Part 28

6.3K 144 61
                                    


HUMINGA nang malalim si Johna bago idinayal ang number ni Prince. Dalawang oras na ang nakararaan mula nang umalis ang binata sa bahay nila. Hindi pa naman siguro ito tulog. Nag-ring ang kabilang linya. Kumakabog ang kanyang dibdib habang hinihintay na sagutin nito ang tawag.

Sa pangatlong ring sinagot ang tawag. Lalong tumindi ang kaba ni Johna. Umurong yata ang kanyang dila. She couldn't speak. Hindi rin naman nagsasalita si Prince sa kabilang linya kaya hindi niya alam ang sasabihin. Umaandar ang timer ng cell phone kaya sigurado siyang konektado ang tawag. Tumikhim siya. "P-Prince...?"

"Yes?"

Napalunok si Johna sa pormal na boses ng binata. If she tried to call him a week ago, siguradong hindi ito titigil sa panunukso sa kanya. Siguradong gagawin nitong issue ang pagtawag niya. Pero ngayon...

Marahang bumuntong-hininga si Johna. "Ahm, gusto ko lang magpasalamat. P-pasensiya na sa... sa abala, ha?"

"Wala 'yon," maiksing sagot ni Prince.

Nakagat ni Johna ang ibabang labi. Hindi niya malaman kung ano pa ang puwedeng sabihin dahil napakakaswal ng boses ng binata. Parang isang tanong, isang sagot lang ito. As if he didn't want to talk to her anymore.

"S-sige. T-tumawag lang ako para magpasalamat sa pagdamay mo sa akin ngayong araw."

"I can help you. Matutulungan kita laban kay Vaughn. Kahit sinong Poncio Pilato pa ang lolo niya."

Nanlaki ang mga mata ni Johna. Oo, mayaman si Prince, pero kompara sa mga Asuncion? But then, he delivered the line as if it was a matter-of-factly. "P-paano?" tanong na rin niya.

"Well, I can pull so many strings, Johna. Valuable strings. Kung koneksiyon din lang ang pag-uusapan, marami ako n'on."

He seemed sure and confident. Parang alam na alam ni Prince kung ano ang sinasabi, bagaman wala namang pagyayabang ang boses.

"Really?" tanong niya.

"Really. And I assure you, puwedeng-puwede kong tapatan o higitan pa si Vaughn. But let me make it clear to you. I won't pull any strings unless I gain something in return."

Nahugot ni Johna ang hininga. Hindi raw ito gagawa ng pabor na wala itong mapapala? Parang hindi si Prince ang nagsalita. Dahil ang Prince na nakilala niya sa mahigit apat na taon ay mabait at selfless. Tumutulong ito sa mga kabarangay nila na walang hinihinging kapalit.

"M-may... may hihingin kang kapalit sa akin, gano'n?" paniniguro niya.

"Yes," prangkang sagot nito.

"Ano ang hihingin mong kapalit?"

"Pag-usapan natin bukas. Good night."

CHAPTER NINE

MAAGA kang maghanda pagpasok. So we have time to talk bago kita ihatid sa school. Iyon ang text message ni Prince na nabasa ni Johna kaninang umaga. Iyon nga ang ginawa niya. Ngayon, sakay na siya sa kotse ng binata. Magiliw ang naging pagbati nito sa nanay niya, pero nanahimik na naman nang mapagsolo sila sa sasakyan. Again, it felt so damn awkward. Nakakapanibago talaga ang ganoong personalidad n Prince.

Palihim na pinagmasdan niya si Prince. Malalaki ang eye bags nito at mukhang hindi nakatulog. O kung nakatulog man ay kaunting oras lang.

"Where do you want to talk?" Sa wakas ay nagsalita ang binata. "Dito na lang sa sasakyan, o punta tayo sa isang café malapit sa university?"

"Dito na lang sa sasakyan," sabi ni Johna para magkaroon sila ng privacy.

"Okay." Iyon lang at tikom na naman ang bibig ni Prince.

