Part 32

1.5K 72 1
                                    


BUMALIK si Johna sa kuwarto at kumuha ng towel. Pero hindi muna siya lumabas dahil parang masisira ang rib cage niya sa lakas ng kabog ng dibdib. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na may kinumpuni si Prince sa bahay nila, pero bakit ngayon ay masyado siyang natataranta?

Noong isang araw pa nag-text si Johna sa binata. I'll tell you my answer when you're back. Sa pagkadismaya niya ay wala itong reply. Dahil Biyernes noon, akala niya ay susulpot na lang si Prince. Pero hindi ito dumating. Naghintay rin siya kahapon pero hindi rin ito dumating. She was so sad and disappointed. Ilang beses niyang tinangka na i-dial ang number nito pero pinanghihinaan naman siya ng loob.

But he was finally here now. At hindi lang ito basta nandoon, the old Prince was back. How she missed him.

Napangiti si Johna. Wala sa loob na nailagay pa niya ang isang kamay sa tapat ng kanyang puso. It was beating wildly against her chest. Talagang na-miss ng puso niya si Prince. Nakagat niya ang labi. The happiness she felt was overwhelming. Kinikilig siya.

Be still, my heart. Be still! pagkalma ni Johna sa sarili habang lumalabas ng kuwarto. Hindi makabubuti kung lalo siyang magtatagal. Knowing Prince, siguradong katakot-takot na tukso ang aabutin niya rito. Sinubukan niyang pigilang mapangiti at pinaseryoso ang mukha. Oh, damn, it was so hard to suppress the smile. Huwag naman sanang masyadong obvious ang saya at kilig niya. Kung hindi... naku po, hindi niya alam kung paano iha-handle ang pangungulit ni Prince kung sakali.

Pagbalik ni Johna sa kusina, naabutan niya ang binata na mukhang nagtitimpla ng kape. Nakatalikod ito sa kanya. And, oh, dear lord, namamasyal ang pilya niyang mga mata sa katawan nito. Hindi niya mapigilang pansinin ang lalaking-lalaking tindig ni Prince, lalo na ang mabilog na pang-upo. The man was really sexy and oozing with sex appeal. Parang natutukso siyang yakapin ito mula sa likuran.

"Here's your coffee," sabi nito kahit nakatalikod.

Nanlaki ang mga mata ni Johna. Alam ni Prince na nandoon na siya? Alam din kaya nito na tinititigan niya?

Pagharap ng binata ay kinindatan siya nito. "Muntikan na akong matunaw, ah," sabi nito bago inilapag sa mesa ang tasa ng kape.

Ramdam ni Johna ang pamumula ng mga pisngi. Alam nga ni Prince na tinitigan niya ito! Umingos siya para itago ang pagkapahiya. Shit, nasaan na ba ang composure niya? Parang namamasyal, ah. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Inabot niya ang towel.

"Ahh," tanging nasambit ni Johna nang walang ano-anong maghubad ng T-shirt si Prince. Mulagat ang mga mata niya. Her jaw dropped at the sight of his naked torso. It was one hell of a body. Ilang beses na iyong nalantad sa kanyang mga mata pero sa tuwina ay hindi niya mapigilang mamangha at palihim na humanga. It was definitely a work of art.

"Close your lips. Baka hindi na ako makapagpigil at angkinin ko 'yan," sabi ni Prince habang kinukuha sa kanya ang towel. Pinunasan nito ang katawan.

Parang naestatwa na si Johna. He was torturing her. He was exciting her. Nakakaramdam siya ng pagnanasa. Oh, yes, she wasn't that naïve.

"You're drooling, love," tukso pa nito.

Noon nagising si Johna. Love. He called her "love" again. Sobrang saya niya. Parang sumasayaw at kumakanta ang kanyang puso nang mga sandaling iyon.

Sumimangot siya kunwari.

Prince chuckled. "Don't worry, para sa 'yo lang 'to," sabi nito bago kumindat, dinampot ang isang tuyong T-shirt na nasa lagayan ng construction tools at isinuot iyon.

"No, thanks. Hindi ako interesado," sabi ni Johna. Dear lord, gusto niyang umupo lang at tumungaga sa binata. Gusto niyang marinig ang bawat buhay na buhay na halakhak nito at gusto niyang pagmasdan ang kaguwapuhan. She was really in love with him. Walang saysay para ipagkaila pa niya ang tunay na nararamdaman.

Of Love... And Miracles (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant