Part 37

1.4K 62 0
                                    

TAMA si Prince, halos wala pa ngang gamit ang bahay. Pero may kama na sa master's bedroom! At sa panggigilalas ni Johna, may bag doon na puro maninipis na nightgown ang laman. Galing daw kay Princess.

And now she was in the bathroom para maglinis ng katawan at maghanda sa pagtulog. Ninenerbiyos siya sa totoo lang. Who wouldn't? It was their first night as husband and wife. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Napapitlag pa si Johna sa katok sa pinto.

"Love? You okay?"

Marahan muna siyang tumikhim bago sumagot. "O-oo. Lalabas na." Kaya lang... napangiwi si Johna sa kanyang ayos. Parang hindi niya keri ang nightgown na suot dahil pakiramdam niya ay kita na ang kanyang kaluluwa. At wala siyang mapili na medyo disente. Puro revealing lahat ng nasa bag.

"Open the door," mayamaya ay narinig niyang sabi ni Prince.

Kagat-labing binuksan niya ang pinto.

"Here." Sumuot ang kamay nitong may hawak na... T-shirt and shorts.

"A-ano 'to?" nagtatakang tanong niya.

"You're not comfortable wearing a nighties, are you? 'Yan na lang muna ang isuot mo. Bukas natin kukunin ang mga damit mo."

Napangiti si Johna. "Thanks." Nagbihis siya. What's the point, Johna? Huhubarin din naman 'yan ni Prince sa katawan mo, sabi ng pilyang bahagi ng kanyang isip. Nakagat niya ang labi. Oo nga naman.

Ilang beses na bumuga ng hangin si Johna bago lumabas ng banyo. Naabutan niyang nakaupo si Prince sa gilid ng kama. Tumayo ito nang makita siya.

Nakataas ang isang sulok ng labing pinadaanan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "I don't know what's hornier: seeing you wearing some flimsy nighties or seeing you wearing my clothes," tukso nito, pilyo ang kislap ng mga mata.

"Prince!" saway niyang nag-iinit ang mga tainga.

He laughed. He was wearing shorts and a sando. Tuluyan siyang nilapitan ng asawa at kinuha ang kanyang mga kamay. He planted a kiss at the back of hands while looking straight at her eyes. She almost held her breath. "Do you trust me?" tanong nito.

"O-oo. Oo naman."

"Then come..." Hinila siya ni Prince palapit sa kama. That inviting bed that full of rose petals. Napaka-romantic ng kuwartong iyon, sa totoo lang. May wine at grapes pa sa bedside table.

Hindi naman tumutol si Johna. Iyon nga lang, habang lumalapit sa kama ay parang mawawala na sa kinalalagyan ang kanyang puso.

Sumampa siya sa kama at humiga. Nanlalamig na ang mga palad niya dahil sa antisipasyon.

"Inaantok ka na ba?"

Siya, inaantok? Hindi, hindi siya inaantok. Paano siya aantukin kung buhay na buhay ang bawat himaymay ng kanyang katawan dahil sa antisipasyon sa mangyayari? "Hindi pa naman."

Sumampa na rin si Prince. Pero sa halip na humiga, isinandal nito ang likod sa mga unan na nakasalansan sa headboard ng kama. "Want to watch a movie?"

Manonood sila ng pelikula at hindi... Ah, baka pinare-relax lang siya ng asawa. "Sige." Bumangon si Johna at ginaya ang posisyon nito. Kinuha ni Prince ang remote controls at pinagpipindot iyon. Namangha pa siya dahil high-tech ang pagkalaki-laking TV.

"Ano'ng gusto mong panoorin? Romantic film? Horror? Sci-Fi? Thriller?" tanong ni Prince habang bina-browse ang mga pelikula. "Or... porn?" nakangising dagdag nito.

Nahampas ni Johna ang braso ng asawa. Napakapilyo talaga. Tawa naman nang tawa si Prince.

"'Yan," sabi niya nang mabasa ang pelikulang gusto niyang panoorin dati pero wala siyang oras, hanggang sa malimutan na. Science-Fiction iyon. "'Yan na lang."

"All right." Pinindot nito ang Play para panoorin ang nasabing pelikula.

Magkatabi sila pero may distansiya pa rin sa mga tagiliran nila. Mayamaya, umangat ang isang kamay ni Prince. Patay-malisya lang si Johna. Dahan-dahang nag-landing ang kamay ng asawa sa kanyang balikat para akbayan siya. Nagpatay-malisya pa rin siya. And then he lightly drew her closer. Napasulyap na siya kay Prince.

"Relax..." he said, grinning. Hanggang sa tuluyang mapasandal na siya sa dibdib nito. Inabot ni Prince ang comforter at kinumutan ang kalahati ng mga katawan nila.

Sa ilalim ng comforter, hinagilap ni Prince ang kanyang kamay. He entwined their fingers. Surprisingly, komportable si Johna sa posisyong iyon. Nare-relax siya. In fact, parang gusto pa nga niyang mas sumiksik sa asawa at iyakap ang isang braso sa katawan nito. Masarap sa pakiramdam ang init ng katawan ni Prince. Siguro kaya niya naa-appreciate ang init ay dahil hindi siya sanay sa lamig ng aircon. Pero hindi, eh. She really liked it. She liked to be near him; to be this close to him. Oh, of course, paanong hindi niya magugustuhan ang sitwasyong iyon gayong mahal niya ang lalaking ito?

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now