CHAPTER 49

896 16 2
                                    

" Just kill me and please let them go, that's my choice" parang nadudurog ang puso ko habang nakatingin kay Froggy,

Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko at tanging pag iyak lang ang nagagawa ko

Bakit kailangan pang humantong sa ganito, bakit kailangan pang isakripisyo ng prinsesa ko ang buhay nya para sa akin? Sa amin?

Mahal nya rin ako at yun ang masakit dun, dahil mahal ko sya pero wala manlang akong magawa

Parang biglang tumigil ang oras ng makita kong itinutok sa kanya ni Cyan ang baril, gusto kong sumigaw, gusto kong makawala sa pagkakatali pero hindi ko magawa

Wala akong kwenta shit naman, ganito ba ako kahina na tanging pag iyak lang ang nagagawa ko?

"Saan banda ang gusto mo Villamil? Sa ulo o sa dibdib?"

"Please wag, maawa ka Cyan, wag naman" pagmamakaawa ko pero tumawa lang sya, nilingon nya ako at pumalakpak

"Parang may mangyayaring hindi maganda ahh, makikita ng lalakeng ito ang katapusan ng babaeng mahal nya, how romantic"

Hindi ko kakayanin kung makita ko to, sana panaginip lang ang lahat

"Patayin mo na ako, barilin mo na ako, sige na mas gusto ko sa ulo Montenegro" nakangisi parin si Keith, bakit hindi natatakot ang mahal ko?! Bakit parang hindi sya takot mamatay?! Hindi namin to deserve

"Oh so you want the easiest way to die huh? Sorry pero mas gusto ko ang slowly but surely, mas gusto kong mahirapan ang isang halimaw na tulad mo"

Gusto kong makawala sa pagkakatali sa akin gusto ko syang protektahan, kahit ngayon lang ako naman

Nagulat ako ng biglang hinampas ni Cyan si Keith ng baril, shit

"Babae parin sya for goodness sake! Please lang ako nalang!nagmamakaawa ako" pagmamakaawa nalang ang tanging nagagawa ko pero parang hindi nila ako naririnig

Nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa noo ni Keith pero pinunasan nya lang ito na para bang hindi sya nasaktan

"Pakawalan mo na silang hayop ka! Hindi ako manlalaban wag mo lang itong ipakita sa kanila!" Galit na sigaw ni Keith pero tumawa lang si Cyan na tumingin sa kanya

"Papakawalan ko sila Villamil, pero yun ay kapag nakita na nila kung paano bumagsak ang isang tulad mo" napaluha ako ng kinuha ni Cyan ang baseball bat na iniabot sa kanya ng isang lalake at hinampas ulit ito sa braso ni Keith

"PLEASE MAAWA KA! BABAE PARIN SYA, WAG NYO SYANG SASAKTAN, AKO NALANG!" bakit ang hina ko?! Bakit hindi ko manlang sya maprotektahan? Bakit ang sakit na makita syang ganyan? Bakit ng dahil lang sa amin kaya nyang itaya kahit ang buhay nya?

"Look Mendez, look at this monster protecting you, hindi ko alam na kayo lang pala ang susi para magawa ko ito" napasigaw ako ng hinampas ulit nya si Keith kaya napaupo sya,

Napakagat sya sa labi, alam kong tinitiis nya lahat ng sakit,

Ang hirap na makita syang ganito sobrang sakit

"Ano hah Villamil?! Masakit ba? Kung ako nalang sana ang pinili mo mas magiging madali para sayo, mag jo-join forces lang naman eh, ganun ba kahirap yun?" Ngumisi si Keith kay Cyan

"Mas gugustihin ko pang mamatay kaysa makasama ang isang tulad mo" kumunot ang noo ni Cyan

Napapikit ako ng bigla nyang sinikmuraan si Keith at napaubo ito ng dugo shit naman

"PLEASE CYAN TAMA NA! AKO NALANG!" sigaw ko ulit pero parang wala silang naririnig

Nilingon ko si Keith na pinunasan lang yung dugo sa may bibig nya, bakit kailangan pang mangyari ito

"Kahit babae ka Villamil, isa ka paring halimaw na hindi dapat binubuhay" napasigaw ulit ako ng sinipa ni Cyan si Keith, bakit wala manlang akong magawa?! Bakit hindi sya lumaban! Bakit ganito?!

Ngumisi ulit si Keith at tumayo na parang walang nangyari at tinitignan sa mata si Cyan

"One thing is for sure, takot ka sa akin, kaya hindi mo kayang labanan ako ng wala kang alas laban sa akin, how pathetic Montenegro, how dirty" sumilay sa mata ni Cyan ang galit lumapit sya kay Keith at sinakal ito

Bakit wala akong magawa?!

"Oo Villamil, tama ka, I used dirty works, masyado kang malakas eh so ano pa bang magagawa ko? I have to used your weakness para matalo ka! Ano masakit ba?! Hindi ka ba makahinga?! Ano-"

"K-KEITH! PLEASE CYAN BITAWAN MO SYA, NAGMAMAKAAWA AKO, KAHIT BILANG KAPATID LANG, PAGBIGYAN MO AKO" napalingon ako sa taong kapapasok lang, binitawan naman ni Cyan si Keith at bigla itong tumawa ng malakas

Nandito si Gian, halatang pagod dahil sa pawis sa noo nya at hinihingal pa

"Natanggal mo na pala ang pagkakatali ko sayong traydor ka? At Isa ka pa Gian, bakit mo ako tinraydor? Bakit mas pinili mo pa ang babaeng pumatay sa Daddy natin? Bakit ka nahulog sa kaaway?!" Galit na sigaw ni Cyan kay Gian, napaluhod naman si Gian, nagmamakaawa

Nilingon ko si Keith na hinahabol ang hininga nya, nakatingin sya sa akin, kung pwede lang na lapitan nya ako, na lapitan ko rin sya pero may nakatutok na baril sa akin, na kung gagawa man sya ng hakbang siguradong masasaktan ako, at yun ang iniisip nya

"Itali nyo rin yang lalakeng yan, walang kwenta!" Napalingon ako sa dalawang magkapatid

"Kuya, please wag si Keith, please naman, Kuya kalimutan na natin ang nangyari, may kasalanan din ang Daddy kaya nya nagawa yun" umiiyak na rin si Gian pero hindi sya pinansin ni Cyan at lumapit ulit kay Keith

"Lahat tinalikuran ako ng dahil sayo. Ano bang meron sa demonyong tulad mo? Isa kang halimaw pero bakit ang daming nagmamahal sayo!"

"Please Tama na!" Sigaw ko pero tinadyakan parin ni Cyan si Keith sa sikmura, napaluha nalang ako ng makitang umubo ulit sya ng dugo at naghahabol ng hininga

Napatumba sya kaya parang bigla akong nanghina, hindi ko na kaya, hindi ko na kaya pang makitang nahihirapan sya tama na

Parang biglang tumigil ang mundo ko ng tinutukan ni Cyan si Keith ng baril

"Any last words Villamil?!" Hindi tumitigil sa pag luha ang mata ko, bumangon naman si Keith ng dahan dahan at ngumiti,

"Game over" nakangiti nyang sambit at nilingon ako

"Okay" sagot naman ni Cyan, ipinikit ko ang mga mata ko, hindi ko kayang makita ang bagay na to, napasinghap ako ng biglang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now