Part 39

1.4K 63 0
                                    

BOSS. Tinawag si Prince ng kanyang asawa na "boss." He would love it if she called him "love" instead.

Ganoon pa man, hindi pa rin matatawaran ang sayang nararamdaman ni Prince dahil sa wakas ay kanya na si Johna. Asawa na talaga niya si Johna. Minsan, hindi pa rin siya makapaniwalang ganoon na siya kalapit sa babaeng itinitibok ng puso.

To his utter surprise, Johna had been very welcoming. Hindi nito ipinaparamdam na nakasal lang sila dahil sa kanyang hiling. Hindi kailanman umiwas sa kanya ang babae. Para bang nagpakasal ito dahil gusto rin talaga. Well, noong unang gabi ay may kaunting ilangan. Hindi naman na siguro iyon mawawala sa mga bagong kasal. But after that, his wife had been so receptive and welcoming to his touches... to his kisses. Hindi ito malamig at hindi mukhang napipilitan lang. Anumang oras ay nahahawakan niya si Johna, nayayakap, at nahahalikan. And, oh dear, she slept in his arms. Sa tuwina ay parang puputok ang puso niya dahil sa pagmamahal dito.

Noong una, iniisip ni Prince na kaya ganoon si Johna ay dahil tinutupad lang ng asawa ang pangako na susubukan din nitong i-work out ang pagsasamang iyon. But then, paano niya ipaliliwanag ang emosyong nababasa sa mga mata ni Johna kapag tumitingin sa kanya? It was like she loved him, too. Nag-iilusyon lang ba siya? Iyon ba ang nakikita niya dahil iyon ang gusto niyang makita? Paano niya ipaliliwanag ang mainit na pagtugon ng asawa sa kanyang mga halik? Halik na lumalalim at nagpapainit sa mga katawan nila?

Marami na ring dumaang babae sa buhay ni Prince bago siya umuwi sa Pilipinas. He had more than his fair share of women. He could tell if a woman he was holding was either ready or eager to warm his bed. Ang asawa niya, he could make her burn for him. He would just touch and kiss her and her body will sing in need. Had he dared, noong unang gabi pa lang ay nakuha na sana niya ito. Naangkin. Nasamba. Pero pinigilan ni Prince ang sarili, at patuloy na pinipigilan dahil gusto niyang makuha nang buong-buo ang tiwala nito. Kalabisan man, pero gusto niya na ang isipin ni Johna kapag may namagitan na sa kanila ay "they're making love" at hindi "having sex." He wanted their physical union to happen because of love. Mutual love.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon