Part 6

4.1K 90 0
                                    

"Your Book Of Life," anito bago binuklat ang unang pahina ng libro. "Masusulat diyan ang ano mang ikukuwento mo. Once done, ilalagay ang aklat mo 'library'."

Napatango si Johna. "L-lumaki ako sa isang mahirap na pamilya sa Batangas..." Namangha si Johna nang makitang lumilitaw sa pahina ng libro ang mga salitang sinabi niya. She was amazed. Parang magic. Itinuon niya ang paningin sa mga ulap para hindi ma-distract sa mga letrang lumilitaw sa pahina. Nagpatuloy siya,

"N-nag-iisa akong anak. At kapag mulat ka sa hirap, mangangarap ka ng pag-unlad. Gusto kong makatapos ng pag-aaral para magamit iyon bilang stepping stone sa pag-unlad. I was thriving and doing well. I was on the right track until... until a wrong kind of love changes everything..."

"First year college ako no'ng makilala ko si Vaughn Asuncion. Guwapo siya. Mayaman. Halatang happy-go-lucky. Parang walang deriksiyon ang buhay. Sa kabila noon, unang kita pa lang ay tinubuan agad ako ng pagkagusto sa kanya. I was hit big time. Iyon na ang mga panahon na natuto akong mas mag-ayos ng sarili para mapansin ni Vaughn." Johna chuckled at the memory. "Kinampihan naman ako ng tadhana dahil noong second year ay napansin ako ni Vaughn. Lantarang nagpakita siya ng interes sa akin. He was already a graduating student then. I was the happiest. Too young, naïve, and gullible, I fell hard for his charm. Ni hindi siya nahirapang manligaw sa akin. Love knock off my logical thoughts. Akala ko ay hawak ko sa mga palad ang mundo. Sige nang sige. Kilig na kilig. Feeling ko ay naglalakad ako sa ibabaw ng mga ulap kapag kasama ko siya. I was so drawn at him like a magnet. Ni hindi ko namalayan na nagka-cutting class na ako at bumaba ang grades ko. Oh, well, I was aware, yes. Wala nga lang akong pakialam. Ang mga payo nina nanay at tatay ay ipinapasok ko sa kaliwang tainga at pinalalabas sa kanan. Walang nananatili. In fact, may mga oras pa nga pakiramdam ko ay kontrabida sila at sinasakal ako."

Malungkot na ngumiti si Johna. Maybe her mind and eyes were doing tricks at her, dahil hayon at parang pelikula na napapanood niya sa mga ulap na nadadaanan ang ikinukuwento niya. "N-nalimutan ko ang pangako kina nanay at sa sarili ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral para makapagtapos nang sa gayon ay makapaghanap ng magandang trabaho para maiangat kahit papaano ang pamumuhay namin. Sadly, nalimutan ko ang goal ko. Si Vaughn lang ang importante sa akin noon. He was caring and attentive, kaya lalo akong nalulong sa kanya..."

Sinulyapan ni Johna si Armia. Mataman na nakikinig ito. She encouraged her to continue.

"T-then came the day na sumama ako sa outing ng barkada ni Vaughn. Overnight iyon sa isang resort. There were alcohols, cigarettes, weeds, and other drugs. I badly wanted to belong to the group so I tried them all. Nalasing ako. Na-high sa droga. N-nang... nang pasukin ako ni Vaughn sa silid ko, naging mapangahas siya, at... at natangay din ako sa init ng katawan."

Saglit na yumuko sa Johna at huminga nang malalim. "Isang buwan bago ako mag-nineteen, nadiskubre ko na buntis ako. That was when my bubble burst into thin air. Noon ako nagising mula sa panaginip. Noon bumalik ang reyalidad. Naglaho ang pantasya na may happily-ever-after sa pagitan namin ni Vaughn. Hindi niya gustong panagutan ang buhay na pumintig sa sinapupunan ko. I was so young and so scared. So scared...

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon