CHAPTER 14

821 24 1
                                    


"Oh, MJ bakit mugto yang mata mo? Okay ka lang?" Tanong ni Ecka sa akin pagkapasok ko ng classroom

Eh kasi naman magdamag kaya akong umiyak! Iniisip ko parin si Froggy nagalit sya sa akin, tapos nag aalala pa ako.

Basang basa sya kagabi at halatang giniginaw paano kung mag kasakit sya?

Kaya naman iyak ako ng iyak laging pumapasok sa utak ko lahat ng sinabi nya kagabi huhuhu ang sakit sakit kaya!

'Umuwi ka na! Hindi kita kailangan! Kaya ko ang sarili ko! Kaya umalis ka na bago pa ako magalit ng tuluyan sayo! ALIS!'

Laging pumapasok yang mga salitang yan sa utak ko, huhuhu

Nag aalala lang naman ako para sa kanya eh pero bakit ganun ang sinabi nya? Bakit sinabi nya yun?

"MJ, halla umiiyak ka ba? Bakit? okay ka lang?" Diko namalayan na tumulo nanaman pala yung luha ko, huhuhu

Pinunasan ko nalang yung luha ko at kinuwento ang nangyari kay Ecka kahapon, mabuti nalang meron akong besy na laging nakikinig sa drama ko

"Baka naman may nangyari lang kaya ganun yung mood nya? O baka may monthly period lang, ikaw naman, ganyan talaga kaming mga girls moody. Intindihin mo nalang ang Froggy mo" medyo gumaan yung loob ko sa sinabi ni Ecka

Mabuti pang magsorry ako, kasi naman sinigawan ko rin naman kagabi ang Froggy ko. Ako yung naunang sumigaw, kaya siguro nagalit sya.

~~~~

Mag i-start na ang first subject wala parin si Froggy papasok kaya sya?

Hindi naman sya pala-absent eh, mahilig syang mag ditch ng class pero di pa sya nag a-absent kaya baka late lang sya

Hintay lang Michaella Jericha darating din ang Froggy mo, makikita mo sya this day

(Meanwhile)

Omg omg mag lulunch break na wala parin sya! Huhuhu bakit nag absent si Froggy? Galit parin kaya sya sa akin?

Napapansin ko din na kanina pa sumusulyap si Cyan sa pwesto namin, parang nag tataka din kung nasaan ang Froggy ko

Ano naman kayang plano nung hombre na yun? Bakit nya hinahanap si Froggy?! Don't tell me sya yung kasama ni Froggy kagabi kaya naging ganun ang mood ng Froggy ko?!

Hayy maimbyerna talaga ako! Gusto ko talagang jombagin ang Cyan na yan pati yung kambal nya na si Gian!

"MJ, sa tingin mo, papasok pa kaya si Keith?" Napalingon ako kay Ecka, halata sa mukha nya na nag aalala sya, kahit kasi bago lang namin na nakilala si Froggy, close nya na kami

Huhuhu where's that girlaloo ba? Bakit hindi sya pumasok?

Hindi kaya yung umalis ako kagabi pinasok sya nung kambal? Tapos may ginawa silang masama sa kanya? Omg omg wag naman sana!

Pero bakit pakiramdam ko tama ang instinct ko?

Kailangan kong puntahan si Froggy para makasigurado ako na okay lang sya

"Ecka, mamayang uwian wag na wag kang mag iisa okay? Dapat may kasama kang umuwi, aalis na ako pupuntahan ko si Froggy" sabi ko sabay ang pag alis ng room na nagmamadali

Please naman sana okay lang si Froggy wala naman sanang nangyari na masama sa girlaloo na yun. Di kakayanin ng laman lupa ko

Huhuhu please po Lord, ingatan nyo po ang Froggy ko, kahit maldita po yun, mahalaga sya sa akin, kahit minsan talaga eh sobrang scary sya

"Mendez, saan ka pupunta? At saka nasaan si Villamil?" Nagulat nalang ako ng may humigit sa braso ko omg omg bakit nandito si Cyan huhuhu

Paano ko mapupuntahan si Froggy? Baka sundan nya ako

"Pwede ba Montenegro, may emergency sa bahay kaya nagmamadali ako! At saka hindi ko alam kung nasaan si Keith kasi hindi sya pumasok kaya pwede ba bitawan mo ako!" Omg omg I lied, huhuhu alam kong pang best actress ako pero diko talaga maiwasang kabahan kasi Mafia itong kausap ko

"Siguraduhin mo lang Mendez, I'm warning you, AKIN LANG SI KEITH!" omo! Anong sinabi nya sa kanya lang si Froggy ko

No way! Wit wit pwede, Froggy is mine only mine!

"Pwede ba Montenegro manahimik ka? Sa tingin mo ba mapapasayo si Keith? Stop dreaming dude! Kasi akin sya" Pabalik kong sabi sa kanya, akala nya ba papayag ako na makuha nya si Froggy sa akin?

No way! Nevah! Teka may akin ba? Huhuhu

"Hindi mo kilala si Keith, Mendez, ako kilala ko sya! Kung di mo lalayuan si Keith, papatayin kita, narinig mo? PAPATAYIN KITA AT KAYA KONG GAWIN YUN" bigla akong nangilabot sa kanya,

Tumaas lahat ng balahibo ko, parang sa boses na yun di ako makagalaw

Umalis na sya sa harapan ko matapos nyang sabihin yun, napalunok ako ng laway at huminga ng malalim

Omo, may death threat na ako, at galing yun sa isang tao na kasama sa Mafia

Pero wala akong pakeelam! Dapat kong puntahan ngayon si Froggy

Wala akong pakeelam kung mag i-slide man ako ng maaga sa rainbow

Kailangan ko syang puntahan, I need to go to her, kahit buhay ko man ang kapalit.

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now