CHAPTER 40

700 13 0
                                    

"Hayy nako MJ, grabe ka naman, di mo muna aaminin dahil ayaw mong mawala ang friendship nyo? Paano kung ligawan sya ni Gian?" Mali bang itago nalang muna ang feelings? Wahhh huhuhu, kasi naman eh

"Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon Ecka, hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ni Keith" natatakot talaga akong baka iwan nya kami, naalala ko nanaman yung sinabi nya nung ball, may plano syang iwan kami huhuhu

"Bahala ka, ang sakin lang naman, mas magiging malala yang mararamdaman mo, hindi ka lang masasaktan, siguradong pag sisisihan mo yan sa huli" napalunok ako ng laway at binaling ang atensyon ko sa tulog na prinsesa sa tabi ko

"Kaya kong masaktan, Ecka, gagawin ko ito hindi lamang para sa kanya kundi para sa atin din, I have a gut feeling na hindi ko pa dapat aminin sa kanya" sagot ko nalang, nagbuntong hininga naman si Ecka

Lumabas ako ng classroom para makapag isip isip, bakit ba ganito ang pakiramdam, bakit parang may mali?

"Jericho, pwede bang mag usap tayo?" Napalingon ako sa taong yun, bakit parang may tinatago sa akin ni Froggy? May alam kaya si Gian?

"Ahh. Oo" sinundan ko syang maglakad hanggang sa isang bench, umupo sya kaya umupo din ako

"Jericho, alam kong nalilito ka, marami kang tanong, pasensya na pero di ako ang dapat sumagot nyan" mind reader ba itong shokoy na to?

"Oo Gian, marami akong tanong tulad ng bakit ganun nalang ka obsess si Cyan kay Keith, bakit pag mag isa ako nandun ka, bakit mo akong laging nililigtas sa kambal mong baliw" hayyy kailan kaya masasagot lahat ng tanong ko?

"Pfft, masyado pang makitid ang utak mo pagdating sa Mafia, masasagot din ang mga tanong mo, Malay mo mamaya, o bukas, basta masasagot din yan" napatingin ako kay Gian, masyadong seryoso yung mukha nya, sa totoo lang aaminin ko,

Mas bagay sila ni Froggy dahil may mas nalalaman sya, huhuhu

"Gusto mo ba talaga si Keith?" Tanong ko, wahhh

"Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa babaeng nasa kanya na ang lahat? Maganda, matalino, mayaman, matapang, yun nga lang Wala syang puso hahahaha" napangiti ako sa sinabi ni Gian, seryoso talaga sya kay Froggy ko,

"Bakit hindi mo sabihin?"

"Kasi alam kong hindi nya ako magugustuhan, alam kong impossible na manalo ako sa kanya, ikaw Jericho? Bakit di mo pa sabihin?" Pabalik nyang tanong sa akin, ngumiti muna ako

"Dahil hindi pa ito yung tamang oras para sabihin sa kanya, kailangan ko munang masagot lahat ng katanungan sa isip ko bago ko aminin" nakita ko ang pag ngiti ni Gian, ganito pala pag kasama mo ang katulad mong inlove? Yun nga lang sa iisang babae pa

"Wag ka ng magkalat kalat bumalik ka na sa room nyo, masyadong delikado ang nag iisa" tinalikuran nya na ako

May nalaman ako ngayong araw na ito, magkaibang magkaiba si Gian kay Cyan

~~~~

Papunta na ako sa room ng may biglang humarang sa akin, omy omg omg wahhh ano nanaman kayang kailangan sa akin ng baliw na ito huhuhu

Hinila nya ako papunta sa abandonadong classroom, masyado syang malakas kaya kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko balewala lang

"Napakadali lang ng pinapagawa ko, layuan mo si Villamil, ganun ka ba katanga?!" Wahhh katakot huhuhu kaharap ko ngayon itong psycho na ito

"Ano bang meron? Bakit mo gusto akong lumayo sa kanya? Obsession yang nararamdaman mo, Cyan, kaya kung pwede layuan mo nalang kami" di ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko, pero naiinis ako sa baliw na ito,

"Wala kang alam Mendez, wala kang alam!" Wahhh omg huhuhu

Ito ang unang pagkakataon na may tumutok sa akin ng baril maliban kay Froggy huhuhu

Ganito pala ang feeling, parang nasa bingit na ako ng kamatayan

"Ba-bakit ba? Bakit ganun ka nalang kaobsess na makuha si Keith?!" Kailangan kong malaman, gusto kong malaman,

"Hindi mo ba kilala si Keith? Isang taon magmula ngayon pamumunuhan nya na ang Mafia nila, and she's a threat to all of us!" Huwattt? Magiging big boss si Keith ng Mafia?

"Kailangan ko syang makuha bago yun, kung makukuha ko sya ako na ang pinakamakapangyarihan na Mafia Boss, hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo at makakapaghiganti na rin ako" omo huhuhu

"Kaya nga may dalawang pagpipilian sya eh, kung magiging akin ba sya, o papatayin ko nalang sya" nakakapangilabot na ngiti ang nakita ko sa mukha ng baliw na ito

Oo, baliw sya, baliw sa kapangyarihan,

"Ba-bakit gusto mong layuan ko sya?" Unti unti ng nasasagot ang mga tanong ko

"Dahil dun ko malalaman kung magagawa ba kitang pain sa kanya, alam mo yun, kung lalayuan mo sya tapos affected sya, edi pwede kitang gamitin para makuha ang gusto ko!"

Tanga ba sya? Bakit nya sinabi sa akin ang plano nya?

"Pero sa tingin ko, hindi ko na yun magagamit dahil alam mo na ang plano, kaya naman papatayin nalang kita" napaatras ako sa kanya,

Nagulat ako ng kinasa nya ang baril na hawak nya, shit di pa ako pwedeng mamatay

"Saan gusto mo, sa ulo o sa dibdib?" Nangangatog na ang tuhod ko, tumutulo na din ang luha ko, shit hindi pa pwede, paano na si Froggy? Si Ecka? Si Mickei?

"Cyan, wag mong idamay ang mga inosente dito" nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Gian, napaupo nalang ako aa sobrang takot

"Hindi na sya inosente, marami na syang nalalaman" nakakapangilabot na sabi ni Cyan at itinutok ulit sa akin ang baril

"Wag mo akong ginagalit Cyan, wag mong dinadamay ang mga inosente sa kabaliwan mo" may pagbabanta sa boses ni Gian, nagulat nalang ako ng tumawa ng malakas si Cyan at tumingin sa akin

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo at napaka swerte mo, pero papatayin parin kita kaya gawin mo na lahat ng gusto mo bago yun" binaba nya yung baril at tumalikod sa akin, nakita ko pang tinulak nya si Gian

"Hayy ano ba naman yan, hanggang kailan ba ako magiging body guard mo? Tss" nagulat ako sa sinabi nya body guard?

Huwatt?! Omg!

"Wag mong sasabihin kay Keith na nangyari to dahil kapag nalaman nyang pinag bantaan ka ni Cyan, siguradong iiwan nya tayo, so please sa atin lang ito" shit kaya pala sinabi ni Gian na nahulog ako sa hagdan

"Sinong nag utos sayo na bantayan ako? Na maging bodyguard ko?" Ang daming tanong sa isip ko

"Sino pa ba? The one and only cold-hearted Mafia Princess"

HUWATTT?!

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon