CHAPTER 41

660 12 1
                                    

Alas onse na ng gabi hindi parin ako makatulog, hindi naman ako yung tulad ng mga wattpader na halos di na natutulog no!

Pero pwera biro, iniisip ko parin yung nangyari kanina, kaya pala masyadong obsess si Cyan kay Froggy dahil isang taon mula ngayon, kay Froggy na ang Mafia, and she's a threat to all

Hayy kaistress mag isip, pati yung tungkol kay Gian, pinabantayan pala ako ni Froggy sa kanya, kaya pala bigla nalang laging nandyan si Gian pag mag isa ako

At ito ang pinakaworst iniisip ni Froggy ang safety namin kaya naman, kung malaman nyang pinagbabantaan ni Cyan ang buhay ko, talagang lalayo sya sa amin para hindi na kami madamay pa

Wahhh nakakauhaw mag isip. Pumunta nalang ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang napansin kong nandun si Froggy kaya nilapitan ko sya

Omg bakit umiimom ng alak si Froggy? May problema kaya sya? Huhuhu ano naman kaya yun?

"Okay ka lang Keith?" Napalingon naman sya sa akin, medyo nagulat pa nga sya ng makita nya ako

"Gising ka pa pala" malaki ang problema ng Froggy ko, nagtatagalog eh, magtatagalog lang yan pag may ibang emosyon sa kanya, diko nga alam kung paano nya nagagawa eh

"Ahh, oo, bakit ka umiinom, baka malasing ka nyan" ngumiti sya sakin at tinuro yung upuan kaya umupo ako dun

"Gusto mo ba ng kwento? Tungkol sa pamilya ko?" Wahh mag oopen up si Froggy

"Oo naman! First time ko kayang malalaman ang tungkol sa pamilya mo" sagot ko naman, ngumiti sya sakin ng mapait,

Halata na medyo lasing na sya kasi namumula na yung mukha nya, wahhh kanina pa ba sya umiinom?

"Once a upon a time there was a family which is very very rich *hik* sobrang yaman, at sobra ding saya ng pamilyang ito" wahhh parang fairytale!

"Nagmamahalan sila Katherine at Kristofer Villamil at nabuo nila si Kevin Klein at si Keizel Keith" wahhh lahat pala sila K ang astigggg ng family nila

"Si Kristofer ay ang pinaka kinakatakutan sa lahat, he's a mafia boss, kaparehong kapareho daw kami ng ugali, imaginin mo nalang na boy version ko sya*hik*" wahh nakakatakot siguro ang daddy nya huhuhu, Buti nalang pala patay na sya, charot lang huhuhu

"Akala ng lahat, hindi na matatapos ang kaligayahan ng pamilyang ito, nasa kanila na lahat lahat, isang perpektong pamilya*hik* pero natapos lang yun sa isang gabi*hik*"

"Isang sasakyan ang humarang sa kanilang sinasakyan na pamilya, nasa abroad si Kevin nun kaya naman kaming tatlo lang ang nandun"

"Bago bumaba si daddy may tinawagan pa sya ng tulong, nagulat nalang ako ng may nakatutok na ng baril sa aming tatlo, pero hindi ako natakot*hik*"

"Ginapos nila kami. Pinunta sa isang abandonadong building at dun ko nakita ang mga mukha nila"

" 'Ito na ang katapusan Villamil' hanggang ngayon sariwa parin sa panrinig ko ang boses na yun, hindi mo makakakitaan si Daddy at mommy ng takot hanggang sa tinutukan nila ako ng baril, nakita ko ang gulat sa mata nilang dalawa, lumuha din si mommy at sinabing 'let my daughter go, patayin mo nalang ako' tumawa lang sila, ang sumunod nalang na naalala ko, hinahalay na nila si mommy sa harapan ko, pagkatapos nun pinatay nila si mommy"

"Galit na galit si daddy sa kababuyan na ginawa nila, 'P*tang Ina nyong lahat! Pati babae dinadamay nyo!" Hindi talaga sanay magtagalog si Daddy kaya naman alam kong galit sya, malungkot pero one thing, hindi sya umiiyak"

"Napalingon sa akin ang isang lalake, ngumiti ito sa akin at hinawakan ang pisngi ko, 'P*tang Ina mo! Wag ang anak ko!' sigaw ni Daddy pero tumawa lang ito, nagulat ako ng tutukan nya ako ng baril 'Nagmamakaawa ako, wag ang anak ko, parang awa nyo na, ako nalang, wag nyo na syang idamay' sa unang pagkakataon nakita kong umiyak si Daddy, para sa akin para sa buhay ko, tumawa ang lahat ng nasa loob sabi nila, marunong palang magmakaawa ang isang Villamil"

"Pinakawalan nila ako kaya lumapit ako kay Daddy pero pinatay nila si Daddy, sa harapan ko mismo, nakayakap lang sa akin si daddy pero hindi sya gumagalaw, hindi ako umiiyak pero alam kong galit ako, galit na galit ako, nandilim ang paningin ko sa pagkakataon na yun"

"Lumapit ako sa isang lalake at kinuha ang baril nya, the next thing I knew ay nakabulagta na lahat ng tao sa loob, ako nalang ang nakatayo pero masakit din ang katawan ko, dumudugo ang braso ko, ang hita ko hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay, pero hindi ako makaramdam ng sakit, and that was the day a monster was born, it was seven years ago. And today was it's anniversary"

Tumulo ang luha ko sa kinuwento nya, parang may hindi ko alam sa puso ko, parang tinutusok ito, hindi ko alam na napagdaanan nya yun

Kaya pala ganito ang ugali nya, kaya pala masyadong cold ang puso nya, hindi manlang sya umiyak pero puno ng hinanakit ang boses nya, puno ng lungkot

"Mendez-" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya ng bigla ko syang niyakap ng mahigpit, sobrang higpit

Yakap na para bang kinocomfort sya, hindi ko alam na may ganito pala syang dinadala sa buhay nya

May pangyayari na kahit anong gawin nya hindi nya na makakalimutan pa

"Diba sabi mo may tinawagan ang Daddy mo? Nasaan sya nun?"

"Hindi ko alam, sya ang pinakaayaw kong tao, hindi sya pumunta, walang tumulong sa amin" nakayakap parin ako sa kanya,

"Keith, kailan kaya kita makikitang iiyak"

"Hindi ako umiiyak" sagot nya, sabay ang pagyakap sa akin pabalik " Salamat, salamat at kasama kita ngayon" napangiti ako

We remained like that in a long time, nakayakap lang kami sa isa't isa,

"Keith?" Tawag ko, hindi naman na sya sumagot kaya sinilip ko kung bakit

Tulog na sya, pfft binuhat ko nalang sya papunta sa kwarto nya at dun sya hiniga at kinumutan

"What a beautiful disaster" bulong ko sabay ang paghalik sa noo nya

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon