Part 35

1.5K 65 2
                                    

NAKANGITING dinama ni Johna ang kanyang mga labi habang inihahatid ng tanaw ang palayong sasakyan ni Prince. Her lips felt slightly swollen because of the hot kiss they just shared. And no, hindi iyon dahil ninakawan siya nito ng halik at natangay lang siya. Dinampian nito ng halik ang gilid ng kanyang bibig nang magpaalam pagkatapos siyang maihatid sa harap ng university. But she unknowingly parted her lips, as if she wanted a kiss. Sandaling nakiramdam si Prince. Sinalubong ni Johna ang binata nang magtangkang angkinin na nang tuluyan ang kanyang mga labi. Hindi niya alam na nakaka-addict pala ang halik ni Prince dahil... oh well, if truth be told, parang hindi na siya makapaghintay na mahalikan uli nito.

"So, siya ang may koneksiyon kay Randall Clark at sa mga kaibigan nito..." sabi ng boses na nagpagulat kay Johna.

It was Vaughn. Nang lumingon si Johna, nakita niya ang dating boyfriend na nakasandal sa isang pader ng university. Nilapitan siya nito. Kapansin-pansin ang sugat sa may ilong at labi dahil bahagyang namamaga iyon. Dahil iyon sa suntok ni Prince.

"Hindi lang 'yon koneksiyon. He's a family to them. Hindi mo 'yon inakala, ano?" sarkastiko niyang sagot. "Oh. Hindi ba pinaimbestigahan mo kami? Nakaligtas ba sa inupahan mong PI ang katotohanang hindi basta-bastang tao si Prince? At saka, nasabi ko na rin ba na ang lalaking 'yon ang tumatayong ama ni Lia? He loves Lia and Lia loves him. Kaya sorry to disappoint you dahil hindi naghahanap ng kalinga ng isang ama si Lia dahil nakukuha na niya iyon kay Prince. Sorry, pero hindi mo kami makakanti ni Lia. Hindi mo siya makukuha sa akin. Sorry, because I'm not really sorry," matapang na sabi ni Johna. Nagtaas siya ng noo. "Magtangka ka at siguradong pupulutin kayo sa kangkungan. Alam mo naman siguro na hindi nagbibitaw ng salita sina Arthur Frandz de Luna at Miro Lagdameo na hindi nila kayang gawin. Hurt us and I promise you, you will pay dearly."

Tama siya ng hinala na hindi lang ang negosyo ang hawak nina Miro laban sa mga Asuncion. Apparently, may hawak na mahalagang impormasyon ang mga ito laban sa ama at lolo ni Vaughn. Impormasyon na puwedeng magdulot ng malaking kahihiyan sa mga Asuncion. The gang was able to dig the nastiest dirt in the Asuncion's background. At hindi puwedeng kumalat ang duming iyon dahil mukhang nagbabalak na pumasok sa politics ang lolo ni Vaughn. Sabi nga ni Attorney Milo, hindi ito pumapasok sa isang laban na hindi ito handa at hindi armado ng mga ebidensiya.

Tumiim ang mga labi ni Vaughn at kumislap ang galit sa mga mata. Sa puntong iyon, alam ni Johna na wala na itong magagawa laban sa kanya. Maaaring pader din ito, pero hindi basta-bastang pader ang babanggain nito kung sakali. It was a losing game for him.

Agad din namang inayos ni Vaughn ang sarili. "C-can we talk?"

"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" nakataas ang kilay na tanong ni Johna. "Oh, wait, may gusto akong itanong. Bakit bigla-bigla, magpapakita ka at sasabihing gusto mong kunin si Lia? May asawa ka na, hindi ba? Why don't you impregnate her? Una ko nang sinabi sa 'yo na kung gusto mong akuin ang responsibilidad kay Lia, okay lang sa akin. Magpakilala ka, suportahan mo siya... that's fine with me. Karapatan 'yon ni Lia. Pero bakit gusto mo siyang kunin?"

Nag-iwas ng tingin si Vaughn. Lumunok ito, parang hindi alam ang sasabihin. "Para sa 'yo, puwede kong hiwalayan ang asawa ko, Johna."

Nagulat siya. "Ano? Ano ang sinasabi mo?"

"B-buuin natin ang pamilya natin. Ikaw, ako, at ang anak natin. Maging isang pamilya tayo. Pakakasalan kita," pangungumbinsi ni Vaughn. Tinangka siya nitong hawakan pero umiwas siya.

Hindi makapaniwala si Johna sa narinig. Nagpanting ang mga tainga niya sa galit. Hindi nito makukuha si Lia kaya isang buong pamilya ang ipinang-aakit nito sa kanya?

"I... I understand na hindi mo kayang malayo sa anak natin kaya... kaya hindi na kita ilalayo sa kanya. T-tayong tatlo ang magsama. Maging pamilya tayo, Johna. I can marry you. Isn't that great? Mabubuo ang pamilya natin. Kailangan lang nating maghintay ng kaunting panahon habang ipinaa-annul ko ang kasal namin. I promise you the annulment process will be fast. Tutulungan ako ni Lolo," hindi magkandatutong paliwanag ni Vaughn.

Napailing si Johna. She couldn't believe the nerve of this man. "And do you expect na magtatatalon na ako sa tuwa? At agad-agad na papayag? Ha!" Binigyan niya ito ng nakakainsultong tingin. "Kung sakaling hindi ko mahal si Prince at mamimili ako sa inyong dalawa, I'll choose him. I'll choose him anytime. Because unlike you, Prince is a responsible man. Mabuti siyang tao. Mahal niya si Lia na parang kanya. Wala ka sa kalingkingan niya, so why would I settle for less?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Vaughn. Tumaas-baba ang dibdib nito dahil sa galit. Mayamaya, tumalikod na ito at umalis.

Whew!

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now