CHAPTER 28

759 18 0
                                    

Author's Note:

Sa mga nagtataka sa kambal hihihi

Gian (Jiyan) Carlo Montenegro- sya po yung pinilay ni Keith nung gabing sinundan sya ni Michael Jericho (MJ) [chapter 5]. Sya din yung unang nag threat sa buhay ni MJ para layuan si Keith [chapter 14], at sya din yung sumabay kay MJ sa pag pasok nung may urgent matter si Keith sa Mafia[chapter 25]

Cyan (Siyan) Carlo Montenegro- muntik nya ng pinagsamantalahan si Keith. Sya yung creepy na sobrang obsess kay Keith, si Keith ang dahilan ng pagkabulag ng isang mata nya

Yun lang muna hehe

~~~~~~

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko

Te-teka puti? Don't tell me patay na ako? Huhuhu wag muna

"Mr. Mendez gising ka na pala, anong nararamdaman mo?" napabalingwas akong bumangon at nakita ko ang isang tao na may white na coat, nasa clinic pala ako hehe

"Paano po ako napunta dito?" Tanong ko, ang huli ko kasing maalala eh yung muntik ng binali ni Cyan yung braso ko Buti nalang dumating si Gian

"According sa lalakeng nagdala sayo dito nahulog ka daw sa may hagdan kaya nag faint ka" huwatt? Nahulog sa may hagdan?

"And also yung arm mo, may minor injury, so baka one week mong hindi magamit yan" tinignan ko yung braso ko na mayroong bandage, tumango nalang ako sa doctor

"May dalawang babae kanina na nandito sa clinic, yung isa pinabalik na ng classroom, yung isa naman nag CR lang, babalik daw sya mamaya, sige nandun lang ako sa table ko puntahan mo lang ako dun kung may kailangan ka" tingnan ko yung doctor na umupo sa desk nya, sinara ko nalang yung kurtina at humiga

Bakit naman kaya sinabi ni Gian na nahulog ako sa hagdan? Pinagtatakpan nya ba yung kambal nya?

'Siguradong malalagot tayo pag nakita ito ni Keith, tss pasensya na ah, medyo nalate ako di kita mahanap kanina eh'

Wait so hindi nya pinagtatakpan ang kambal nya kundi pag nalaman to ni Keith siguradong may magagawa syang hindi maganda, naiintindihan ko na si Gian

Pero diko parin maintindihan kung bakit nya ako niligtas, to think na pareho lang sila ng Mafia ng kapatid nya

"How's he?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Froggy omy! Huhuhu

"He's already awake, he's taking some rest" sagot naman nung doctor, sigurado akong may mangyayaring masama huhuhu,

"Can you please leave us for awhile? I'm going to talk to him privately" omo huhuhu wag kang pumayag doc please

"Okay take your time" omo omg wahhhh

Nagulat nalang ako ng biglang nagbukas yung kurtina, and here she is wearing a serious but angry face, katakot huhuhu cross fingers, isa lang ang hiling ko ngayon sana wag syang magtagalog

"GANUN KA BA KATANGA PARA MAHULOG PA SA HAGDAN?!" huhuhu sabi ko na nga ba eh

"Diko kasi nakita eh, hehe at saka okay lang na-

"OKAY LANG?! TIGNAN MO NGA YANG BRASO MO TAPOS OKAY LANG?!" kapag ganito na talaga magsalita si Froggy nasasaktan talaga ako, hindi dahil sa galit sya kundi dahil ayaw kong nagagalit sya sakin

"Keith, sorry-"

"NAKAKAINIS! ALAM MO BA YUN? PINOPROTEKTAHAN KITA SA MGA TAONG GUSTONG MANAKIT SAYO TAPOS HAGDAN LANG ANG MAKAKASAKIT SAYO?! DAPAT KASI HINDI KA UMAALIS NG HINDI AKO KASAMA!" napatungo nalang ako, paano pa kaya kung malaman nyang si Cyan ang may gawa nito siguradong sasaktan nya si Cyan or worst baka mapatay pa nya ito,

Ayaw kong makapatay sya ng dahil lang sakin hindi ko yun matatanggap

"Keith, pasensya na talaga hindi na mauulit, hindi na ako magpapabaya" namumuo nanaman yung luha ko huhuhu

"Nag aalala lang ako sayo, kung pwede lang ayaw kong masaktan ka, ayaw kong may nananakit sayo, galit ako hindi sayo kundi sa akin, pinangako ko sa sarili ko na proprotektahan ko kayong dalawa ni Castillo" tumulo na yung luha ko, bakit biglang naging baligtad dapat ako ang proprotekta sa kanya, dapat ako! pero bakit kami pa?

"Sorry Keith, hindi na mauulit pa" nakatungo ko parin na sabi, ayaw kong tignan sya, alam kong sobrang frustrated sya

"Sabihin mo nga, hindi ikaw yung tipong ganun katanga na hindi makita ang hagdan, may gumawa ba sayo nyan? Sino si Cyan? Wag kang magsinungaling" *gulp* huhuhu sorry Froggy pero dapat hindi mo ito malaman, ayaw kong makasakit ka ng dahil sakin

"Naging tanga ako Keith, hehe minsan lang naman eh, inaantok kasi ako" pagsisinungaling ko, ako na talaga ang pambansang liar huhuhu

"You sure?" Sa wakas naging kalmado na sya tumingin ako ng deretso sa kanya, tumango ako at ngumiti

"Sorry for scolding you it just that I'm worried sick about you, I have only two friends and I don't know what to do if one will-"

Diko na sya pinatapos at niyakap ko sya, sobrang natakot ako kaninang kaharap ko si Cyan, akala ko hindi ko na sya makikita, akala ko mamamatay na ako,

"Mendez-"

"Let's just stay like this for a while Keith, it's my way of saying sorry"

Hindi ako takot na mamamatay, takot ako na hindi na muling makita ang ngiti nya, hindi na muling marinig ang pagtawa nya

Takot ako na may ibang magpangiti sa kanya, takot ako na hindi ko sya maalagaan, sobrang natatakot ako

Mahal ko na sya at ngayon ko lang narealized yun, oo bakla ako dati but I fell in love with her,

A cold hearted Mafia Princess

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now