Part 56

1.2K 66 3
                                    


"K-Kuya, h-huwag kang... huwag kang mabibigla, ha."

That line brought shiver down Prince's spine. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Ang linyang iyon, hindi ba at ginagawa iyong introduction kapag... kapag may masamang balita?

Lumunok siya. "D-did... did something happen to her? Is she... all right?"

Nag-iwas ng tingin si Princess. Tears run down her cheeks.

"Princess!" sigaw na niya, tumitindi ang takot at pag-aalala sa dibdib.

"A... a w-week ago. Na... n-nasangkot sa isang c-car accident si J-Johna. I-isang... isang cement mixer ang... d-dumagan sa sinasakyan niyang taxi..."

Malakas na suminghap si Prince. Parang nanlaki ang kanyang ulo sa narinig. Palaki nang palaki na parang puputok. It felt as though his blood was drained from his body.

A week ago? His body trembled. His eyes grew big in horror. Pinilit niyang umupo. Agad naman siyang inalalayan ng kapatid.

"K-Kuya, do you need a doctor?"

"Wha—where is m-my w-wife?" Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Prince. Luhang dulot ng takot at matinding pag-aalala. "S-sabihin mong safe siya. S-sabihin mong ligtas siya! Princess, tell me everything!" bulyaw niya. "Ano'ng nangyari sa asawa ko?!" Pinaghahablot niya ang mga wires na nakadikit sa katawan at pabalandrang itinapon sa isang tabi.

"S-she's in this hospital, too."

"And?!" tanong niya sa naiinip nang tono. "A-ano'ng kondisyon niya?"

"S-si J-Johna...uhm.. t-the doctors said she was... s-she was c-clinically d-dead," hirap na sabi ni Princess. Natakpan nito ang bibig at tahimik na umiyak.

Malakas na suminghap si Prince. Parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at nagkadurog-durog. Parang nanlaki ang kanyang ulo. Palaki iyon nang palaki na parang puputok anumang sandali. "N-no, n-no..." He shook his head in denial. Namanhid siya. "H-hindi totoo 'yan. Hindi totoo!"

"I-I'm sorry. I'm sorry, Kuya."

"No! No! N-no!" hiyaw niya at nagsimulang magwala.

"K-Kuya, please calm down. L-lalaban din si Johna... T-tulad mo, lalaban din siya."




"J-JOHNA, l-love..."

Ganoon na lang ang gulat ni Johna nang marinig ang boses ni Prince. Hindi siya nagkakamali. It was her husband! Napuno ng saya ang kanyang dibdib at nagmulat ng mga mata. "P-Prince..." emotional na usal niya.

Nasaan ako? disoriented na tanong ni Johna sa sarili at iginala ang tingin. She realized she was in a hospital. At—Natigilan siya nang maalala ang nangyari. Oo nga pala, may cement mixer na dumagan sa sinasakyan niyang taxi. Kung ganoon, nakaligtas siya!

Thank God, thank God! Akala niya ay katapusan na niya.

"H-how could you do this to me?" humahagulhol na sambit ni Prince. Nakaupo ito sa isang wheelchair. Lunod sa mga luha ang mukha habang hawak ang kanyang kamay.

Wait-Natigilan si Johna. Nakita lang niyang hawak ng asawa ang kanyang kamay, pero hindi niya ito maramdaman. She couldn't feel the warmth of his hand. Hindi rin niya maramdaman ang mga luha nitong pumapatak sa kanyang kamay.

Itinaas ni Johna ang kamay at hinawakan ang asawa. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang lumusot ang kamay niya sa katawan nito. She couldn't touch him. Wala sa sariling bumangon siya.

She gasped. Nakatayo na siya pero nakikita pa rin niya ang katawan niyang nakahiga sa kama. May benda ang ulo, maraming gasgas ang mukha at braso, at may kung ano-anong medical apparatus na nakakabit sa katawan.

Natutop ni Johna ang bibig. Nanlalaki ang mga mata niya sa takot at pagkagulat. W-what the—

K-kung oras ko na po... K-kung kukunin N'yo na ako, at least... at least save him. Iligtas N'yo po ang asawa ko. Hindi puwedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please... Umalingawngaw sa mga tainga niya ang huling bagay na naisip bago siya nawalan ng malay.

Kung ganoon... kung ganoon...

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Johna ang humahagulhol na asawa habang nakatunghay sa katawan niya.

Kung ganoon ay nagising na si Prince? God heard her prayers? At... at siya naman ang pumalit sa posisyon nito? And now... She was in... in energy form?

"J-Johna, love..." tawag ni Prince. "N-naririnig mo rin ba ako? D-dahil narinig ko ang b-boses mo. I heard y-your prayers. K-kaya... kaya alam kong nariyan ka lang... S-sasabihin ko rin sa 'yo ang mga sinabi mo sa akin. P-please fight. L-lumaban ka. H-huwag mo akong iiwan. H-huwag mo kaming iiwan..."

Narinig siya ni Prince dati? Hindi makapaniwala si Johna.

Napuno ng lungkot ang kanyang dibdib. Gusto sana niyang umiyak pero hindi niya magawa. Gaano katagal na siya sa ospital? Gaano katagal nang gising si Prince? Ano ang kondisyon niya?

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now