Part 7

3.9K 95 0
                                    


Saglit na yumuko sa Johna at huminga nang malalim. "Isang buwan bago ako mag-nineteen, nadiskubre ko na buntis ako. That was when my bubble burst into thin air. Noon ako nagising mula sa panaginip. Noon bumalik ang reyalidad. Naglaho ang pantasya na may happily-ever-after sa pagitan namin ni Vaughn. Hindi niya gustong panagutan ang buhay na pumintig sa sinapupunan ko. I was so young and so scared. So scared...

"P-pero alam mo, Armia, that was the day that I encountered another kind of love..."

Napangiti si Johna. "Naramdaman ko iyong klase ng pagmamahal na unconditional. Iyong pagmamahal na walang kapalit. W-walang hinihinging rason. Pagmamahal na... na walang katapusan. Walang kapantay. Walang hangganan. Alam mo ba kung ano iyon?"

"What was it?" tanong ni Armia.

Tumingin siya sa Tagasundo. "A mother's love," aniya.

Marahang tumango si Armia.

Ibinalik na ni Johan ang paningin sa labas. Nagpatuloy siya, "Minahal ko agad ang buhay na pumipintig sa aking sinapupunan. Sa kabila nang nangyari, minahal ko ang anak ko ng buong puso. H-huminto ako sa pag-aaral. Sa tulong ng mga magulang ko, ipinanganak ko ang anak ko. Oh, by the way, I named her Alia. Sabi ni nanay, God's gift daw ang ibig sabihin noon. And I really felt like my daughter was a gift from Him."

"She's lovely. An angel..." komento ni Armia. Nang sulyapan niya ito, nakita niyang nakatingin ito sa ulap. There, on the clouds, nakikita niya ang anak niya. Kung ganoon, hindi siya dinadaya ng mga mata niya dahil nakikita rin ni Armia ang tila pelikulang nagpi-play sa mga ulap. Nandoon si Alia, naglalaro, tumatawa, humahagikhik, nagpapa-cute.

Her heart was bursting with so much love and pride for that little girl. "I love her. I love her so. I love her with all that I am," buong pusong bulong niya. "Maaga akong nagkamali, pero si Lia, hindi siya isang pagkakamali..."

"Every child is a gift from Him," nakangiting sang-ayon ni Armia. "No matter what the circumstances of a chid's birth are. He/She was never a mistake. Every child was destined to be conceived, meant to be birth..."

"Lia was one year old nang lumipat kami sa Angeles City. Namatay ang nag-iisang kapatid ni tatay. She was an old maid kaya sa amin naiwan ang bahay niya sa Angeles. Kahit medyo gipit, in-encourage ako nina tatay na muling mag-aral. Hindi para sa kanila kundi para sa anak ko. And then... Prince entered my life. Siya ang lalaking nagpakilala sa akin ng isa pang klase ng love..."

And Johna couldn't help but further walk down memory lane...   

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now