FINAL CHAPTER PART 2

800 18 2
                                    

Halos di ako makapagsalita habang naghihintay sa labas ng operating room, lahat kami nandito,

Sariwa parin sa kamay ko ang dugo mula kay Keith, napaluha ako

Ano ba akong klaseng tao? Bakit di ko manlang naramdaman na gagawin yun ni Cyan? Bakit ang tanga ko? Bakit kailangan pang may nagsakripisyo? Bakit yung taong mahal ko pa?

Pinunasan ko yung tumulo na luha sa pisngi ko

Kung magpakamatay nalang kaya ako? Hindi rin naman makakaya ng konsensya ko na mabuhay?

Tinignan ko si Kuya Kevin na sobrang aligaga,

Pagmumura lang ang maririnig mo sa kanya, napatingin ako sa baril na nasa likod ng pantalon nya

Paano kaya kung tapusin ko na ang buhay ko ngayon?

Huminga ako ng malalim at kinuha yung baril kay Kuya

"SHIT!"

"Mendez, wag mong gawin yan!"

"MJ! Please bitawan mo yan!"

"Jericho, hindi matutuwa si Keith, bitawan mo yan!"

Naramdaman ko nalang ang malakas na pagkakasalampak ko sa lupa, ramdam ko rin ang pagtulo ang dugo ko sa may labi ko, ang sakit, ano bang problema ni Kuya Kevin at bigla nya akong sinuntok

"Gusto mong pagpakamatay?! Sige gawin mo! Lumalaban ang kapatid ko para sayo pero ano tong ginawa mo! Alam kong iniisip mong kasalanan mo pero hindi! Pinili yun ng kapatid ko para iligtas ka tapos gusto mong tapusin ang buhay mo na sobra nyang pinrotektahan? Nagsakripisyo sya para sa buhay ma yan! At patuloy na lumalaban para din sa-sayo! Ganun ka nalang ba kababaw? She cares for you! Dahil mahal ka nya mas pinili nyang protektahan ka, mas pinili nyang ialay ang buhay nya para sayo!"

Napahinto ako na para bang binatukan ng sobrang lakas, nabitawan ko ang baril na hawak ko, wala akong nagawa kundi ang maghumpasay sa sahig habang humahagulgol

"KEITH!" Sigaw ko habang umiiyak, hindi ko kaya, hindi ko mailabas ang emosyon ko.

Pinagsusuntok ko ang semento pero wala akong maramdaman kundi sakit hindi galing sa kamay ko kundi galing sa puso ko

Bakit nangyayari ito? Bakit hindi ko narealized ang mga bagay na yun?

Hindi si Keith ang manhid kundi ako, sobrang hina ko

Napalingon ako sa Operating room ng lumabas ang isang doctor dito, nagsilapitan kaming lahat

"Doc, Kuya nya po ako, ano bang lagay ng kapatid ko?" Sobrang kabado ako na tumingin sa doctor

"Naalis na namin ang bala, pero tumama ito sa vital organ nya kaya medyo pahirapan, she also has a fracture on her left hand, maraming nawala sa kanya na dugo"

"Pero doc, ano bang kalagayan nya ngayon?"

"Hindi ko pa masasabi, yes, the operation was successfully made, pero hindi pa siguradong magigising sya, let's just wait, if you'd excuse me, kailangan naming ilagay ang pasyente sa ICU"

"Malakas si Boss, alam kong kaya nyang malampasan ang problema na ito" napalingon ako kay Santos na nakangiti sa akin

"Tama, kaya wag ka ng mag alala boss Kevin, at Mendez, she's going to be alright" tinapik ng lahat ang braso namin ni Kuya Kevin

Nakahinga ako ng maluwag, alam kong hindi nya kaming kayang iwan,

Malakas si Keith, at nangako din sya

~~~~

"Froggy, ilang araw ka ng tulog dyan magising ka na" apat na araw na din ang lumipas matapos ang pangyayari na yun

Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Keith, pero alam naming gigising sya, malakas ang kutob ko na bubuksan nya muli ang mga mata nya

Babatukan nya ako, susungitan,

Lagi akong nandito sa Ospital, may inaayos kasi sila Kuya Kevin, tapos kailangan ding pumasok ni Ecka at Gian

"Hayy mahal ko, alam mo bang laging umiiyak si Kuya Kevin mo? Mahal na mahal ka talaga ng Kuya mo na yun" para akong tanga na kinakausap sya, parang naririnig nya naman ako

Pinunasan ko ang tumulo na luha sa pisngi ko

"Pati si Mickei, yung anak este pusa natin, kailangan nya na ng Mimi, yung mga pangit mo na tauhan hindi na sila maloko, miss na miss ka na nila mahal ko, buksan mo na ang mga mata mo" hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya at hinalikan yun

"Si Ecka laging umiiyak, si Gian di ko alam kung bakla yun, kasi iyak din ng iyak, hayy nako tignan mo mahal ko, ang daming nagmamahal sayo kaya gumising ka na dyan, hindi maganda ang tulog ng tulog" napakagat ako sa labi,

"Miss na miss na kita mahal ko, miss ko na ang pagmamaldita mo, pagsasadista mo sa akin, lahat lahat, kaya naman please gumising ka na, ang sakit sakit na eh, gusto na kitang nakausap ulit, gusto kong makita ang mga ngiting yun, yung mga tawang napakapuro na para bang musika sa panrinig" napayuko ako, bakit ba sya pa?

"Mahal ko, please naman oh, gising na, laging kulang ang mundo ko kapag wala ka, gi-"

"A-ano ba, pwede bang pagpahingain mo muna ako? Ang ingay ingay mo tsss" napalingon ako kay Keith, nakasimangot sya na nakatingin sa akin,

Nananaginip ba ako? Omg!

"Keith!"

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now