Part 38

1.4K 70 1
                                    

ANG PAMIMIGAT ng pantog ang unang nagpabalik sa kamalayan ni Johna. Bago pa dumilat, pumasok na sa ilong niya ang pamilyar na amoy na gustong-gusto niyang singhutin. And of course, that familiar and soothing body warm that made her feel safe and loved. Hmm... she liked it. She loved to be cocooned to his embrace. At—Wait. Siya at si Prince... magkayakap na natutulog?

Tuluyang nagising ang diwa ni Johna. Her disoriented mind became clear. Oo nga pala. Kasama nga pala niya si Prince dahil kakakasal lang niya. Iminulat niya ang mga mata. Madilim pero unti-unting nakapag-adjust ang kanyang paningin.

Kung ganoon, nakatulog ako habang nanonood kami ng pelikula?

Dahil namimigat na talaga ang pantog, dahan-dahang kumawala si Johna sa yakap ng asawa. Nagawa naman niya. Nakaalis siya mula sa kama nang walang aberya at nagbanyo. Natatandaan ni Johna na hindi pa nangangalahati ang pelikula noong makaramdam siya ng antok. Kung ganoon, nakatulog nga pala siya. And she slept so soundly in his arms.

Wow!

Pagkatapos magbanyo ay bumalik na si Johna sa kama. Maingat siyang humiga para hindi magising si Prince. Dahil nakapag-adjust na ang mga mata sa dilim ay nakikita na niya ang mukha ng asawa. Napangiti siya. He was really strikingly handsome. Napapikit siya nang umungol at gumalaw si Prince. Kinabig siya nito at muling ipinaloob sa mga bisig. Her face was now in his chest. Napakabango nito. And she could almost hear the beating of his heart.

Ngumiti si Johna. Pumikit siya at bumalik sa pagtulog.




PAGLABAS ni Johna mula sa café, nag-aabang na ang asawa niya sa labas. Sinalubong siya nito. He kissed her temple.

"Hey, bakit parang umiyak ka?" tanong nito habang kinukuha ang kanyang bag.

"Nagluha lang paghikab," kaila ni Johna. Naiyak nga siya. Nagpaalam na kasi siya kanina sa mga kasamahan sa Angelicious. Nag-resign na siya dahil alam niyang iyon ang makabubuti. Nagkaroon pa ng ng farewell party para sa kanya to her surprise. Mabuti na lang at walang gaanong customer.

Hindi tulad niya, libre ang oras ni Prince dahil nag-leave ito sa trabaho. They've been married for two weeks now. Nakalipat na sila sa bahay. Pero dahil Linggo lang libre si Johna, hindi pa maayos ang bahay at marami pang kulang na gamit. Isa rin iyon sa mga dahilan kaya nag-resign na siya sa trabaho.

Bukas na sasabihin ni Johna sa asawa na nag-resign na siya. After school na lang siya magpapasundo, pagkatapos ay yayayain na niya ito sa mall o furniture shop para magtingin-tingin ng gamit nila sa bahay. Nai-imagine niya ang magiging reaksiyon ni Prince. He would be happy, for sure.

"Sure?" paniniyak ni Prince na mukhang hindi kumbinsido na hindi siya umiyak. Inakbayan siya ng asawa at iginiya papunta sa pinagparadahan ng sasakyan.

"Oo nga," sagot ni Johna. To Prince's delight, ikinawit niya ang isang braso sa baywang nito.

Kasama nila sa bahay ang nanay niya. Pero kapag naka-graduate na raw siya ay babalik na ito sa dating bahay nila. Tutulong lang daw ang nanay niya na maka-adjust si Lia sa bagong kapaligiran. Bukod sa nanay niya, may kasama na rin silang katulong.

Sa loob ng dalawang linggong pagsasama, inihahatid si Johna ng asawa niya sa school at sinusundo sa trabaho. Wala siyang maipipintas kay Prince bilang asawa. He was caring and attentive. Ito pa rin ang Prince na mapagbiro. Ang ipinagtataka lang niya... wala pang nangyayari sa kanila. Oh, they shared passionate kisses. At laging lumalalim ang halik, nagiging intimate at mas pisikal sila. Naa-arouse si Johna, ganoon din siyempre ang kanyang asawa. But he would stop... He would stop and change the subject. Come to think of it, lumalabas si Prince sa kuwarto nila kapag naliligo at nagbibihis na siya.

