FINAL CHAPTER PART 1

871 19 7
                                    

"Any last words Villamil?!" Hindi tumitigil sa pag luha ang mata ko, bumangon naman si Keith at ngumiti,

"Game over" nakangiti nyang sambit at nilingon ako

"Okay" sagot naman ni Cyan, ipinikit ko ang mga mata ko, hindi ko kayang makita ang bagay na to, napasinghap ako ng biglang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril

"Shit!" Napamulat ako ng marinig kong napamura si Cyan, nagulat ako ng dumudugo ang braso nya, paano?

"Bullseye!" Napalingon ako sa taong kapapasok lang,

"Kuya Kevin!" Sigaw ko, ngumiti naman ito at sumaludo sa akin

Naramdaman ko rin ang pagluwang ng tali ko, kaya napalingon ako sa likod ko

"Yow! Miss me?!" Napangiti ako ng makita ko si Alvin Lewis, nandito rin si Jackiel Santos, at si Jacob Chan na tinatanggal ang pagkakatali kay Gian at Ecka

"Hindi ka marunong sumunod sa usapan Villamil! Anong Ibig sabihin nito?!" Nakahawak parin sa braso nya si Cyan

Nakahandusay na ngayon ang mga katuhan nya kaya ngumisi si Keith sa kanya

"I also play dirty Montenegro" dumudugo parin ang noo ni Keith, nakita naman yun ni Kuya Kevin kaya nagsalubong yung kilay nya at tinignan ng masama si Cyan

Hinampas ni Kuya Kevin si Cyan dahilan ng pagtumba nito

"Look what have you done to my baby sister dude! Swerte mo hindi ka dapat mamatay dahil ayaw namin ng gulo sa Mafia nyo!" Sigaw ni Kuya Kevin na nanlilisik ang mata

"Baby sister your face" natatawa namang sabi ni Keith kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit, diko rin maiwasang umiyak dahil sa takot

"Ho-hoy ano ba! Masakit! Nakita mo naman siguro yung pambubugbog sa akin ng mokong eh!" Inis na sabi nya kaya natawa ako at ngumiti sa kanya,

"Sa susunod wag mo akong tinatakot ng ganun bruha ka! Mahal kita kaya diko kayang mabuhay ng wala ka" napangiti sya sa akin at pinunasan ang luha ko na dumaloy sa pisngi ko

"Yown!" -Chan, Santos, Lewis

"Wahh bagay sila" Ecka

"I'm outta here" Gian

Diko maiwasang mapangiti habang tinitignan ang mukha nya, nakatingin sya ng diretso sa akin

"Mahal kita Keith" nakangiti kong sambit, ngumiti ulit sya sa akin,

"Joke ko lang na mahal din kita, pfft" napaatras ako sa sinabi wahh huhuhu

"Grabe ka sakin mahal ko" nakapout ko na sabi kaya natawa sya

Mahal ko sya, kaya kong maghintay ng mahabang panahon para sa kanya, mahal ko sya, mahal na mahal

"Hey, stop pouting, you really look like an ugly duckling" wahhh ang sama sama nya talaga huhuhu

"Hayy nako, tama na nga yang sweetness nyo, let's go home bago pa magising itong pangit na to" napalingon kami kay Kuya Kevin

Hinawakan ko ang kamay ni Keith, napangiti ako ng hawakan nya rin ito pabalik,

"Keith, gusto mo bang buhatin kita? Sa tingin ko kasi sobrang sakit nyang katawan mo eh" umiling naman sya

"Kaya ko na 'to, it's much better this way" nakangiti nyang sambit, tumango naman ako,

"So that I can protect you" kahit nagtataka ay tinignan ko parin sya

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod,

Napaharap ako sa kanya. Pero

-BANG-

Hindi ako makagalaw, hindi pwedeng mangyari to

"Miss Keith!"

"Boss!"

"Lil sis"

"Cyan! Walang hiya ka!"

"Don't kill him guys" napalingon ako sa kanya

Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko, nakatingin lang ako kay Keith habang umiiyak

Walang lumalabas na boses sa bibig ko

Bakit? Bakit ganito ang nangyayari? Ramdam ko ang mainit na likido na dumadaloy sa likod nya,

"Ke-Keith" napalingon sya sa akin, nanginginig ang mga kamay nyang pinunasan ang luha ko

"W-wag kang umi-yak" mas lalo akong napahagulgol, bakit lagi nya nalang ginagawa to?

Bakit nya ako laging pinoprotektahan? Bakit kailangan nya pang tanggapin ang bala na para sa akin? Bakit?

Di ako makagalaw, yakap ko parin sya habang mahigpit na hawak ang tama nya, pinipigilan ang dugo na umaagos mula rito

Nagulat ako ng may biglang kumuha sa kanya sa kamay ko, may bigla ring humila sa akin pero masyado akong lutang

Hindi matanggap ng sistema ko ang mga nangyayari

The next thing I knew ay nasa sasakyan na kami na ang bilis bilis ng takbo

"Ke-Keith" umaagos yung luha ko habang nakatingin sa kanya, hanggang ngayon hawak ko sya, nakayakap ako sa kanya

"Hmm?" Sagot nya kaya napahagulgol ako at niyakap sya ng mahigpit

"Wag kang matutulog! Dito ka lang! Please" sigaw ko habang nakatingin parin sa kanya

"Lil sis narinig mo naman si Mi-Michael diba? Wag kang matutulog, lumaban ka, malapit na tayo sa Ospital!" Sigaw din ni Kuya Kevin na umiiyak na rin habang nagmamaneho

"In-inaantok na a-ko Kuya" narinig ko ang pag hikbi ni Kuya Kevin, pag iyak lang namin ang naririnig

"Ano ba! Wag kang matutulog! At saka wag mo akong tatawagin na Kuya! Maging bastos ka lang!" Hinigpitan ko ang yakap kay Keith, please Keith

"K-Kuya na-natatakot a-ko" mas lalong lumakas ang pag iyak ni Kuya Kevin,

"Wag kang matakot, nandito lang ako, andito lang si Kuya, pati si Michael, basta wag kang matutulog! Please Keith, wag!" Hinawakan ni Keith yung kamay ko, kaya napahagulgol ulit ako

"In-inaantok a-ko, hin-di a-ko ma-kahinga" shit wag naman si Keith, wag si Keith!

"Keith! Please naman wag mo kaming iwan, mahal kita Keith, mahal na mahal, diba sabi m-mo mahal m-mo ako?! Wag kang matutulog mahal ko, papatayin ko ang sarili ko kapag matutulog ka Sige ka! Ke-Keith lumaban ka! Wag mo kaming iwan!" Bakit nangyayari ito sa akin?

"I w-won't, mat-tutulog lang ako, hi-hindi a-ko mang-iiwan, p-panga-ko, gusto ko ng matulog, nahi-hirapan na-ako" hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya

"Don't promise, gawin mo Ke-Keith okay? Wag mo kaming iiwan mahal kita Keith, please"

"M-mahal ri-rin k-kita" umiyak ako na napalingon sa kanya

"W-wag m-mo a-kong iwan"

Tumango naman sya at ipikit ang kanyang mga mata, naramdaman ko rin ang pagluwang ng pagkakahawak nya sa akin

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now