Part 1

14.2K 197 9
                                    


Hi, guys, may bagong release po ako na book. Itong OF LOVE... AND MIRACLES. Kare-release lang kahapon. Available sa mga leading book stores. Sana ay makakuha kayo ng kopya. Maraming salamat! Ilalagay ko ang ilang chapters dito sa wattpad para may preview kayo sa story. I really hope that you can grab a copy. Much love! 





Of Love... And, Miracles

By: Aya Myers

CHAPTER 1

"DIYOS KO po, Diyos ko po!" puno ng takot na usal ng driver ng taxing sinasakyan ni Johna.

Mula sa pagtanaw sa pinanggalingan, itinuon ni Johna ang atensiyon sa harapan. Nanlaki ang mga mata niya sa takot dahil sa nakita. Bumuka rin ang labi niya. But she was too shock to utter a word. May isang malaking truck ng cement mixer na nasa kabilang linya ang biglang nag-counter flow at humapay.

Oh, my God. Oh, my God... tanging nasambit niya sa isipan.

Dala na rin siguro ng shock, hindi naiiwas ng driver ang sasakyan. Dadag-an sa taxi ang dambuhalang cement mixer.

Nanginig at nanlamig ang katawan ni Johna sa sobrang takot. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang boses na lumabas doon. Naipikit na lang ni Johna ang mga mata habang nagsusumiksik sa kabilang dulo ng backseat. Hinagilap ng nanginginig na palad niya ang door handle at sinubukan niyang buksan ang pinto pero hindi niya mabuksan. Hindi siya sigurado kung naka-lock iyon o hindi lang niya mabuksan dahil sa panginginig ng kamay.

N-no, please, God. Please iligtas N'yo po ako, para sa anak ko. P-para sa anak ko...

Then something hard from above hit her head. Bumuka ang mga labi niya at lumabas ang singhap. Her eyes grew big, tumutulo doon ang mga butyl ng luha. Hindi siya makahinga. The pain was blinding. Dumag-an na ang cement mixer na ikinayupi ng bubong ng taxi. It was crushing her too.

N-no, oh, no. Lia, a-anak... N-nanay... P-Prince...

Johna was taking sharp breaths. Ramdam niya ang pag-agos ng dugo mula sa ulo pababa sa mukha niya. Dumidilim ang paligid. Napakahirap huminga. Para na siyang mapipisa sa bigat na dumadaan sa kanya. Something sharp hit her body. Bakal yata na tumusok sa kanya. Bigla siyang inantok. Hindi niya mapaglabanan ang antok. Hindi niya mapigilan ang pagbaba ng talukap ng kanyang mga mata. Ramdam niya ang pag-akyat ng mga pulso niya. Pagkatapos ay parang lumulutang ang katawan niya.

Katapusan na ba niya? Ito na ba ang oras niya?

Funny, funny gayong si Prince ang nagpaalam sa kanya. Tinawagan siya nito habang nag-aagaw buhay;

"A-ayokong m-mag-alala ka... p-pero k-kung hindi kita kakausapin n-ngayon, baka... baka hindi na kita m-makausap k-kahit kailan... I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time..." sabi nito sa nakakapangilabot na boses. She felt so scared, hysterical, and helpless then. Paano ba kakausapin ang mahal mo gayong nag-aagaw buhay ito.

"I... w-want to tell you h-how— how much I love you."

Ah, she could only cry then. "L-love...?" umiiyak na tawag Johna. Para na siyang masisiraan ng ulo. "P—please hold on. P-please don't talk anymore, b-baka lalong makasama sa 'yo," nagpapakatatag na wika niya. "P-papunta na ako diyan. P—pupuntahan kita. P-please fight. Pleaseeee!"

"W-will you hate me i-if i... c-can't m-make it?"

"Y-yes!" pag-iyak niya, nanginginig ang buong katawan niya dahil sa takot. "I—if you love me, you'll make it," pilit nagpapakatatag na sagot niya. Ah! Parang puputok ang dibdib ni Johna dahil sa takot na naroon. She couldn't breath. "I l-l-love y-you," garalgal ang tinig na sabi niya. "I love you so much, Prince. I love you, a-as deep as the deepest sea. I love you with all my heart."

Patuloy na pumipikit ang mga mata ni Johna. Patuloy na hinihila ang kamalayan niya. Pakiramdam niya ay naririnig na niya ang tunog ng pitada ng kamay ng oras. Na para bang sinasabi sa kanya na oras na niya.

Sinikap salatin ni Johna ng daliri niya ang suot na wedding singsing. Bahagyang napangiti siya ng masalat iyon. Paulit-ulit niyang sinabi sa asawa na kung mahal siya nito ay lalaban ito. Lalabanan nito ang kamatayan. And maybe he was doing that--- fighting for his life for her. Because he was still breathing. His heart was still beating...

"K-kung oras ko na po..." ani Johna. Hindi siya sigurado kung nabigyan niya ng boses o kung sinasabi lang niya sa isip. "K-kung kukunin N'yo na ako, at least... at least save Prince. Iligtas N'yo po ang asawa ko. Hindi p'wedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please...

Of Love... And Miracles (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora