CHAPTER 13

969 26 1
                                    


"San ka ba pupunta?" Tanong ko kay Froggy, hindi pa naman kasi uwian eh aalis na, kaya eto ako ngayon hawak ang kanyang braso habang pinipigilan syang umalis

"Let go of me, Mendez" malamig nyang tugon sa akin, oh noes what happen to my Froggy? Huhuhu she's scaring me

"Saan ka ba kasi pupunta? Hindi pa tapos ang klase aalis ka na" please Froggy ayaw kong mapahamak ka, ayaw kong may gawin sayo ang kambal na hombre na mukhang shokoy na mga yun, huhuhu

Ayaw kong majombag ng Kuya mo at ng mga bodyguards mo

"Tss. Let go of me, I'm warning you Mendez, you won't like it" napabitaw ako sa kanya, ayaw ko rin namang magaya kay Cyan na bulag ang isang mata, at kay Gian na may bali ang kamay, sayang ang beauty ko mga bes!

Pinanood ko lang sya na palayo sa akin, habang paghakbang nya ay parang nasasaktan ako, huhuhu ang OA ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito, kung bakit diko kayang wala sa tabi ko ang Froggy ko.

Bakit ba kasi ang OA ko, she can protect herself naman, mas malakas pa nga ata sya sa akin eh pero babae parin sya! Pero keri nya na siguro ang sarili nya. Hindi ba?

Pumasok nalang ulit ako sa classroom, huhuhu bakit ba feel ko ang empty ko, tinignan ko nalang ang blankong upuan sa tabi ko, huhuhu bakit parang ang lungkot ko?

"Nasaan ang Froggy mo?" Napalingon ako kay Ecka at umiling. Diko naman talaga alam kung nasaan sya eh.

"Alam mo MJ, feel ko nafafall ka na kay Keith" what? Ako nafafall na kay Keith? Akiz? No no!

"Halla si Besy, wit! No Waz ako gusto kay Froggy!" Sagot ko pero habang sinasabi ko yun malakas ang dugdug ng heart ko, omg what's happening?

"Pfft okay sabi mo eh! Pfft hahaha!" Diko nalang pinansin ang bruha sa tabi ko, kung makatawa parang sinasapian ng masamang espirito.

Me? Isang prinsesa? Magkakagusto sa isang Froggy? No! Hindi pwede

"Ay by the way MJ, sa tingin mo seryoso si Gian kay Keith, kanina kasi iba yung tingin nya eh, parang may spark" huwat? Spark?! Wit wit! Di pwede mangyari to!

"Anong spark? Ang pangit kaya ni Gian Carlo! Eww mukha syang shokoy hindi sila bagay ewww!" Sagot ko, bakit pakiramdam ko naiinis ako? Huhuhu tapos tumawa nanaman ng malakas so Ecka, ilang espirito na kaya ang sumanib dito?

At vakit gusto kong jombagin si Gian now na? Pero impossible naman na magkagusto si Gian kay Froggy, magkaaway sila diba? Sworn enemy sila diba?

Pero what if totoo? Huhuhu I cannot wit wit pwede

Akin lang ang Froggy ko, akin lang ang girlaloo na yun, kailangan ko syang bantayan, dapat hindi makalapit ang hombre na yun sa Froggy ko, di ako papayag!

"MJ, san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Ecka nung mapansin nyang inaayos ko na ang things ko, at siguro nakita nya ako na medyo seryoso.

"Hahanapin ko ang Froggy ko, aba! Hindi pwedeng hindi kasama ng prinsesa ang kanyang Froggy no! At saka wit wit ako papayag na magkita sila ng shokoy na hombre na yun! I cannot!" Sagot ko sabay ang pagtayo, huhuhu nagiging bad girl na ako, nasasanay na akong nag di-ditch ng class

"Aja! MJ! Fighting kaya mo yan! Go find your Froggy pfft hahaha" sinamaan ko ng tingin ang bruhang to! Kung makapag pigil ng tawa para namang nagbibiro ako

Mahanap ko lang talaga ang Froggy ko tapos magkasama sila ni Gian, kukurutin ko talaga sya sa kanyang singit! Tapos jojombagin ko ang Gian na yun!

Akin lang ang Froggy ko! Froggy is mine!

~~~~~

(Few Hours Later)

Ilang oras na ako sa harap ng bahay ni Froggy, pero wala pa sya, huhuhu where is that girlaloo ba? Wala din daw sya sa mansion nya pumunta ako dun kanina.

Omo di kaya nagtanan na sila ni Gian? Or binaril sya ni Gian? Huhuhu bakit ba kasi iba ang seksyon ng Gian na yun eh! Edi sana nababantayan ko rin ang kilos nya huhuhu

Nagulat nalang ako ng may pumatak na tubig sa braso ko, Omo uulan pa ata huhuhu,

May payong kaya si Froggy? Paano kung mabasa sya ng ulan?

Nagpayong ako ng bumuhos ang malakas na ulan, mag gagabi na hindi parin sya nakakauwi, saan kaya nag susuot ang girlaloo na yun? Kumain na kaya sya?

Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Froggy, omo basang basa sya, tapos halatang giniginaw kasi yakap nya ang sarili nya huhuhu

Bakit kasi wala syang payong eh!

"Keith! Ano ba? Bakit basang basa ka?! Bakit kauuwi mo lang? San ka ba nag susuot ah! Alam mo ba na nag aalala ako hah!" Diko napigilan ang inis ko, sino ba naman kasi ang matutuwa!

Ilang oras akong naghintay, tapos makikita ko na basang basa sya ng ulan? Na giniginaw? Sinong hindi mag aalala! Lumapit ako sa kanya at pinayungan din sya, tinignan nya ako ng masama kaya napalunok ako.

"Shut up! I don't need you so back off! Stay away from my sight Mendez!" Omo! Bakit nagagalit si Froggy sa akin? Concern lang naman ako eh

"Bakit ba kasi late ka ng umuwi! Bakit ngayon ka lang! Hindi mo ba alam na sobrang nag alala ako sayo ah! Bakit basang basa ka? Paano kung magkasakit ka?!" Pabalik ko din na sigaw, diko alam kung bakit galit ako, kung bakit naiinis ako

"Umuwi ka na! Hindi kita kailangan! Kaya ko ang sarili ko! Kaya umalis ka na bago pa ako magalit ng tuluyan sayo! ALIS!" napaatras ako, ngayon lang ako sinigawan ni Froggy ng ganito, wala manlang English sa sinabi nya, tagalog lahat

Galit sya? Pero bakit? Bakit ang sakit? Bakit ako nasasaktan? Bakit bigla nalang ganito ang trato nya sa akin? May nagawa ba akong mali?

Tumango nalang ako at tumungo at dahan dahan na lumayo sa kanya

Bakit ang sakit? Huhuhu bakit parang naiiyak ako? Bakit ang sakit na makitang galit sya sa akin? Ano ba kasing nagawa ko?

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon