya rito! Wala kayong mapapala kaya pakawalan nyo nalang kami!" Inis kong sigaw pero ngumiti lang sa akin si Cyan at itinapon sa harapan ko yung cellphone ko pagkatapos nyang kunin yung number ni Froggy, tss nabasag tuloyyyy.

"Oh, Villamil, balita ko wala ka na daw dito? Hindi ikaw yung tipong tinatakasan ang problema kaya alam kong meron ka parin sa bansang ito"

Te-teka totoo ba to? Sinagot ni Froggy ang tawag ni Cyan? Pero ni minsan hindi nya sinagot ang tawag at text ko? Ngumisi sa akin si Cyan at pinindot ang cellphone nya

Naka loudspeaker na

"Ano bang kailangan mo Montenegro?" Si Froggy nga! Shit di pwede to!

"Ako? Baka ikaw ang may kailangan sa akin?" Tumatawang sagot ni Cyan

"Anong Ibig mong Sabihin?" Parang hindi talaga si Froggy ang taong yun napakalamig ng boses nya

"I'm with your two friends, yung maganda pati yung madaldal mong kaibigan" lumapit sa akin si Cyan at umupo sa harapan ko

"Stop talking nonsense Montenegro, wala akong kaibigan" napapikit ako, at napangisi tinignan ko ng nakakaloko si Cyan

"Oh really, gusto mo ba silang makausap?" Napakagat ako sa labi ko ng pinalo nanaman ako ng bat, sinuntok din ako ng mga lalake dito pero hindi ako gumagawa ng ingay, kailangan Hindi pumunta dito si Froggy delikado, mahal ko yung babaeng yun kaya kahit buhay ko kaya kong isakripisyo para sa kanya

"Wala tayong mapapala dyan dun nalang tayo sa babae"

No hindi pwede, wag si Ericka

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now