CHAPTER 2

2.1K 47 6
                                    


"Besy, please maawa ka huhuhu! Ayaw kong pumasok ngayon-"

"Diretso nalang den tayo sa office ng Dad mo?" Ano bang pwede kong gawin ngayon? Hinihila na ako ni Ecka papunta sa room

Doon ko daw makikilala ang frog na yun, I cannot!

I'm always waiting for a prince charming! Not for a frog girlaloo

"May choice pa ba ako Besy? I mean hindi mayonnaise na ladies choice kundi -poink- ARAY naman eh"

"Hindi ako nakikipag biruan sayo MICHAEL JERICHO MENDEZ! Sabihin mo lang kung ayaw mo talaga para pumunta na tayo ngayon sa office ng Dad mo! Hindi ko na gusto na nagsisinungaling tayo sa mga tao" No choice na talaga ang munting prinsesa, kailangan ko tong gawin.

Para sa bayan! Omg nasaan ang sedula? Kailangan kong pumunit ng Sedula, para sa himagsikan!! Pero joki joki lang diko kaya

"Oo na papasok na nga sa classroom diba?"

Okay Michaella Jericha, take a deep breath, itago muna ang bato ni Darna

"Wait lang! Papasok kang ganyan ka haggard? Paano ka mapapansin ni Miss Transferee nyan? Hays!" Lumapit sa akin si Besy at inayos ang kwelyo ng uniform ko, pinagpag ang palda- este pantalon ko, tapos sabay tulak sakin

"ARAY KO NAMAN EH!" Medyo manly kong sigaw, mahirap na mabuko pa mamaya ako ng wala sa oras.

Teka bat biglang tumahimik? Wag nilang sabihin na hindi na ako prinsesa? Na Isa na akong anghel? Dumaan lang ako tumahimik na? Oh noes where's my body?

"Good morning Mr. Mendez and Ms. Castillo, would you mind to take your seat? You're wasting our time" Omg nandito na pala si Miss Minchin, ang masungit na teacher ni Sarah ang munting Prinsesa, hindi nya naman siguro ako pag babalatan ng pataas diba? Baka mabalatan ko sya ng buhay hehe joki lang

Umupo nalang kami sa pinaka huling row ng upuan.

"Nandyan na ang Princess mo" pabulong na sabi ni Ecka sa akin, napalingon naman ako sa harap ng classroom

Omy what's happening to my heart? Bakit ang lakas ng tibok nito? Shemay am I kinakabahan dahil sa girlaloo na yan omg! 

"Introduce yourself" sabi ni Miss Minchin habang nakahawak ng chalk na ang sarap ipakain sa kanya joki lang ulit hehe

Tinignan ko ulit si Frog bago ako nag sign of the cross.

Kailangan ko ba talagang maging Prinsipe para sa girlaloo na yan? I cannot!

Please mga EXO babes ko itakas nyo na ako dito! Iuwi nyo na ako sa south Korea

"Keizel Keith Villamil, I don't have time to meddle with your stupid businesses so stay out of my sight if possible" napanganga lahat ng kaklase ko, masungit pa sya what to do?

Hindi ko kayang maging hombre lalo na sa mga masusungit, kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ko sya maging Prinsesa,

Tango* tango*

Pero paano naman? Hindi ko na to kaya!

Pero bakit palapit sya ng palapit sa akin? Don't tell me dito sya uupo sa tabi ko?

Sa tabi ng munting Prinsesa? Whuuttt?

Omg! Omg! Dito nga sya! Omg paano na to? Kakausapin ko ba?

Pero wahh nakakatakot sya! Baka lapain nya ako ng buhay kung kakausapin ko sya.

Girlaloo na frog! Girlaloo na  makinis ang feslak! Girlaloo na mala koreana! Wag sa tabi ko! Shuuu

Oh noes what to do 1 meter nalang ang layo nya

"Besy palit tayo ako dyan sa may bintana!" Please Ecka pumayag ka cross fingers please

"Ano ba, this is a good start! Kausapin mo sya! Magpakilala ka and also don't forget your barako voice, baka bigla kang tumili dyan" Ecka naman eh, napaka supportive

"I don't think that someone is sitting here, am I right?" Omg ang lamig ng boses, katakot sya mga Besy parang kumakain to ng mga prinsesa na tulad ko

"A-ahh t-tama w-wala n-namang n-nakaupo d-dito" ngayon pa nautal ang prinsesa nyo huhuhu, paano na this? I cannot!

"Well, then let me sit here, you wouldn't mind right?" bakit ba ang cold nya? mahihirapan ako dito eh. Tumango ako at napalunok.

Bato ni Darna help me!

Paano ko makakausap ang frog girlaloo na ito? And oh my noes seatmate ko pa sya!

"Okay class get 1/4 sheet of paper and answer this equation below" ano ba yan, miss Minchin bakit ka naman nagpapa quiz!? Ang galing mo talagang mag ruin ng creamstick imagination ko ang limit!

Pero 1/4? Wala ako nun! Huhuhu

Te-teka may 1/4 si Frog!

"Humingi ka na bilis!" Ecka naman eh! Bakit ako pa? Okay cross fingers.

Inhale exhale munting prinsesa kaya mo to fighting!

"Miss, pwede bang humingi ng wanport mo?" Omg omg, big mistake oh noes

Bakit imbes na 1/4 ang sabihin ko naging wanport? OMG! This is so so wrong

Nagulat nalang ako ng may kinuha sya sa bag nya, omg baka kutsilyo!

One whole? 1/4 diba? Bingi ba tong si Frog? May wanport naman sa desk nya ah!

Nagulat nalang ako ng bigla nyang binigay sa akin ang one whole sabay sabing

"That's all yours" omg!

Ang cold nya! At may pagka bitch din! Huwaw paano na? Paano na ang mana ko?

Impossible ko syang maging Prinsesa!

"Nice One, MJ atleast nakausap mo sya, it's a good start!" Napatingin ako kay Ecka, nakangiti sya sa akin,

A good start? Yeah not bad at all.

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now