CHAPTER 15

863 25 1
                                    


*Ding dong* *Ding dong* Ding dong*

Kanina pa ako dito sa harap ng bahay ni Froggy, kanina ko pa din pinipindot itong doorbell kaso wala talagang nagbubukas

Huhuhu nandito kaya talaga si Froggy? Galing ako sa mansion nila wala daw sya dun.

Hayy bahala na nga

"KEITH! NANDYAN KA BA? BUKSAN MO TONG GATE!" Hindi ko nalang alam kung hindi pa ako marinig ng girlaloo na yun sa lakas ng sigaw ko.

5 minutes

15 minutes

30 minutes

Wala paring nagbubukas huhuhu, ano na kayang nangyari dun? Bakit kasi hindi nya binibigay sa akin yung number nya eh!

Bahala na si Darna! Okay! Madlang pips kailangan kong umakyat sa gate na ito, Darna sumapi ka sa akin kahit ngayon lang, I need your super strength!

Hirap na hirap akong umakyat sa gate, pero bakit ganun? Parang daling dali ang mga akyat bahay sa TV? Ano kayang ginagamit nila?

"ARAY!" Huhuhu ang sakit ng pwet ko

Nahulog kasi ako sa gate yung nasa taas na ako, naman Darna eh! Traydor ka huhuhu

Dali Dali akong pumunta sa may pinto at binuksan yun pero nakalock

Omg omg anong gagawin ko? Paano ako makakapasok? Alam ko na! Kailangan ko lang ang ID ko para makapasok dito!

Hihihi eh kasi nung bata palang ako tinuruan ako ni Daddy na magbukas ng pinto na nakalock gamit ang ID

And success bongga talaga! Di manlang ako napagpawisan mga Besy! Taray ko talaga kahit kailan!

"Keith? Nasaan ka?"

Makapag hanap na nga lang

Kusina, Wala sya dun

Banyo, wala din

Sala, wala din

Kwarto? Saan ba ang kwarto ng girlaloo na yun? Makita ko lang talaga ang Froggy na yun talagang kukurutin ko sya sa singit

Pinag aalala nya ako! Tss

Baka ito na ang kwarto nya, ang luwang naman kasi ng bahay nya eh

Dahan dahan ko yun na binuksan

Omg omg shet ba-bakit?

"KEITH!" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, nandito sya sa kwarto, nasa sahig sya, anong ginagawa nya dyan? Huhuhu

Nilapitan ko sya agad at ginising ng maramdaman kong sobrang init nya

Sheet anong gagawin ko? Sobrang taas ng lagnat nya Huhuhu

"Keith, gising" nagising naman sya at napabuntong hininga. Pinilit ko syang tinayo pero natumba ulit sya, omg nag-faint nanaman! No wit to pwede!

Sabi ko na nga ba eh! Nagkasakit sya dahil nagpaulan sya kahapon! Ang putla putla nya

Binuhat ko nalang sya at nilagay ko sa bed nya, tinawagan ko si daddy, kasi nga diba doctor si daddy, pero di kami ganun kaclose, no choice lang ako ngayon, basta may galit ako kay Daddy

-Meanwhile-

"Oh anak, wag ka ng mag alala dyan, okay na sya kailangan nya lang kumain at magpahinga tapos inumin tong gamot" nakahinga ako ng maluwag nung sinabi yun ni Daddy

"Dad, okay lang po ba na dito na muna ako? Mag isa lang kasi si Keith dito sa bahay nya eh, walang magbabantay sa kanya, at saka wala naman lagi akong kasama sa bahay kasi laging kang busy" May mga kapatid ako pero wala sila sa puder ni Daddy, basta magulo ang pamilya namin, need ko lang talagang pakisamahan si dad kasi yun yung huling hiling ni Mommy bago sya nawala.

"Sige anak, bahala ka, teka kaano ano mo sya? Girlfriend mo ba?" Omg omg anong isasagot ko kay daddy? Omg talaga huhuhu

"Ahm parang ganun na nga po pero parang hindi" sagot ko nalang sorry Keith cross fingers

"Hahaha, okay son, ipapadala ko nalang ang gamit mo sa driver mamaya, ingatan mo sya ah" saad ni Daddy sabay ang pag ngisi ng nakakaloko

"Salamat Dad"

~~~~~

Hindi ko alam kung bakit kanina pa tumutulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko si Froggy,

Akala ko talaga kung ano nang nangyari sa kanya, bakit kasi dito pa sya nakatira! May mansion naman sya eh huhuhu atleast dun may mag aalaga at mag babantay sa kanya

"Hmm" nabuhayan ako ng loob ng binuksan ni Froggy ang mga mata nya

"Okay ka lang? Anong naramdaman mo? May masakit ba sayo?" Sunod sunod kong tanong tinignan nya naman ako na para bang nagtataka.

"What happened? What are you doing inside my house?" Tanong nya din, tignan nyo tong bruha na to! Ako yung nagtatanong magtatanong din sya sa akin

"Ahh ehh kasi ganito yan, nag alala kasi ako kasi hindi ka pumasok kaya nag cutting class ako at pumunta dito kaso ilang oras na ako sa labas at pumipindot sa walang kwentang doorbell na yun walang nagbubukas kaya naman umakyat ako sa gate nyo, ang sakit nga ng pwet ko dun eh! Alam mo bang nahulog ako gra-"

"Pfft Hahaha insane! The hell pfft you did that, what a crazy man!" te-teka tumatawa si Froggy?

Omo is this for real? Nananaginip ba ako? Omo mukha syang anghel pag tumatawa omo ang ganda nya

"And then? What happen next?" Huminga muna ako ng malalim bago ulit nagsalita

"Tapos pumunta ako sa may pinto, nakalock din buti nalang marunong akong magbukas gamit ang ID ko kaya naman nakapasok ako-"

"What? You open my door using your ID? How is that possible-"

Hind ko sya pinatapos nilagay ko yung palad ko sa bunganga nya

"Patapusin mo muna ako, nagkwekwento ako" hayy di pa ako tapos magsalita nakikisabat na itong Froggy na to inalis nya naman ang kamay ko sa bunganga nya

"Pfft, okay fine continue your story telling"

"Tapos yung nakapasok na ako hinanap agad kita, sa sobrang luwang nitong bahay mo napagod kaya ako, then nakapunta ako sa kwarto mo, then I found you lying in that floor *sniff* akala ko kung ano nang nangyari sayo * sniff*"

"Pfft why are you crying?! What a crybaby!" Tignan mo tong girlaloo na ito

"Akala ko Patay ka na!"

"Pfft wahahahha, me? Dead? Impossible" bakit ang ganda nya kapag tumatawa? Bakit mukha syang anghel? Napakainosente at napaka aliwalas ng feslak nya

Dugdug dugdug dugdug dugdug

"Mukha kang Anghel pag tumatawa ka Froggy"

"What?! Angel?! Froggy?!" Omo Omo malakas ang pagkakasabi ko nun?

Omg omg what to do? Huhuhu paano ako magpapaliwanag?

"Ahh ehh-"

Beep beep beep

Omg save by my driver yahoo padadagdagan ko talaga ang sweldo nya yun! Lab you fafang driver! Tumakbo na ako palabas para kunin yung things ko

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon