Part 33

1.5K 65 0
                                    

"JOHNA! Johna!"

Kumalas si Johna mula sa yakap ni Prince. "Parang boses ni Vaughn," sabi niya. Lasing ang boses na iyon ni Vaughn.

Tumiim ang mga bagang ni Prince. "Let me handle him."

Umiling siya. "A-ako na muna. Dito ka lang."

"Pero..."

"Please."

"Joh—na!" muling pagtawag sa pangalan niya.

Lumabas ng bahay si Johna. Nakita niya si Vaughn na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito. Halatang lasing dahil wala sa ayos ang pagkakatayo. Humahapay ang katawan nito at bagsak ang mga balikat.

"Johna, kilala mo ba siya? Magsabi ka lang, kami'ng bahala d'yan..." sabi ng kapitbahay nilang si Mang Talyo na masama ang tingin kay Vaughn. Hindi lang kasi estranghero si Vaughn sa lugar nila, nambubulahaw pa. Sino nga ba ang matutuwa?

"Kilala ko po siya. Saka nandito naman ho si Prince sa bahay." Binalingan ni Johna si Vaughn. "Kung may sasabihin ka, magpakatao kang pumunta rito. Hindi 'yong nambubulahaw ka."

"Mhag-ushap tayo... Hik," sabi nito bago pasuray na pumasok sa bakuran nila. Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay at pabalandrang naupo sa sofa.

Napansin ni Johna si Prince sa may pintuan. Madilim ang mukha ng binata na hindi napapansin ni Vaughn dahil nakatalikod ito sa may kusina. Sinenyasan niya si Prince na siya na ang bahala roon.

"Mas makakapag-usap siguro tayo kung hindi ka lasing at—"

"Where ish mah daughter, ha?" Iwinasiwas ni Vaughn ang kamay. "No, answer that later. Ang gusto kho talagang malaman agad... paano mho shila nakilala? How did you know them, ha?" putol nito sa kanya.

"Sino?" kunot ang noong tanong ni Johna. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito.

"Shi Miro Lagdameo at mga kaibigan niya... hik... Phaano mo shila nakilala?"

She slightly gasped in amazement. Napasulyap siya kay Prince. Kung ganoon... nakakilos na agad ang—Oh my, God. Hindi nga nagbibiro si Prince. He really could pull so many valuable strings.

"A-ano'ng sinasabi mo?" tanong pa rin niya kay Vaughn. She was so amazed. Looking at her ex-boyfriend now, para na itong talunan hindi pa man nagsisimula ang laban.

"I'm asking you. How did you know them? Bhakit pati shi Lolo, tinawagan ako at shinabihang wala akong makukuhang suporta mula sha kanya? Even my own father threatened to disown me if I dare make a move against you."

Hindi makapaniwala si Johna. Really? Ganoon kalakas ang kapangyarihan nina Randall na pati Supreme Court ay kayang patiklupin? Bukod sa pagiging investor sa mga negosyo ng mga Asuncion, ano pa ang alas na hawak ng mga ito? Surely, there was something valuable that turned the tides on their favor. A costly information, perhaps?

"Tell me how did you fucking know them! You're a nobody kaya bhakit ka nila khilala? Let me guess..." Ngumisi si Vaughn, pagkatapos ay nakakainsultong hinagod siya ng tingin. "... You spread your legs at them, didn't you? Pinilahan ka nila? And they enjoyed you so well they'll do whatever you wish?"

Umakyat ang dugo ni Johna sa ulo dahil sa narinig. Pero bago pa siya makakilos, nadaklot na ni Prince ang kuwelyo ni Vaughn at malakas na sinuntok. Pumuslit ang dugo sa labi ni Vaughn at sumadsad sa sofa. Muli itong dinaklot patayo ni Prince at sinikmuraan. Halos mamilipit si Vaughn sa sakit.

"Prince, tama na," pag-awat ni Johna sa gigil na gigil na binata. "I said stop!" malakas niyang sabi.

He clenched his teeth. Hablot sa damit na kinaladkad nito si Vaughn palabas ng bahay. Nang makalabas, pabalyang binitiwan nito si Vaughn na bumagsak sa lupa. "Get out of here, you bastard! Get out of here before I kill you."

Natakot siguro, nagpilit bumangon si Vaughn at mabilis na tinungo ang sasakyan nito. Mukhang nawala na ang kalasingan.

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now