CHAPTER 10

1K 31 0
                                    

Shookt ano ba to? Bakit ganito ang nakikita ko? Huhuhu what's the meaning of this? Bakit? Omg omg!!!!!

Bakit may hawak na baril silang dalawa? May hawak na baril si Gian at si Froggy!

Omo! Nakatutok pa ito sa kanilang dalawa huhuhu baka magkamali sila tapos mabaril talaga nila ang isa't isa

"So, you're the one who did that to him aren't you?" Him? Sinong him? Huhuhu bakit ang gulo gulo? Bakit ang complicated nito?

"Yes, Montenegro and he deserves that" malamig na sabi naman ni Froggy, sino ba yung pinag uusapan nila? Bakit hindi ako updated? May secret ba sila? Tapos hindi ko alam?

"Hindi ka pa nakuntento, pinilay mo pa ako alam mo bang bawal na binabangga ang pamilya namin, una yung kambal ko ngayon naman ako" huhuhu what's the meaning this? Ano ba itong pinaguusapan nila? Sino yung kakambal na sinasabi nya?

"Mr. Montenegro, The hell I care, am not even frightened. Let's not make a big deal out of this. I'm exhausted" Huhuhu bakit wala akong maintindihan?

"I'll let you go for this night Villamil, just for this night. Make sure to get yourself ready" ngumisi si Froggy kay Gian at naglakad na sila paalis sa magkaibang direksyon.

Habang ako naman, tumakbo papuntang bahay nya, hindi sa mansion kundi sa isang bahay nya, yung mansion pala ha pinuntahan namin ay family house nila, tapos may sarili syang bahay at ito yun.

Anong gagawin ko? Magkukunwari kaya akong walang narinig? O itatanong ko kung anong meron? Huhuhu

Pero bakit ganito parin ang pakiramdam ko? Nag aalala ako sa pwedeng gawin ni Gian kay Froggy huhuhu

"What are you still doing here?" Napalingon ako kay Froggy na kararating lang sa tapat ng bahay nya

"Ah eh, bigla ka kasing nawala kanina, kaya hinintay nalang kita" oh noes I lied huhuhu

"Wanna grab some snacks inside?" Sa wakas kinakausap nya na ako ng masinsinan pero huhuhu kanina pa talaga ako curious kung anong pinag uusapan nila

Kung bakit sila may hawak na baril, at kung anong ginawa ni Froggy sa kakambal kuno ni Gian

"Ah, wag na, hinintay lang talaga kitang makauwi, una na din ako. Mag iingat ka" baka hindi ko kasi mapigilan ang bibig ko eh huhuhu

Mamaya sa sobrang daldal nito may masabi ako sa nakita ko kanina

Pero sino ka nga ba Froggy, sino ka ba talaga huhuhu

"Ahh alright then. Take care" pagkatapos nyang sabihin yun ay pumasok na sya sa bahay nya, ako naman hindi ko maigalaw ang paa ko, I want to know their secrets, huhuhu

Pero paano kung di ko makayang iabsorb ang isasagot nya sa akin?

Sabi pamandin ng Kuya nya alagaan ko daw sya, huhuhu

Makaalis na nga muna naiistress talaga ako sa pag iisip, pero bago ako umalis tinignan ko muna ang bahay ni Froggy

Ligtas kaya sya dito? Paano kung barilin sya ng Gian na yun? Paano kung sya yung maunang mag slide slide sa rainbow?

Pero di ako papayag wit wit talaga pwede! Wit wit! Nevah! Over my dead and sexy body!

~~~~

Pagkauwi ko ay binuksan ko agad ang laptop ko, siguro makakalap ako ng information kapag nag research ako diba?

Okay madlang pips kaya ko to! I can do this!

Pers stop! JERSON DORMITORY HIGH SCHOOL

OMG! Pang mayayaman pala ang dating school ni Froggy wawww! Lahat ng kilalang tao dito nag aaral ang mga anak nila! Mga anak ng mga businessmen, mga anak ng mga pulitiko, mga ilang artista. Ang laki at ang ganda ng school na to.

Second stop! Sinearch ko yung pangalan na KEIZEL KEITH VILLAMIL sa school na yun

bakit walang lumalabas na record? May record na Villamil pero yung kay kuya Kevin lang, he graduated 4 years ago

Pero walang record si Froggy. Binura ba dahil sa naexpel si Froggy dun? Or sinadyang burahin? Kasi pag estudyante ka sa isang elite school ay naka lagay parin ang name mo sa records kahit graduate or expelled ka

Hayaan na nga may chance pa ako

Third and last stop! MONTENEGRO

Kailangan kong malaman ang tungkol sa mga Montenegro, may sinabi sya about sa kambal kaya kung malaman ko kung sino yun, I'm sure may makakalap akong impormasyon, malalaman ko ang sikret nila

Hindi ko alam kung bakit nainis ako nung may alam si Gian na hindi ko alam tungkol kay Froggy tsss.

Maraming lumabas pero isa lang ang napagtuunan ko ng pansin, isang issue sa newspaper ng school at ito yung title

CYAN CARLO MONTENEGRO, the captain of JDHG Basketball Team has been been stabbed in the left eye, suspect EXPELLED (read the full article...)

Omo! Ito ba yung sinasabi ni Froggy na sinaksak nya ng pen ang mata ng isang lalake? Pero bakit stab naman ang nandito? At parang hindi naman ata ballpen ang nagamit?

Ito ba yung kambal ni Gian? Omg talaga super omg!

Omg talaga I can't believe this! Mas lalong lumiliit ang mundo namin.

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now