FINAL CHAPTER LAST PART

923 15 2
                                    

"T-tatawag lang ako ng d-doctor dyan ka lang!"

"Tanga ka parin tss"

"Oo na! Masyado akong tanga dahil minahal kita!" Sigaw ko sabay ang pagtakbo sa labas

Kanina ko pa pinipindot yung emergency button pero walang pumupunta, hayy nako ang kukupad naman nila.

~~~~

After ng ilang pagsusuri kay Keith naging maayos naman ang buong health nya, medyo nanghihina parin sya pero nakakausap na namin ng masinsinan. Lumabas muna ako dahil parang may gustong sabihin sa kanya si Kuya Kevin, pero after 30 minutes pinabalik din ako sa loob ng kwarto ni Keith.

Iniwan muna kami nila Kuya Kevin para daw makapag usap kami

"Thank you mahal ko! Salamat at gumising ka!" Ano ba yan tumulo nanaman ang luha ko.

"Pfft, hey stop crying. I'm still alive, I told you, matutulog lang ako" nakangiti nyang sabi kaya niyakap ko ulit sya, pero syempre hindi masyadong mahigpit baka masaktan ko sya patayin pa nila ako.

"Sobrang natakot ako, kami, akala namin iiwan mo na kami" wahh napakaiyakin ko huhuhu

"Pfft. Ano ba Michael, nakakabakla ka na ah, higit mo pa ang babaeng magdrama" kumalas ako sa yakap at tinignan sya ng masama

"Mahal kasi kita kaya ako ganito sayo! Ganito ang nagagawa ng pagmamahal" naka cross arms kong sabi, tumawa naman sya at binatukan ako

Namiss ko ito

"Oo na, mahal mo na ako, love you too" napahinto ako na lumingon sa kanya

Mahal nya ako. Hindi ito yung first time na sabihin nya yan pero ito yung time na sobrang saya ng puso ko, lumapit ako sa kanya at

*Gulp* dugdug dugdug dugdug

"Manyak! Bakit mo ako hinalikan!" Wahhh diko napigilan.

Pero first kiss ko yun at oo hinalikan ko sya sa labi, ang lambot hihihihi

"Ahh kasi mahal kita tapos mahal mo rin ako, hihihi tayo na?" Wahhh kenekeleg eke!!!

"Ano ka sinusuwerte? No! Ayaw ko!" Napapout naman ako, wahhh huhuhu

"Bakittt?!" Wahh bakit ayaw nya, akala ko ba love nya ako huhuhu

"Tss, kasi aalis ako" tinignan ko sya ng seryoso, iiwan nya nanaman ako?

"Iiwan mo nanaman ako?" Malungkot kong sabi, nagulat ako ng halikan nya ako sa labi

WAHHH OMG OMG OMG WAHHHH, OMO WAHHHH

"Wag kang sumimangot! Di kita iniwan dati, pero ngayon kailangan" malungkot din sya, tinaas ko naman yung ulo nya hanggang sa pantay na kami

"Babalik ka naman diba?" Kiniss ko yung noo nya, tapos yung pisngi nya, tapos yung tip ng ilong nya, tapos hihihihi yung lips nya ulit

"Ang pervert mo, nakakarami ka na!" Nagblublush sya hihihi

"Sagutin mo yung tanong ko" ngumiti naman sya sa akin at tumango

"Oo siguro pero wag mo na akong hintayin baka matagalan ako" hinawakan ko yung kamay nya, tapos tumabi ako sa tabi nya, I mean nakaupo narin ako sa hospital bed

"Kaya kong maghintay, mahal ko" sagot ko, hiniga ko naman sya, tapos tinabihan. Magkahawak parin ang kamay namin

"Kahit abutin ako ng limang taon?"

"Kahit pa"

"Even AFTER 10 YEARS?!" ngumiti ako sa kanya at humarap

"Kahit abutin pa ako ng isang daang taon hihintayin kita, hindi na ako maghahanap pa, hihintayin kita hanggang sa bumalik ka mahal ko, pangako yan" ngumiti sya sa akin at niyakap ako

"Baka bumalik ka sa pagiging bakla mo?"

Huwatt? Alam nya? Omg!

"Ahh Keith naman, hehe, paano mo nalaman?" Tumawa naman sya ng malakas sabay kurot sa tagiliran ko huhuhu

"Nag eavesdrop ako sa inyo ni Castillo, akala mo ba ganun ako katulog mantika? Pfft hahaha" biglang uminit yung mukha ko, ang dami naming napagusapan ni Ecka na nakakahiya omg talaga huhuhu

"Keith naman eh! Bad ka!" Tumawa nanaman sya at niyakap ako wahhh kenekeleg eke

"Naging hombre ka naman ng dahil sa akin eh wahahaha!" Pfft ang cute nya, hinalikan ko yung noo nya

"Oo, ang lakas kasi ng dating mo sa akin na love at first sight ako" pag amin ko hinawakan nya naman ang pisngi ko at ngumiti

"Ako din naman eh! Hahahaha" nagulat akong tumingin sa kanya huwatt?

"Ganito kasi yan, pagkapasok ko ng room nun. Ikaw yung una kong napansin, grabe ka kasi nakatitig nun, natawa pa nga ako eh, ang cute mo lang kasi, kaya tumabi ako sayo kasi naging interesado ako" wahhh kenekeleg eke

Hihihi wahh talaga omg!

"Tapos kinausap mo ako na humingi ng wanport wahahha, tawang tawa ako nun pero hindi ko pinahalata, binigyan nalang kita ng one whole para makita ang reaksyon mo, hahaha!"

Napalunok ako habang tinitignan sya,

"Then sinundan pa nga kita papunta sa court eh, tapos hinawakan mo yung kamay ko, kinikilig kaya ako nun, diko lang pinapahalata, hanggang sa naging close tayo, alam mo bang ikaw ang sinasabi kong first love ko? Hahaha! Pero eto nanaman kailangan nananam naming umalis dahil sa nangyari kay Cyan hindi naman namin sya napatay pero siguradong may gulong magaganap, kaya sorry Kung iiwan- hmmm"

Diko na napigilan ang sarili ko na halikan sya, matagal dahil alam kong ito na ang huli, aalis sya at matagal bago babalik, hayy

"Masyadong marami na ang nasabi mo mahal ko, matulog na tayo" tumango naman sya at ipinikit ang mga mata nya

Mabuti nalang at malaki itong hospital bed, nakayakap sya sa akin, habang so naman hinahaplos yung buhok nya

"Mahal kita Prinsesa ko" bulong ko sa kanya

"Mahal rin kita Froggy ko pfft" napangiti ako at ipinikit na rin ang mga mata ko

Maghihintay ako kahit pa umabot ng ilang taon, itutuloy natin itong fairytale natin

~~~~~

GUYS HAHAHA MAY EPILOUGE PA AT MAY ANNOUNCEMENT AKO DUN, PLEASE CONTINUE SUPPORTING MY STORIES THANK YOU!

YOU CAN FOLLOW ME ON FACEBOOK MY REAL NAME IS RIZIEL FAITH TAGOC BULAUAN

HAPPY READING :)

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now