Part 46

2.7K 80 15
                                    


"WOW!" bulalas ni Johna habang nakatingala sa building sa harap niya. Patterson and Partners Engineering Firm ang bumubuo sa mga kulay-silver na letrang nakadikit sa itaas ng entrance.

Alam niyang mayaman si Prince, na isa ito sa mga may-ari ng kompanya. Pero ganito kalaki ang building nila? It must be a big company. Sa pangalan pa lang ng building na "Patterson and Partners" ay ipinahihiwatig na kung sino ang pinaka-boss doon. Mukhang marami pa siyang matutuklasan tungkol sa asawa.

Pumasok si Johna sa building. The lobby was elegant and enormous. Parang may gallery sa isang sulok kung saan naka-display ang mga miniature building. Lumapit siya sa information desk.

"Good afternoon."

"Yes, Ma'am. Good afternoon. How may I help you?" magalang na sagot ng isa sa mga staff, halatang aral ang ngiti.

"Ahm... I'm wondering if you could help me and show me where Engineer Prince Wolfe Patterson's office is?"

"May appointment po kayo?" tanong ng babae.

Hindi nakaligtas kay Johna nang pasimple siyang pasadahan ng tingin ng kaharap. Kalalabas lang niya mula sa eskuwela kaya naka-school uniform pa siya. Na-cancel ang klase nila sa hapon kaya ipinasya niyang sorpresahin ang asawa sa opisina nito. She had no makeup on her face. Ganoon pa man, alam niyang natural na maganda siya. She had the face, the body, and the height.

Iyon nga lang, alam din ni Johna na kung pagbabasehan ang suot niyang uniform, obvious na hindi siya nag-aaral sa isang mamahalin o exclusive school. Maging ang bag niya ay hindi branded. Bagaman malinis at makintab ay luma rin ang kanyang sapatos.

"Wala, eh. Pero—"

"I'm sorry, Miss," putol ng kaharap sa medyo mataray na boses. Bahagya ring nakataas ang isang kilay nito.

Nabastusan si Johna sa inasal ng babae. Iniisip kaya nito na isa siya sa mga babaeng humahabol sa boss nito? Ilang beses na siyang niyaya ni Prince na isama sa opisina nito pero palagi siyang tumatanggi. Now she wondered, ano kaya ang magiging pakikiharap sa kanya ng empleyadong ito kung alam na siya ang asawa ni Prince?

"Kung wala kang appointment—"

"Johna!" tawag ng boses na nakilala agad niyang kay Architect Jared Montecillo.

Paglingon ni Johna, nakita nga niya ang lalaki na palapit sa kanya. He looked happy to see her. Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Hi! God, nai-starstruck pa rin ako sa bawat isa sa inyo. Tuwing makikita ko kayo, bumabalik ako sa pigiging teenager," natatawang sabi niya.

Jared laughed.

Mula sa gilid ng mga mata, nakita ni Johna ang pagkagulat ng mga staff nang malamang magkakilala pala sila ni Jared. Binati ng mga ito ang lalaki.

"You're going to surprise him, aren't you? Naku, siguradong matutuwa si bunso."

"Sana. Kaya lang, mukhang hindi ko siya makikita dahil wala akong appointment. Ayoko namang i-text dahil masisira ang sorpresa."

"Oh..." Mabilis na naintindihan ni Jared ang gusto niyang sabihin. Binalingan nito ang mga staff sa information desk. "I think your boss will be very disappointed the way you treated his dear wife," malamig nitong sabi.

Namutla ang mga staff. Napasinghap pa ang iba sa narinig.

"Yes, this lovely woman here is Prince Wolfe Patterson's wife. At kahit hindi ninyo kilala kung sino ang kausap ninyo, you should be accommodating and courteous at all times. Kasama 'yon sa trabaho n'yo."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now