Gustong maiyak ni Johna. He was cold and she didn't like it. Nalulungkot at nasasaktan siya. Parang gusto niyang kausapin nang masinsinan ang binata at bawiin ang tungkol sa lalaking nagugustuhan niya kunwari. Hindi niya inaasahang ganoon ang pakiramdam na hindi siya kinakausap ni Prince. Ni hindi pa rin nito magawang tingnan siya nang deretso. It really hurts. Napakalapit nito pero parang ang hirap abutin.

Kaya nga may kasabihang, be careful what you wish for because you might just get it, sabi ng kanyang isip.

Mayamaya, itinigil na ni Prince ang kotse. It was just a kilometer away from the university. Ipinatong ng binata ang kaliwang siko sa may bintana ng sasakyan at ang kamay ay bahagyang humaplos sa baba.

"As I've said last night, I can pull so many strings, Johna. Kayang-kaya kitang tulungan laban kay Vaughn," walang pasakalyeng sabi nito na sa daan pa rin nakatingin.

"Supreme Court justice ang lolo ni Vaughn. Paano mo 'yon tatapatan?" tanong niya.

"Randall Clark, Miro Lagdameo, Jared Montecillo, Mike Villamor, Lance Pierro Alvarez, Arthur Franz de Luna, and the last but definitely not the least: Attorney Milo Montecillo. Narinig mo na ba ang mga pangalang iyon?"

Bumuka ang bibig ni Johna sa gulat. Her eyes grew big. "Kilala mo sila?" puno ng antisipasyong tanong niya. Nagising yata ang bawat himaymay ng katawan niya dahil sa mga sinabi ni Prince. Hindi lang niya basta narinig ang mga pangalang iyon. Minsan, noong dalagita pa ay nangolekta rin siya ng magazines na featured ang grupo. They were all very good-looking men and very powerful. Miyembro ng high society ang magkakaibigang iyon. They were all businessmen; all were successful in their chosen field. They belonged to the most powerful and influential family in the country.

Sa wakas, binalingan siya ni Prince. He looked arrogant now. "Kuya Randall is a distant cousin. When I was young, para akong anino ng grupo nila. I was like their little brother, their bunso. Natigil lang iyon nang sa Amerika na kami manirahan. Hindi ako mabibigo sa kanila kapag humingi ako ng pabor. At si Kuya Milo, kayang-kaya niyang ipanalo ang kaso, without batting an eyelash."

Parang nakarinig ng awit ng anghel si Johna. Nakakita siya ng pag-asa. Bukod sa international lawyer si Attorney Milo Montecillo, ang alam niya ay isang beses pa lang itong natalo sa court battle. Sa isang babaeng lawyer pa. That woman became his wife later on. Kung ganoon, mas malakas ang laban nila.

Prince smirked. "You know what's funny? When I checked, na-discover ko na either investor o shareholder sina Kuya Pierro, Kuya Miro, at Kuya Art sa mga negosyo ng mga Asuncion. On my wish, kayang-kaya nilang gipitin, pabagsakin, at pulutin sa kangkungan ang mga Asuncion. Doon pa lang, mate- threaten na si Vaughn. I doubt it kung maitutuloy pa niya ang panggugulo sa 'yo."

"G-gagawin nila 'yon para sa 'yo?" She couldn't believe it. Prince was this powerful? Really? Oo nga at mayaman ang binata, pero ganoon ito kaimpluwensiya? As in? She was overwhelmed. Kunsabagay, si Prince naman ang tipo ng lalaki na hindi nagyayabang ng kung ano ang kaya at hindi kayang gawin. Hindi ito nagsasalita nang tapos, malibang siguradong-sigurado.

"Without a doubt."

"Wow," bulalas ni Johna. Parang noon din mismo ay gusto niyang puntahan si Vaughn at pamukhaan na hinding-hindi nito makukuha si Lia.

Lumunok siya. "Then... ikaw, what do you want from me in return?" lakas-loob niyang tanong. Pinag-isipan niya kagabi kung ano ang maaaring hilingin ni Prince sa kanya. And honestly, she had an idea.

Binalingan siya ni Prince na seryoso pa rin ang mukha. "Marry me."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now