Nitong huling gabi, nakakaramdam na si Johna ng frustration dahil pakiramdam niya ay dinadala siya ni Prince sa alapaap sa mainit na halik at haplos nito pero bigla ring bibitiwan. The feeling was damn frustrating. Ang resulta? Lalo siyang nananabik at nagnanasa sa asawa.

Narating nila ang sasakyan. Nang makaupo na si Johna, ini-adjust ni Prince ang upuan pa-slant para maging komportable siya. Kotse ang dinadala ng asawa at hindi motor para daw nakakapagpahinga agad siya. May mga pagkakataon pa ngang nakakatulog na siya sa sasakyan dahil sa sobrang pagod at antok. Kinabukasan, magigising na lang si Johna na nasa kama na. That was how attentive he was. Nasasanay na rin tuloy siya.

"Why are you looking at me like that?" nangingiting tanong ni Prince habang ini-start ang makina ng sasakyan.

"Iniisip ko lang kung kailan ka magsasawa sa akin," tumatawang sagot ni Johna.

Kumabog ang kanyang dibdib nang kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ng asawa.

"Hindi pa nga kita natitikman, magsasawa agad ako?"

Bumuka ang bibig niya. Bakit kasi hindi ka nangangahas? Ano pa ba ang hinihintay mo? gusto sana niyang itanong. Heat was surging through her.

"You mean kapag natikman mo na ako, magsasawa ka na?"

Ngumisi si Prince. "I don't think so. I think I'll be more obsessed. You'll be my ultimate favorite food. Hinding-hindi ako magsasawa."

Johna blushed. She couldn't say a word. Bakit nga kasi? Bakit hindi ito nagtatangka? Strategy ba ni Prince ang palagi siyang ibitin para lalo siyang manabik? Kung oo, damn, effective iyon. Nananabik siya. Nagnanasa. And so she was afraid, anytime, that her desire will take its toll on her.

Humalakhak si Prince. "Oh, dear, my wife is blushing."

Iningusan ni Johna ang asawa. Shit. Manhid ba ang lalaking ito? Hindi ba niya alam na apektadong-apektado ako sa sinabi niya?

Umabante si Prince at inangkin ang kanyang mga labi. The kiss was hot and deep. But as usual, tumigil ito at iminaniobra na ang sasakyan pabalik sa kalsada.

Natatakot din namang magtanong si Johna kung bakit wala pang nangyayari sa kanila. Siguro natatakot din siyang baka hindi niya magustuhan ang magiging sagot ng asawa.

Hay... Anong klaseng laro ang nilalaro mo, Prince?

"Siyanga pala, nakita ko si Vaughn kanina sa school," sabi ni Johna. Sa tingin niya,dapat na iyong malaman ng asawa. "'Tapos kanina pumunta rin siya sa café."

Bahagyang kumunot ang noo ni Prince. "Oh? Nag-usap kayo?" buong interes na tanong nito. Nawala na ang kapilyuhan sa mga mata.

"Hindi. Nakita ko lang siya sa labas ng school na nakatingin sa akin, 'tapos umalis na. Kanina naman sa café, medyo nagtagal siya kasi kumain. Hindi naman niya tinangkang makipag-usap. Medyo nawe-weirdo-han ako kasi parang inoobserbahan niya ako." It kind of creeping her out. Hindi niya maintindihan pero parang tumutunog ang warning bells sa kanyang utak.

"Magpa-file tayo ng Temporary Restraining Order laban sa kanya. And then later on, a Permanent Restraining Order," sabi ni Prince, seryoso ang boses pati mukha. Kayang-kaya nitong mag-transform mula sa pagiging charming at pilyong Prince papunta sa seryoso at maawtoridad na Prince. He could be formidable and arrogant if he wanted to.

"Kailangan pa ba 'yon?" tanong niya. "Hindi naman na nanggugulo si Vaughn."

He grunted. "Hindi pa ba panggugulo 'yong ipinaparamdam niya sa iyo na pinagmamasdan ka niya? Maghihintay ba muna tayo ng violent encounter bago tayo umaksiyon? Huwag na huwag lang talaga siyang magkakamali ng kilos at malilintikan siya sa akin," mapanganib na sabi nito.

Johna's worries flew out of the window. That was because of her husband. He would protect her and Lia, kaya wala siyang dapat ikabahala.

Kinuha ni Prince ang kanyang kamay. "Sasabihin mo sa akin ang lahat, okay?" sabi nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa kalsada. "Ikukuwento mo sa akin kapag nagpapakita siya sa 'yo, o ano."

"Yes, boss," nangingiting sagot niya bago humilig sa balikat ng asawa.

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now