Part 3

4.6K 110 1
                                    


"MOM, KUYA'S fingers just moved!"

Ang boses ng kapatid na si Princess ang unang pumasok sa pandinig ni Prince.

"O-Oh, my G-God. A-are you sure?" said the shock voice of his dad.

"Y-Yes, yes, dad! Oh, my God. L-Look! Look dad, it's moving again. K-Kuya...? K-kuya... A-and his eyes— they're moving, too... D-dad, I think kuya's back! T-tatawag ako ng doctor."

Nakarinig si Prince ng nagmamadaling yabag na papalabas ng silid. "Son... g-gising na. Prince, Prince... G-go on, open your eyes. Y-you can do it, son. C-come on, open your eyes," anang basag na tinig ng daddy niya.

Sinubukan ni Prince na imulat ang mga mata. Nagawa niya. Pero malabo ang nakikita niya. Parang may ulap na tumatabing sa mga mata.

"Oh, my God! Oh, my God!" anang daddy niya. Prince blinked his eyes weakly. Umaasang sa pamamagitan niyon ay lilinaw ang mga mata. And it worked. Una niyang nakita ang luhaang mukha ng ama, nakatunghay ito sa kanya.

"D-dad..." halos walang boses na usal niya.

His dad sobbed. "T-thank God. Thank God! W-welcome back, son. Welcome back."

Itatanong na sana niya kung ano ang nangyari nang maalala ang shooting incident sa labas ng opisina. There was a sniper on the loose. At isa siya sa mga tinamaan ng bala. The shot was fatal. Alam niyang hindi siya makakaligtas kaya tinawagan niya ang asawa— si Johna para magpaalam. Para sabihing mahal na mahal niya ito. For the last time, he wanted to hear her voice. For the last time, he wanted to tell her how much he loves her.

T-then I s-survived?

Inilibot ni Prince ang paningin sa paligid. Kapagkuwan ay hinawakan ang kung anong tubo na nasa bibig niya.

"D-don't," natatarantang awat ng daddy niya. Namumula ang mga mata nito dahil sa luha. "Don't remove it yet, son. Hintayin natin ang mga doctor. You've been sleeping for weeks now. Na-coma ka, son."

Coma! Right, that was a fatal shot. Isang milagro na nakaligtas siya. Sinikap niyang magsalita. "W-where's... m-my wife?" mahinang tanong niya. He can only imagine her horror habang kausap niya ito at nagpapaalam siya. "Johna? Love?"

Hindi nakaligtas kay Prince nang magpalitan ng tingin ang ama at kapatid. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang kakaibang emosyon na bumadha sa mukha ng dalawa. Dumating ang mga doctor. Nagulat ang mga ito nang makita siya. His father and sister gave way. Narinig niyang tinatawagan na ni Cess ang mommy niya.

Then Prince gasped. May mga salitang tila ibinulong ng hangin sa tainga niya.

K-kung oras ko na po... K-kung kukunin N'yo na ako, at least... at least save him. Iligtas N'yo po ang asawa ko. Hindi p'wedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please...

No. Hindi ibinulong ng hangin ang mga salitang iyon sa tainga niya. Rather, he recalled it from his memory. Oo, tama, narinig niya ang mga salitang iyon ni Johna noong nasa— ah, hindi niya alam kung anong lugar iyon. Pero maganda doon, parang paraiso...

Dumagundong ang dibdib ni Prince. His eyes grew big. Iyon ang huling narinig niya bago siya balikan ng malay, bago niya narinig ang boses ni Cess.

"Mister Patterson...? Mister Patterson...? Can you hear us, Mister Patterson?"

Napatingin si Prince sa mga doctor na nakatayo sa tabi ng kama. Ang isa ay nakaupo sa tabi niya. "Can you hear us?"

Hindi niya pinansin ang mga ito. Binalingan niya ang kapatid at ama. Everybody gasped when he forcedly removed that tube in his mouth. "S-si Johna. W-where is she? W-where's my wife?" Mahina at garalgal ang boses na tanong niya.

Muli, nagtinginan ang mag-ama. Napansin pa niya nang dumiin ang pagkakahawak ni Cess sa braso ng daddy nila.

Hindi p'wedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please... Muling pag-alingawngaw ng boses ni Johna. That particular tone of her voice... it was... it was desperate and came from the core of her heart. It's like she uttered that prayer while she was taking her last breathe.

Binalot ng kilabot si Prince. His heart was wildly pumping against his chest. "Answer me! Where's my wife?" Nagpa-panic na tanong niya. "Tinawagan mo si mommy pero hindi ang asawa ko. Why?"

"Johna's f-fine," biglang sabi ng daddy niya.

She's fine? Pero bakit ganoon, bakit hindi niya maramdaman ang sincerity ng ama?

"A-are you sure? Where is she? Please call her now. Tell her I'm awake. Tell her to stop crying, and stop worrying. Tell her to come, please. Tell her that I made it. Gusto ko siyang makita, mahawakan, mayakap. Daddy, my wife, w-where's my wife?"

"Your wife is r-resting. I-ilang gabi na siyang walang tulog kaya p-pinauwi na muna namin para magpahinga. I—I'm sure mamaya nandito na rin si Johna. P-please, son, makipag-cooperate ka na muna sa mga doctor. They need to check you up."

"But..." Tiningnan niya ang kapatid. Iniiwas nito ang paningin sa kanya habang kagat ang lower lip. Na para bang may gustong itago. "Princess..." tawag niya.

"Kuya please," pakiusap ni Cess.

He sighed in surrender. Itinuon niya ang atensiyon sa mga doctor.   

Of Love... And Miracles (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora